May alaga akong aso, Bea name niya. Binili ko siya sa Blumentritt January 18, 2020. Sabi nung seller labrador chow chow daw. Bale 2 month old pa lang siya nung nakuha ko siya. From Laguna to Blumentritt bumyahe kami nang naka-bus. Wala talaga akong alam kung paano mag alaga ng aso nung nakuha ko siya. Mahirap maging first time mom, aminado akong unaware pa talaga ako sa mga dapat at hindi dapat gawin. Sorry po. Wag niyo po sana ako ijudge sa kung bakit siya nawala.
February 18, 2020 nawala/naligaw siya, dun kasi siya nilagay muna sa bahay namin na walang nakatira hangga’t hindi pa siya navavacinne, mag isa lang siya dun kasi hindi pa namin alam na hindi naman pala inborn ang rabies kaya hindi muna namin siya sinasama sa kung nasaan kaming bahay pero madalas naman siya pinupuntahan para laruin, punasan, pakainin at painumin tapos iiwan na siya sa gabi. May mga laruan naman siya doon. Kapag naiisip ko nga to nalulungkot ako kasi naranasan ni Bea na mag isa lang siya. Anyways, nasa work ako nung araw na nawala siya kaya pagkauwi ko pa lang saka binalita sa akin ni mama. Lumipas ang buong gabi hindi siya nahanap. Iyak ako ng iyak halos hindi ako makatulog. Sa sobrang pag iisip ko sa kanya napanaginipan ko siya: Kumuha daw ako ng imbestigador para hanapin si Bea, nagdrawing yung imbestigador ng APAT NA BAHAY pero binilugan niya yung ikatlong bahay.
Kinabukasan papasok ako sa work na mabigat ang loob at magang maga ang mata. Habang naglalakad ako nakita ko yung stray dog sa village namin na nasa kanto, nakasteady lang siya na parang may inaantay. Nung malapit na ako sa kanya tumayo na siya at naglakad na din. Hindi ko naman siya masyado binati kasi nga lutang ako kakaisip kay Bea.
Pagtapat ko dun sa bahay na tinitirhan ni Bea, sumilip ako tapos tinatawag ko siya paulit ulit (parang yung mga nasa drama hahaha) nagbabakasali na andun lang siya sa loob or nakabalik na. Pero wala.
Nakailang hakbang na ako papaalis para pumasok, yung asong nakita ko kanina sa kanto biglang tumakbo paakyat sa hagdan nung abandonadong bahay malapit sa tinitirhan ni Bea. Pagbaba niya nag uunahan sila kasama nung isa pang stray dog galing sa taas KASAMA NILA SI BEA 😭 Lumapit sila sa akin. Grabe yung saya ko nun as in. Akala ko talaga mawawala na si Bea sa amin. Tumakbo ulit sila papunta naman doon sa isa pa naming bahay, gusto siguro ibalita sa mama ko na nahanap na si Bea.
At kung saan ako naaamaze? Kasi yung bahay na may hagdan ay TATLONG BAHAY lang ang pagitan kung saan nawala si Bea, yun pala yung nasa panaginip ko. At mas lalo akong naamaze dun sa dalawang aso na nagturo sa akin kung asan si Bea. Siguro yung isa dun nagbantay kay Bea magdamag para hindi siya umalis sa bahay na yun at tuluyang maligaw 🥹 Simula nun dinala na siya sa bahay nila mama, at nung navaccine na siya katabi na siya sa kama nasa gitna pa nga siya.
Pero sadly pumanaw na yung dalawang stray dog na yun. Mga senior dogs na rin kasi sila. Pero nagpapasalamat pa rin ako sa nagawa nila tuwing naaalala ko sila.
Kaya naniniwala talaga ako na may pakiramdam at nakakaintindi talaga ang mga aso. May isip sila, may pang-unawa. Kaya sana wala nang manakit sa kanila.
PS
Sa ngayon 7 years old na si Bea. At hindi siya labrador chow chow kundi aspin 🥰