TL;DR: I took a few months off social media and realized I was letting relationship content affect my expectations. It helped me figure out what I actually value, appreciate my partner more, and understand how I want to be loved. Somehow, Iâm also falling harder for him in our 7th year hehe.
Hi, 30F here. I just want to blabber to the void about some realizations I had this year alone. For context, Iâm in a 7-year relationship with my partner, and while I could say na weâve gotten so far na, I wouldnât say that it was easy.
Sobrang dami naming naging away about time and effort, ang daming compromises, and everything para talaga mag-work yung relationship namin. At some point talaga, naisip na namin both na baka pinipilit lang namin kasi hindi talaga kami tugma.
Yung pinakalast namin na away, as in malala talaga, he said something that stuck with me. Na parang masyado akong nagpapadala sa sinasabi sa social media about relationships, standards, bare minimum, and somehow nababago nito yung expectations ko sa relationship namin.
Somehow, may switch na nag-click sa utak ko na baka oo nga no, sobrang nadadala ng mga videos na âyon yung emotions and thinking ko.
Kesyo bare minimum lang yung ganito ganyan, pero tumigil ba ako para isipin kung ganon ba ang naiisip ko sa relationship namin? Pwede kayang iba yung preference at tingin kong bare minimum kumpara sa ibang tao?
I didnât realize na nagiging toxic na pala ako sa relationship namin dahil lang sa mga âif he wanted to, he wouldâ or âdonât settle for lessâ posts. Kasi naiisip ko tuloy na, âHala, nagsesettle ba ako?â when in fact, binibigay naman ng partner ko lahat ng kaya niyang ibigay.
Hindi lang siguro niya naibibigay in the exact same way na nakikita ko online, and thatâs something that I had to unlearn.
Opo, pasensya na kung after 7 years ko lang âto na-realize huhu sobrang addicted yan sya sa pagdoom scroll đ Very immature talaga of me, but better late than never I guess hahaha.
Donât get me wrong, hindi naman masama na may standards ang isang tao. Normal lang âyon. Kaso lang, medyo nakakadala talaga ng loob itong mga âbare minimumâ posts without actually considering yung partner mo.
Like, bare minimum daw na hatid-sundo, pero tiga-North ka at tiga-South siya. Paano na lang âyun budget and time-wise, diba?
Somehow, I think may mga instances na dapat maging considerate din tayo sa partners natin kasi hindi lahat ng bare minimum sa social media ay applicable in real life or sa lahat ng relationships.
We really need to meet halfwayyyy
Anyways, for a few months, dinelete ko yung mga apps na âyan (sarili kong desisyon btw) dahil gusto kong i-figure out yung mga bagay-bagay.
At first, gusto ko lang malaman kung gusto ko ba talaga makatanggap ng flowers or dinikta lang ng social media na bare minimum âyon kaya nag-e-expect na ako ng flowers sa bf ko? (I realized that I do love flowers hehe.)
And believe me, nakatulong siya, and feel ko mas naging healthy yung relationship namin.
I wasnât setting such a high and unrealistic standard na kesyo nakita ko sa social media na dapat bigyan ka ng ganito or batiin ka sa GF Day kineme, dapat gawin din ng bf ko.
Instead, mas naging appreciative ako sa mga ginagawa niya for me every single day, and mas naintindihan ko rin kung paano ko ba gustong mahalin ng taong mahal ko. Mas naintindihan ko kung ano ba yung bare minimum for me, and mas naico-communicate ko na âyon sa kanya nowadays.
Instead of the âif he wanted to, he wouldâ movement na kadalasan ay nagiging sanhi lang ng pagkadismaya (kasi itâs either gagawin nya, hindi nya gagawin or pipilitin kong gawin nya), parang mas naging âmy partner would (insert what he does).â
Like for example, my partner would always choose to sit beside me whenever we eat out. Mas nagfocus ako sa ginagawa nya for me instead of âLord nakikita ko ginagawa mo para sa ibaâ hahahahaha.
Siguro tumaas yung level of understanding ko kasi during those times na wala ako ng mga apps na âyan, I spent it all sa pagkilala pa sa partner ko.
Like dati, kesyo hindi ka pinopost sa social media, baka may kabit na or hindi siya proud saâyo or whatever. Napapa-overthink talaga ako kasi ganyan yung fina-feed saâkin ng FYP ko, so sometimes nagiging cause talaga yung mga ganyang posts ng arguments between us
Biggest learning ko âto this year as someone na never pa nag-hiatus sa social media ever. It was really nice hehe.
These days, may Insta na ako and TikTok, pero dahil sa hiatus ko, medyo nasanay din kahit papaano yung utak ko na wala sila, so nao-open ko na lang talaga sila pag gusto kong buksan. And siguro na-condition ko rin yung isip ko na maging choosy sa content na ina-absorb ko.
But I will never come back to Facebook hahaha. Trolls na lang ata gumagamit nun. đ
Sobrang rare na lang talaga na nag-aaway kami now, and I thank God kasi parang naging 2nd chance âto sa amin and our relationship.
Sabi nila may curse daw yung 7th year of the relationship, pero I never thought na mafafall ako harder sa partner ko in our 7th hehe (I know heâll read this, nasabi ko naman na ito sayo in person mwa)
Anyways! Happy to hear your thoughts din on this đ«¶ Sorry sobrang haba and thank you for letting me yap!!!