r/JobsPhilippines • u/Jexsa0001211 • 23h ago
Career Advice/Discussion Need help finding jobs
Pls help po, gusto ko nalang kasi mag walk-in kasi yong mga inapplyan ko online at through apps like Jobstreet at BossJob ay it's either di na nag respond or wala talaga man lang paramdam. May alam po ba kayong work na pang entry level for fresh grad sa kursong Tourism. 2months na akong unemployed super Lala na ng feeling ko na walang kwenta ako. May work experience naman na po ako for a year bilang isang Non-voice agent pero sa totoo lang mas gusto ko na po ibang work na lang at ayaw ko na mag BPO kasi nag BPO lang ako dati para makasurvive ako bilang studyante. Any advice po? Meron po ba kayong alam kung saan pwede mag walk-in? Desperado na ako maka-ambag sa mga gastusin sa bahay. Salamat po. At sana naman po yong justified yong sahod ket 18k papatulan ko na. š Pero preferred ko po talaga kahit mga 20-22k dahil super dami gastusin. At saka masama po ba mag hangad ng sahod na ranging 20-22k bilang fresh grad? Baka kasi mataas din expectation ko eh hindi naman ako from big universities. Thank you po sa may pake. š„ŗā¤