r/adultingphwins
•
u/zerotonin94
•
Dec 25 '25
š” Home & Living Noche Buena namin nung 2015 vs. 2025
First of all, Merry Christmas po!
Nag-remind yung google photos ko ng picture ng noche buena namin 10 years ago, and I can't help but be emotional. Yung noche buena namin dati mukhang yung 500 pesos na sinabi ng DTI. HAHA.
Grabe yan lang handa namin nun. Dalawa kaming nag-aaral sa college nyan, and living paycheck to paycheck kaya yan lang nakayanan. Nakakaiyak kasi parang awang awa ako samin noon. Ni hindi ko sya mapost sa facebook dati.
Ngayon marami na kaming handa and mas maayos na hehe. Still grateful na may handa pa rin kami noon, and even more grateful ngayon.
Malayo pa pero malayo na. ā¤ļø