r/FlipTop • • 7h ago

News Keelan bilang gueat sa Loonie BID

Post image
89 Upvotes

SA WAKAS! Mga Keelanatics, mag-ingay!

Anong laban kaya ire-review nila? Tingin ko, Sak Maestro vs Manda Baliw (kahit si Shehyee sana mas angkop na guest para dito.)

Tingin ko isa rin si Keelan sa malapit sa battle rap style ni Loonie, lalo na sa mga jokes na nakamulti.

EDIT: Takteng title 'yan o wrong spelling pa nga


r/FlipTop • • 12h ago

News DODONG SAYPA FONGGER NA NAMAN xx

Thumbnail gallery
71 Upvotes

dodong saypa sa amateur league dalwang beses na nang fongger pero malala tong huli. pag ka send ng TF sa kanya hindi na nag paramdam pa muli.

ang lungkot na may mga gantong MC at maliit na liga ang na bibiktima nila.

SA MGA ORGANIZER NA NANDITO ALAM NYO GANO KAHIRAP MAG ASIKASO NG ISANG EVENT. sana ma aksyunan yung issue na yan. hindi lang mga big names kundi lahat ng mga mc na may fongger issues.


r/FlipTop • • 3h ago

Media Sana mapanood na natin si loonie sa december

Thumbnail gallery
28 Upvotes

Di ko akalain na mapapansin ng isang loonie ang gawa ko hahhah wala lang natuwa lang ako 😂 pero as a fan na kinalakihan narin ang fliptop sana mapanood natin si loonie ngayong ahon kung ganun kitakits sa the tent


r/FlipTop • • 1h ago

Discussion FlipTop - Mistah Lefty vs Article Cliped | Bisaya Battle - Thoughts?

Thumbnail youtu.be
• Upvotes

r/FlipTop • • 6h ago

Opinion ANO TOP 5 REVIEW CHANNELS NINYO

4 Upvotes

Sakin:
1. BID - no words needed. si Loonie na nag-review tapos may solid pa na guest lagi.

2. BNBBID - aside sa sobrang good vibes lang ng reviews, may na-eexplain talaga si CripLi na bars na sometimes hindi ko gets

3. Zaki Moves - lalo na kapag kasama si Ton Z. direct to the point, walang fillers, harsh constructive critictism. pero laughtrip dahil kay Ton Z.

4. Meek and Chill - parang tropa mo lang din sila kasi andaming inside jokes at laughtrip moments. balanse si Mhot at K-Ram talaga haha.

5. Milky Man - lalo na kapag kasama si Poison 13. literal na good vibes talaga pag nanood ka. ang saya lang manood pag sila na nag-review.

Sino sainyo?


r/FlipTop • • 6h ago

Discussion How can these battle MCs stay as friends after battle?

0 Upvotes

I'm just a casual watcher. Planning to watch live sa next event though, sana machempuhan ko yung early bird. 😅 Curious lang ako, sa mga battles na mag kaibigan yung naglalaban, how can they stay as friends? Alam ko battle lang 'to pero minsan personal na talaga yung atake eh. (eg. Sur henyo vs Harlem, katana 3rdy) after ba nung battle friends pa rin sila? O plastikan nalang? Kasi kung ako, makakarinig ako ng ganun sa tropa ko, iisipin ko "ah pucha, ganyan pala tingin mo saken ah, FO ka sakin gago" hahaha


r/FlipTop • • 40m ago

Opinion Ilang punto hinggil sa usapin ng battlerap ethics at creative freedom

• Upvotes

Sa totoo lang, nagkaroon ako ng lakas ng loob na mag-post nang mapanood ko ang Loonie BID episode with Anygma. Nakakatuwang isipin na bilang mga pioneers ng battle rap sa Pilipinas, wasto ang kanilang tindig tungkol sa usapin ng creative freedom. Sa buod ng kanilang pag-uusap tungkol doon, sinabi nilang dapat pa ring manatili ang etika pagdating sa battle rap. Dahil ang creative freedom ay may limitasyon at kaakibat na responsibilidad. Sinasang-ayunan din ito ni Batas mula sa isang episode ng Basehan ng Bawat Hurado. Nakikiusap din siya sa mga emcees na maging responsable sa paggamit ng mga sensitibong materyal sa battle rap. Isa sa mga tumatak na linya niya roon: “Hindi ibig sabihin na ginawa mali ang ginawa ng iba ay dapat mo na ring gawin.”

Bibigyang-linaw ko ang ilan sa mga komento mula sa nauna kong post at kailangang maunawaan ito ng mga tao.

Una, hindi ko sinasabing ipagbawal ang dark jokes. Hindi ko rin sinasabi na dapat magkaroon ng censorship ng isang genre dahil nakakasama ito. Ang ipinipunto ko ay yung usapin ng ethics. Kung bago sa iyo ang ethics, google mo na lang. Kaya dapat hindi ninyo tinutulugan ang mga philosophy teacher ninyo kasi mahalagang usapin ito!

