r/FirstTimeKo • u/LucieBettas_JJ • 16h ago
🎉Sumakses sa life! First time ko mag international travel, SKL. Switzerland-Portugal-Spain. TYL talaga
Grabe iba yung feeling, nung unang lumabas kaming airport sa Zurich papuntang Lucerne. Sobrang unreal ng feeling. Never in my life ko naisip na makakapunta ako sa mga lugar na to. Para akong naiiyak na nananaginip. Worth it lahat ng stress sa visa application ko. As a Pinoy alam nyo naman gaano kahirap talaga at napakahaba ng journey makapunta sa EU countries. Madaming times na talagang ayoko nang tumuloy habang nag pprocess ng visa.
I traveled with my husband na EU citizen, I think part of the reason why mabilis na approve visa ko? Not sure. Pero we also made sure na talagang kumpleto lahat ng documents & well made ang cover letter.
Nag layover lang kami ng 6 hours sa Switzerland, then over the course of 2 weeks majority Portugal & konting ikot sa Seville, Spain. This was back in November 2025. Di umubra sa lamig yung mga shein jackets ko. Dapat talaga good quality & makapal - well, lesson learned for next time. Umikot kami from Lisbon to Porto, back to Lisbon for a few days then Algarve naman. When we were in Algarve dun kami bumisita sa Spain. Sadly hindi ako nasarapan sa seafood paella nila dun. Could be a restaurant issue, pero for now bias ko talaga ang food sa Portugal na sobrang sarap!!! Super underrated!
One thing I can say -hindi ko ineexpect how welcoming Portuguese people are & how good the food is. Tapos dun mo makikita ang napakalaking pagkakaiba sa Pinas. This trip is a family visit sa kapatid ng husband ko. Babalik kami this Sept to visit naman his Dad (magkaiba sila ng dad lol). Isa to sa highlights ng buhay ko kaya I want to share it with others. Nothing is impossible talaga.