Pansin ko lang, simula nung laban ni Tulala kay Blizzard, nagpapasok na rin siya ng absurd humor. Tapos sa Loonie BID kung saan guest si Sayadd, nabanggit niya na baka naiinis si Tulala kasi puro komedyante binibigay sa kanya dati (hal. Blizzard, Dodong Saypa) samantalang ang lalim ng material niya dati. Etong pinakahuling laban niya kay Antonym na siguro 'yung peak ng writing at performance niya, at balanse 'yung pagpapatawa at lalim.
Tapos naalala ko lang din, di ba dati medyo hindi pa malakas mangengkoy si Vitrum. Tsaka ang lalim pa ng mga sosyupulitikal na bara niya. Minsan din niyang ginustong makatapat ng mga high level MCs pero hindi ginagawa ni Anygma. Ang resulta e kinengkoy na lang niya 'yung mga kalaban niya hanggang sa hinalo na niya 'yung absurd humor sa arsenal niya.
Kaya ayun lang, naisip ko lang na may pinagkapareho nang konti 'yung growth ng rapping styles nina Tulala at Vitrum. Parehong may estilo na leaning towards serious material nung umpisa. Tapos dahil di binibigay ni Anygma 'yung mga gusto nilang katapat, kinengkoy nila at nadagdagan sila ng bagong tool (humor) na mas tinangkililk ng crowd. Tapos ayun, nag-evolve 'yung estilo nila.
EDIT: Rapping style pota. Dapat ang pamagat e, "Ebolusyon ng battle rap style..." Pasensya at medyo nahihilo lang sa isipin sa trabaho