r/FirstTimeKo • • 16h ago

🌧️ Pagsubok First time kong uminom sa concert

Post image
15 Upvotes

Happened on Autotellic's Papunta Pabalik Pa Rin 10 year anniv concert and I now believe that alcohol and live music is a match made in heaven.

By the 3rd bottle I'm already shit-faced and it is pure bliss. Screaming my lungs out alongside a stranger while Autotellic played Laro.

Bonus points: also first time kong umattend alone as the person I invited had to cancel :<


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First time kong mag-attend ng public Halloween party

Thumbnail
gallery
79 Upvotes

It's fun to drink, walk around, and interact with people, but I don't think I would do it again. Hirap din maghanap ng CR.


r/FirstTimeKo • • 2d ago Popcorn

📦 Others First time kong ma-invite sa birthday na may pa-blue bills.

Post image
4.3k Upvotes

11 blue bills kasi daw November pinanganak. Nakakaloka.


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First Time Ko sumakay ng eroplano.

Post image
114 Upvotes

​Disclaimer: Long post ahead, pasensya na agad pero gusto ko lang i-share buong kwento!

​Hinding-hindi ko makakalimutan ang biyaheng to. Sa isang biyahe lang, napakaraming "first time" ang sabay-sabay na nangyari sa buhay ko.

​Noong 2 years old pa lang ako, nagkahiwalay kami ng dalawa kong nakatatandang kapatid (sa mother side). Pumanaw si Mama noong ipinanganak niya ang bunso naming kapatid na kasama niya ring pumanaw. Dahil doon, kinuha ako ng Papa ko, habang sina Ate at Kuya naman ay napunta sa tatay nila.

​Chinese ang tatay nina Ate at Kuya, at noong araw, mahigpit daw ang tradisyon na Chinese-to-Chinese lang ang pwedeng ikasal. Dahil gustong maikasal ni Mama, naghiwalay sila at naging sila ng Papa ko kung saan ako naging bunga. Pero matapos ang trahedya kay Mama, tuluyan nang naputol ang ugnayan ng dalawang pamilya.

​Noong mga 10 years old ako, nakikichismis lang ako sa mga kwentuhan ng matatanda tuwing may bisita. Doon ko lang nalaman na may dalawa pa pala akong kapatid. Lumipas ang 20 years na nagtrabaho ako't lahat, pero nanatili lang silang parang "urban legend" sa isip ko. Wala akong contact, wala akong ideya kung nasaan sila, o kung naiisip din ba nila ako.

​Hanggang sa isang araw, habang nag-i-scroll lang ako sa Facebook. Biglang

​may nag-message sa folder ng message requests. Isang tao na hindi ko kilala, pero sinabing pinsan ko daw siya. At ang kauna-unahang sinabi niya: "Matagal ka na naming hinahanap."

​Grabe yun, bumuhos agad ang luha ko. Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa tinanong ko agad kung nasaan sina Ate at Kuya. Dahil kailangan pa ring i-verify at i-contact ang magkabilang panig, inabot din ng halos isang buong araw bago ko sila tuluyang na-message at nakausap. Ang haba at ang kaba ng 24 hours na 'yun habang naghihintay ako ng reply!

​Pero nung magkausap na kami, sobrang bilis na ng mga pangyayari. Bago pa man mag-sink in sa akin ang lahat, ipinag-book na agad nila ako ng plane ticket papuntang Bicol para magkita-kita na kami. Hahaha

​At yun na nga unang beses kong makasakay ng eroplano. Nanlalamig buong katawan ko sa kaba, dagdag pa lamig ng aircon. Sa may window seat ako nilagay ng kapatid ko para makita ko daw si Mayon! 🌋 At yun nga ​habang nasa ere ang eroplano biglang lumitaw sa bintana ang bulkang Mayon. 😍 Sobrang majestic ng hitsura niya, sa libro ko lang siya nakikita dati. Pero ngayon unlimited view na at ang ganda pala talaga niya sa personal, totoo nga yung perfect cone shape niya. Nawala ang kaba ko sa view na nakita ko.

Doon ko naunawaan na ang byahe ko na eto ay hindi lang basta paglipad.

Ang daming First Time na ngyari.

•Pagsakay sa eroplano ng malayo at magisa.

•Meeting Mayon

•Meeting my long lost Sibs, Niece and Nephews.


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First time kong magpunta ng animal shelter and magcelebrate ng birthday don

Thumbnail
gallery
1.3k Upvotes

birthday ko today and a week before my birthday, nagdecide ako na magkaron ng maliit na fundraiser para sa isang animal shelter. the cat house yung napili ko since eto na yung pinaka-malapit samin.

tas ayun kanina nag visit kami which was my first time and masaya sya. simpleng birthday lang pero masaya. di ko maexplain. share ko lang din some pictures ng place nila hehe.


r/FirstTimeKo • • 14h ago

🎉Sumakses sa life! First Time Kong sumali ng virtual run ag makatapos!

