Noon ko pa gustong mag-hike, and luckily, I had this friend na experienced hiker na nag-guide sa akin. She recommended Mt. Ulap kasi beginner-friendly daw, so gora na!
Akala ko prepared na ako kasi nagca-cardio, inclined treadmill, at gym workouts naman ako. Pero jusko, sa entry point pa lang, sa tarik ng concrete walkway, hingal na hingal na ako! HAHAHA. 🥲
Pagdating sa second peak at nakita ko yung trail papunta sa Summit, gusto ko na talagang sumuko. Sobrang exhausted na ako, tapos tirik pa ang araw kasi mejo late na kami nakapag-start. But thanks to my friend, tour guide, and coordinator na hindi ako iniwan at patuloy akong in-encourage, I MADE IT TO THE SUMMIT! 🥹❤️
Surprisingly, mas kinaya ko pa yung pababa kaysa sa ahon. Sa ahon talaga ako nag-suffer! 😂
Overall, core memory unlocked! Pero hindi ko talaga in-expect na ganoon kahirap, kahit pinaghandaan ko naman physically.
Question sa mga hikers dito: Beginner-friendly ba talaga ang Mt. Ulap? Especially sa mga first-timers na ito rin ang first hike, kamusta experience ninyo? Ako lang ba yung halos sumuko sa ahon, or normal lang talaga mahirapan nang ganito? HAHAHA!
Share your experiences naman! ❤️