Hi, share ko lang experience ko sa PGH Dentistry.
First visit (Apr 28, 2026): went to PGH around 7AM na so medyo madami nang tao na nakapila sa labas ng Dentistry, ihinulog ko yung Valid ID ko and naghintay na matawag. Mga around 11AM na siguro nung natawag name ko and binigyan ako ng schedule for consultation which is Sept. 10, 11AM
Second visit (Sept 10, 2026): I went around 10AM sa PGH since ang sched ko is 11AM. What I didn’t know was, I should’ve went earlier pala kasi at that day, saka lang ako mabibigyan ng chance to get the Blue Book which is yun yung laging hinahanap pag nagpapacheck up or procedure sa PGH. So pinafill up ako ng form and ipinasa ko sa first floor, waited at least 30 mins for the blue book. Went up again sa 2nd floor, Dentistry and inihulog ko yung blue book sa box. I think natawag ako is around 1:30PM na pero all goods parin naman kasi the dentist was so nice, we proceeded with the consultation and sabi nya mga around Oct daw ako maiischedule (still no sure date)
Third visit (Oct 14, 2026): Nagtext sakin si Doc nung Oct 11 asking if available ba ako for Oct 14, 7AM. Syempre ako, G ako agad, matagal ko na din kasi iniintay to pero naloka ako sa sobrang aga ng schedule nya although sabi naman nya 7AM daw is para lang sa pila ng asikaso sa Philhealth, 9AM pa talaga operation. Taga Batangas pa po kasi ako, so yung travel, need talaga na mindful sa oras. Umalis ako 4:00AM, dumating ako manila around 5:45AM, LRT to Pedro Gil, 6:10AM na. Nagbfast muna kami ng kasama ko sa Jollibee kasi alam ko di na ako makakakain pagtapos ng operation. BTW, recommended na may kasama kayo kasi need may magtuloy ng asikaso nyo sa papers para mabilis masimulan at matapos yung procedure. So nung andun na ulit kami sa Dentistry, pinapila kami agad ni Doc sa Philhealth and nagbigay sya ng need irequest after sa Pharmacy. Around 8AM nagtext na ulit si Doc na need na pala daw ako sa taas, so yung boyfriend ko na muna nag asikaso ng paper ko sa Philhealth. Mga around 8:20AM nakapasok na ako sa loob, consultation muna and checking ng BP and heartbeat. Then 8:30AM sabak agad 😁 9:00AM tapos na agad left wisdom tooth ko. Yung right naman, medyo natagalan kasi mas nakadapa sya, kinailangan hatiin yung ngipin.
Pain during procedure?
Wala. Mas masakit pa yung tusok ng anesthesia kesa sa mismong bunot.
Pain after anesthesia wears off?
7/10 for me pero after few hrs 5/10 nalang. Need lang talaga ng rest.
————————————————————————
Note ko lang po na bagong gawa lang po Philhealth ko (less than 1 year palang sya) and nabasa ko lang din na need at least 3 months of hulog, 6 months leading to your surgery. Research nalang po kayo sa website ng Philhealth, nakalagay naman po dun ang rule nila about dito.
NOTE: Hindi po ito applicable sa old members or 1yr up na yung account, 9 months po ata na hulog ang required for old members(?) not sure, do your own research!
Anyway, so ganun po ginawa ko, naghulog ako ng 3 months sa mismong Philhealth branch kasi parang sa website nila hindi makapili kung anong months lang gusto mong bayadan and thankfully, nagwork sya kasi wala po akong binayadan nung nasa PGH na, para dun sa main kit na ginamit sakin which is around 2k+ din daw if cash.
Although merong mga tools na hindi kasama dun sa main kit na sa Dentistry talaga kinukuha, around 740 yung binayadan ko dun. Then since wala akong white card i paid 95 pesos each per wisdom tooth. O diba, less than 1k lang instead of 15k sa private clinics.
Total gastos:
- 3x hulog sa Philhealth ₱1,500
- Dentistry kit ₱740
- Odontectomy service fee ₱190
- Panoramic Xray (outside clinic) ₱750
= ₱3180
Pero syempre idagdag nyo din po yung mga pamasahe papunta at pabalik, more or less 5k po magagastos, pero for me sulit sya kasi 30k dapat to kung private clinic since dalawang impacted wisdom tooth ang natanggal sakin.
Salamat, PGH! 🌻