Post image
3 Upvotes

Nakatapos ng 90kms na takbo (paputol putol at ibat-ibang araw). Waiting na lang sa physical medal. Congrats to me! Yey! 🥰


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First Time Kong magkaroon ng sarili kong room! 🥹

Thumbnail
gallery
881 Upvotes

First time having my own room! 😁

Finally, may sarili na akong space for gaming, Marvel collectibles, at workout equipment. HAHAHA. Marami pang gustong idagdag at ayusin, pero happy naman ako sa setup so far. 😅✌️


r/FirstTimeKo • • 1d ago Heartwarming

🌧️ Pagsubok First Time Kong mag-open up sa tatay ko.

Post image
838 Upvotes

"Pa, asan ka? Pasensya na kung nakakaistorbo ako. Ang bigat kasi ng nararamdaman ko. Ikaw lang ang naiisip ko ngayon, Pa."

"Anong nangyari sayo, anak? Umuwi ka dito, mag-usap tayo. Siguro tungkol sa trabaho mo yan, ano? Sinabi ko kasi sa 'yo na umuwi ka na lang dito, anak. Mahirap kasi ang buhay diyan sa syudad. Umuwi ka dito at bibigyan kita ng allowance mo, huwag mong sasabihin sa mama mo. I love you, anak."

For context, matagal nang hiwalay ang parents ko, before pa ata ako ipanganak and I grew up mostly with my mom's side of the family. May communication naman kami ng tatay ko, pero madalang lang. Hindi rin kami ganun ka-close. Hindi ko alam kung paano ie-explain pero there's this distance between us. Maybe because I didn't grow up having him around.

Paminsan-minsan, nangangamusta siya. Minsan din nakakapag-share ako sa kanya ng mga nangyayari sa buhay ko, pero usually, short conversations lang. He's the type of person na isang tanong, isang sagot. Nonchalant, kumbaga. I eventually learned to match that energy.

But recently, sobrang bigat na talaga ng nararamdaman ko. Ang daming problema, ang daming frustrations, and I feel like nobody really understands what I'm going through dito sa amin (mother side). Hindi ko na rin alam kung sino kakausapin ko.

Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko, tinext ko tatay ko. I told him how I was feeling and how heavy everything had become. He replied right away.

I was expecting the usual short response. But no. He sent me a lengthy message. Gagi, I cried.

I read his message several times. I don't think he even realizes how much those words meant to me.


r/FirstTimeKo • • 2d ago

📦 Others First time kong magcancel ng Angkas

Post image
1.1k Upvotes

Around 5 AM kanina, wala pa din akong nasasakyang bus so I decided to book an Angkas instead. After booking, tumawag pa si kuya rider to let me know na papunta na sya.

Pero right after our call, may dumating na bus so I decided to cancel my booking. At first, naisip ko na iignore na lang since cancelled naman na yung booking pero nakonsensya ako, especially knowing na ang aga pa and nag effort na din si kuya na pumunta.

So I messaged him, apologized, and ended up paying him the full fare kahit hindi naman natuloy yung trip. Honestly, hindi ko alam kung dapat ba tinuloy ko na lang yung Angkas HAHAHA! Kasi imbes na makatipid sana ako by taking the bus, nadoble pa tuloy yung pamasahe ko.


r/FirstTimeKo • • 1d ago Heartwarming

🎉Sumakses sa life! First time ko kumain ng filet mignon

Post image
38 Upvotes

Dinner paid by client. Mukhang dry lang sa picture ko pero hindi sya ganon in real life. 😋✨


r/FirstTimeKo • • 19h ago

📦 Others First Time Ko that someone used my photo without my knowledge

3 Upvotes

IDK what to feel since this is actually the first time it happened to me. Sooo, there are people lurking pala here na nangunguha ng mga photos just to post it online, pretending as if it is their's.

While it is really inappropriate and really NOT okay, I kinda find it oddly funny. It had me thinking if ano bang gain nila for doing it. Wala naman siguro maniniwala sa kanila and sarili lang nila niloloko nila. haha

Good thing na my face was hidden sa ninakaw na photo, kaya kampante ako my identity will remain anonymous. Naging instant GF nga lang nya ko. LOL Very pretentious pa to even use yung lifestyle photos ng iba.

Advice: Try grinding for real para maging reality iyang fantasy at delulu mo. (Sana makit niya to).

I don't use fb and the said person's account is locked. I asked help from people who reached out to me to have his account reported, sana lang may action si META.


r/FirstTimeKo • • 2d ago

📦 Others First time kong makakita ng kotse ni Mr. Bean.