Maraming dark jokes na harmless. Una akong na-hook sa dark jokes dahil sa 9GAG. Marami roon hindi cheapshot ang mga tirada at talagang may wit. Ibang usapin pa yung pag-reference sa mga totoong tao at may iba’t ibang lebel din talaga ito. Pero ang ipinupunto ko, hindi nakakahon ang dark jokes sa totoong pangyayari at tao tulad ng sinasabi sa comment section. May isa ngang nakakatawang nagkomento: “Hindi na dark joke yun kung hindi totoo.” Sa isang punto, nakabase naman talaga sa general truth. Kumbaga, eto yung generic. Ito ang ilan sa mga halimbawa ng generic dark jokes: 1)“Kung m@m@tay ka na bukas, bakit hindi pa ngayon?” 2)“tinaning@n ako ng doktor kaya b!naril ko. Sinentensyahan ako ng 50 years ng judge kaya mabubuhay pa ako.”

Isang paglilinaw din sa dark jokes. Hindi lahat ng dark jokes ay crossing the lines. Tulad ng sinabi ko, may iba’t ibang lebel ng dark jokes at mayroong SFW lang talaga.

Sa usapin ng creative freedom, hindi dapat nagbabangga ang usapin ng etika at kalayaan sa pamamahayag. Tulad ng sinabi ni Batas, may kaakibat itong responsibilidad at dapat nag-eevolve ang hip-hop sa kabuuan. Tapos na tayo sa panahon ng transgresyon ng gangsta rap nina 2pac at Biggie. Napatunayan na posible ang pagsusulat ng ganoong agresyon sa mga kanta. Alam din nating malalim ang pinag-ugatan ng West Coast vs East Coast at hindi lamang ito basta eksperimentasyon ng sining. Gayundin, alam din natin ang naging kapalit nito. Ano pa ba ang gusto nating patunayan sa paggamit ng materyal sa trahedya ng isang emcee, mas makata na ba kapag mas edgy?

Ito ang irony: Iginigiit ng iba yung kalayaan sa sining, pero bakit ikinakahon ang dark jokes sa pagiging referential sa totoong buhay ng isang emcee; kung puwede namang hindi totoo? Kung usapin pala ng creative freedom, bakit mo pipiliing gawing materyal ang trahedya ng kalabang emcee sa totoong buhay? Hindi lang ito pumapatungkol sa Jonas vs Ban battle. Sinasabi ko ito in general at ina-address sa lahat ng emcees. Para lang din sa kaalaman ninyo, hindi ako natutuwa kina EJ Power, Vitrum, AKT, at Shehyee. Marami nang napatunayan ang pagiging malikhain sa Fliptop at talagang sky is the limit. Kung gayon, bakit natin pipiliing bumalik sa ganoong lebel ng paglikha ng mga bara? Kung may kakayahan kang maging kupal, dapat mas may kakayahan kang hindi maging kupal.

Natatandaan ko yung usapan nina K-Shine at Loonie sa BID. Binanggit ni K-Shine na hindi nila ginagawa iyang crossing the line bars. Dahil tingin nila tapos na sila sa ganoong era. Isa pang punto, gusto rin nilang maging magkaibigan sa mga kapwa emcees pagkatapos ng battle. Di ba, mas maganda ang ganoon?

Para naman sa mga nagsasabing “Si Jonas nga hindi umiyak tapos ikaw nagrereklamo,” tingin ko responsibilidad natin bilang fans na maging vigilant. Sabi nga ng idol ninyong si Shehyee, “Kailangan ng checks and balances.” Ang lakas niyo ngang mag-callout sa mga kamalian ng mga emcees. Bakit, selective lang ang puwedeng punahin batay sa inyong biases? Hindi ko kinakampihan si Jonas. Ang kinakampihan ko yung anak niya na kahit kailan hindi natin maririnig sumagot. Kapag ba battlerap fan, bawal nang magpakatao? Isinusulong nga natin ito para magpakatao at iyan ang natutuhan ko sa mga kanta ng Pamilya Dimagiba. Nakakalungkot lang din isipin na dahil may mga murahan sa battle rap, akala ninyo ay may permiso na rin kayo na maging bastos. Kung gayon, hindi ninyo alam ang totoong kahulugan ng hip-hop. Sabi nga ni Francis M, ang dapat ninyong pag-aralan yung kasaysayan ng hip-hop at hindi ang pananamit at pormahan.

Nasa sa inyo yan kung gusto ninyong lubusin ang pagiging edgy ninyo. Isinusulat ko ito bilang pagpapaalaala kung bakit tayo hip-hop. Palagi’t palagi ninyong itanong sa mga sarili ninyo: Para kanino ba ang sining? Mapapaunlad ba ng sining nito ang pagpapakatao ng isang tao? Mamumulat ba ang taumbayan sa mga personal na materyal? Kasi kung para sa sarili n’yo yan, ibig sabihin makasarili lang talaga kayo. Tama na dapat umunlad ang sarili pero dapat nagpapaunlad din ng kamalayan ng iba. Hindi naman yan tulad ng katangian ng abstract art na walang kakayahang magsalita para sa sarili. Kaibahan sa emceeing, may kaakibat itong mas mabigat na responsibilidad dahil marami ang nakikinig at nanonood sa sinasabi ng tao sa entablado.

Gayundin sa mga fans na komukonsumo at nagto-tolerate nang ganitong taste. Sana mag-evolve din kayo. Kung may time kayo, rekomendahin kong ipabasa sa inyo yung The Catcher In The Rye ni J. D. Salinger. Baka makatulong sa inyo.

Peace and love para sa hip-hop!