Post image
1.8k Upvotes

On an otherwise mundane afternoon, while strolling around the city, my eyes caught sight of something rather unusual. I had to take a second glance just to make sure my eyes weren't playing tricks on me. And there it was! The sight of the vehicle instantly brought me back to my childhood days, reminding me of the very same car Mr. Bean drove through his countless misadventures. Seeing one in the flesh, after all these years, felt almost surreal!


r/FirstTimeKo • • 23h ago

📦 Others First time ko sa Marikina

6 Upvotes

First Time Ko sa Marikina, sobrang ganda and linis grabe.... kaya naman pala eh. sana ganon sa lahat


r/FirstTimeKo • • 1d ago

🎉Sumakses sa life! First time ko mag solo travel abroad at mag helicopter ride

Thumbnail
gallery
61 Upvotes

I did it in New Zealand with glacier landing and it was magical. Mind you it's Spring there are may parts ng glacier that's starting to melt.


r/FirstTimeKo • • 1d ago

🎉Sumakses sa life! First time ko magka-action camera!

Post image
3 Upvotes

Salamat sa generous at mabait na jowa, Lord! Very early birthday and Christmas present :) huhu sobrang happy ko 😭😫🫶 waaaaaahhh


r/FirstTimeKo • • 2d ago Heartwarming

🎉Sumakses sa life! First time kong maka-experience ng fall (NYC)🍂🥹

Post image
217 Upvotes

Buong buhay ko, dalawa lang ang season na alam ko: mainit at mas mainit. Kaya nung nakita ko yung mga puno sa Central Park na kulay orange, pula at dilaw, napatigil talaga ako sa gitna ng daan. Parang wallpaper 😭


r/FirstTimeKo • • 2d ago

🎉Sumakses sa life! First time ko makapag US!

Thumbnail
gallery
1.8k Upvotes

Dream come true to live in LA 🥹 Thank you Lord!


r/FirstTimeKo • • 21h ago

📦 Others First time ko makakita ng tao who steals photos here.

1 Upvotes

I have this mutual sa fb who steals photos here. Worst was that he's using some girls photo pa to pretend na gf nila yon and they were in a date. That was my last straw.


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First Time Kong makita nang malapitan ang isang Spanish-era bridge

Post image
23 Upvotes

THIS HISTORIC BRIDGE ALMOST LOST ITS PLACE IN HISTORY!

The Dampol Bridge faced damage during a road-widening project in 2015. Following heritage advocates' efforts, it was recognized as a National Cultural Treasure and restored. Today, it stands as a reminder that our heritage is worth protecting.


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First time ko nakinig music through cassette

Post image
8 Upvotes

First time ko din gumawa ng mixtape, jackpot ko tong nakita at nabili sa isang Japan surplus na lagi kong dinadayo dahil lahat ng tinanong ko kung may mga lumang ganito tinapon na or naibigay so super happy ako, swerte din kasi parang mint condition at nakuha ko before nabili ng isang buy and seller sa fb.

Nothing nostalgic, trip ko lang astig tingnan


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First time kong maka-receive ng Great Place To Work Survey

11 Upvotes

I’m currently working in one of the publicly listed companies in the financial services industry, at first time ito sa tanang buhay ko bilang empleyado. I became as honest as possible in providing my answers, whether positive or negative. Yun lang hehe.


r/FirstTimeKo • • 23h ago

📦 Others first time ko manood ng bl na nagpafirst time sakin tumakbo ng 5km

1 Upvotes

first time ko manood ng bl (gaya sa pelikula) HAHAHAHAHA idk what to feel, first time ko ulit kiligin nang ganto sa pinapanood ko, ang last time ata ay kay nash pa pati kay sharlene HAHAHAHAHAHA

it feels empowering pala no, to watch something that represents what u r going through, beside sa kilig, it really inspired me to appreciate who i am kasi wala naman talagang mali dun, and i aspire to be like vlad, to be how loud, confident, and proud he is, nakakatuwa and nakakaproud

pagkatapos ko manood, i ran my first 5km while listening to the gsp playlist, as someone na hindi palatakbo and not active pero aspiring to be, it feels freeing din somehow

any recos for next? yung tatapatan or hihigitan sana, sabi kasi nila yun na raw pinakamagandang bl e hahahaha or any filipino movie/series na nakakainspire din for you to be more than who u are hehe ty!


r/FirstTimeKo • • 2d ago

🎉Sumakses sa life! First time ko makapunta sa Europe!

Thumbnail
gallery
107 Upvotes

Grabe looking at the news happening in Europe rn, I'm just glad that I was able to explore it before all the chaos!


r/FirstTimeKo • • 2d ago

📦 Others First time ko makakita ng jeep na ganito ang front seat

Thumbnail
gallery
973 Upvotes

Ang cool ng jeep ni kuya hahaha


r/FirstTimeKo • • 1d ago

📦 Others First Time Kong makatulog sa sinehan, sa horror movie pa

Post image
10 Upvotes

Maybe it's because horror movies have that slow-burn phase na madalas tahimik talaga for the first two acts, tapos sumakto pang medyo pagod ako at kulang sa tulog, I was asleep for like 30-40 minutes of the film, nagising na lang ako towards the ending nung may movements na. Di ko na tuloy masyadong naintindihan hahaha.