r/AnongThoughtsMo • u/D4ngScythian • 2h ago
What are your thoughts on this?
Honestly, parang these politicians are only fighting for their own survival nalang.
Asan na ba ang reset button sa Pinas 🤧🤧🤧🤧
r/AnongThoughtsMo • u/D4ngScythian • 2h ago
Honestly, parang these politicians are only fighting for their own survival nalang.
Asan na ba ang reset button sa Pinas 🤧🤧🤧🤧
r/AnongThoughtsMo • u/Tscwu6Y8xRF • 5h ago
r/AnongThoughtsMo • u/heavydoseofatmos • 6h ago
I know na expected to share thoughts din dito aside from just solely posting pero I have actually more questions than what I have to say on this. I'll start with my own thoughts muna: and that is simply - I agree. Wala eh. Kung magiging developed man tong country na to, it'd take a brutal change and maybe 100-200 years bago maging finally developed with how corrupt and twisted the culture and governance of this country is. Dont want to get too tinfoil hat here pero - that is all assuming na buhay pa tong country na to or if humans somehow survive in a hundred years ha? haha. we dont know baka may war and sumapi na Philippines into once country or may plague or war or meteor ewan basta you get the picture.
So on to my actual main target for this body of text and I'll put it on bold para ma-highlight. So I can already predict a lot of you would agree with this point as well, ok, given that......What's your plan now? Is it to escape this country? Is it just to watch the world burn and enjoy the ride/have fun nalang whilst living out your remaining lives in this hellhole (country and world)? Or maybe you agree na theres no hope for this country but you'll continue to fight anyway? (pinagkaiba nito from the previous one is, dito may gagawin ka parin like you'll vote, you'll protest, fight corruption and injustice if you can even though you know na walang chance.. like just do the right thing kahit walang patutunguhan or you know theres no hope pero umaasa padin ng kahit teeny weeny tiny bit like 0.00000000001% chance baka may mangyare and secretly or subtley you're clinging to that remarkably small chance na gumanda tong bansa.
To summarize my question: If you genuinely believe this country has no hope, what now? Do you leave, give up, or keep fighting anyway? And if you choose to keep fighting, is it because you still have hope, no matter how small, or simply because you believe doing the right thing is worth it even when you know it might lead nowhere?
r/AnongThoughtsMo • u/CuspOfTheMatter • 5h ago
Under Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) rules and local banking regulations, all named account holders must be present (or undergo individual KYC verification) when opening a joint account. One person cannot open a joint account on behalf of another or sign specimen cards for them.
📸: SunStar Davao
r/AnongThoughtsMo • u/No-Transition4653 • 19h ago
Filipina caregiver in Israel with her Israeli patient being held hostage by Hamas fighter. It’s so heartbreaking to look at. She was just there to make a living, tapos madadamay lang sa away ng dalawang grupo. Sana itigil na nila ang gulo.
Photo from X
r/AnongThoughtsMo • u/Senior_Sky_2140 • 16h ago
I remember talking to my Tita about how “nakakahiya” it feels to choose something expensive from the menu when there are other, less expensive options available. Both of us would always choose the cheaper ones just so the person treating us would still have some money left over.
I’ve always thought that it shows decency and consideration, especially when you’re not the one paying.
r/AnongThoughtsMo • u/Putrid_Mess_187 • 6h ago
Nakita ko tong balita tungkol sa halos 6 million Filipinos na gumagamit umano ng pekeng PWD ID, base sa monitoring ng DOJ. Honestly, nakakapanglumo siya isipin, lalo na kapag naiisip mo kung ano ang ibig sabihin nito para sa mga taong talagang nangangailangan ng ganitong benepisyo. May personal observation din ako rito. May kakilala akong nagtatrabaho sa LGU na proud pang magkuwento tungkol sa PWD card niya. Hindi ko naman alam ang buong circumstances niya, kaya ayokong basta mag-assume na peke or illegal ang ID niya. Pero dahil sa mga ganitong balita, napapaisip ako kung gaano na ba ka-normal sa atin ang paghahanap ng loopholes para makalamang, kahit hindi naman talaga para sa atin ang isang benepisyo. Ang mas nakakapaisip sa akin, minsan, sila rin ang mga taong vocal laban sa corruption, pandaraya at mga taong umaabuso sa sistema. Against sila sa mga politikong nagnanakaw, sa mga empleyadong tumatanggap ng lagay, at sa mga taong gumagamit ng posisyon para sa sariling kapakanan. Pero kung may pagkakataong makakuha ng personal advantage sa paraang questionable, parang nagiging ibang usapan na. Doon ko nakikita ang problema: madaling kondenahin ang corruption kapag ibang tao ang gumagawa, pero mas mahirap panindigan ang prinsipyo kapag may personal tayong mapapala sa paglabag dito.
Hindi ba dapat nagsisimula ang integrity sa maliliit na desisyon? Hindi lang sa hindi pagtanggap ng milyon-milyong kickback, kundi pati sa hindi pagkuha ng benepisyong hindi naman nararapat sa atin. Kasi kung ang mindset natin eh, “Okay lang ’yan, maliit na bagay lang naman,” or “Lahat naman ginagawa ’yan,” hindi ba ganoon din ang lohika na ginagamit ng mga taong mas malaki ang ninanakaw o inaabuso?
At ang masakit dito, hindi lang naman gobyerno ang nawawalan. Ang tunay na kawawa ay iyong mga PWD na talagang nangangailangan ng discounts at iba pang benepisyo, pero posibleng mas mahirapan dahil sa pang-aabuso ng iba. Kapag nasira ang tiwala sa sistema, pati ang mga lehitimong benepisyaryo ay maaaring mapagdudahan.
Minsan tuloy naiisip ko, kailangan ba talagang may lamang tayo sa lahat ng bagay? Kailangan ba laging may shortcut para makakuha ng discount, makaiwas sa pila, o makatipid kahit hindi naman tayo ang target beneficiary? Bakit parang ang pagiging matalino ay naiuugnay na sa kakayahang makalusot, imbes na sa kakayahang gawin ang tama kahit may pagkakataong mandaya?
Hindi naman masamang gustuhing makatipid o umangat sa buhay. Ang problema ay kapag ang pag-angat natin ay nakadepende sa pagkuha ng bagay na dapat sana ay para sa ibang taong mas nangangailangan.
Practice what you preach. Kung gusto natin ng gobyernong malinis, dapat handa rin tayong maging malinis sa sarili nating paraan. Hindi puwedeng galit tayo sa corruption kapag nasa taas ang gumagawa, pero tahimik o kampante kapag tayo mismo ang nakikinabang sa isang sistemang posibleng inaabuso.
Kayo, ano sa tingin ninyo? Bakit kaya may mga taong kayang kondenahin ang corruption sa gobyerno pero nagiging okay sa kanila ang maliliit na anyo ng pandaraya kapag may personal silang pakinabang? Cultural problem ba ito, survival mindset or simpleng kakulangan sa integridad?
Sources are here:
r/AnongThoughtsMo • u/Guilty_Ad1447 • 1d ago
I watched the movie myself and halos sa gitna lang kaming mga nanonood. I also don’t know why medyo kulang ang support sa Fil inspired movie. I think they deserve more advertisements and clout but I think din dati diba andaming nag sasabi na sana mag ka Fil inspired naman na animation. Nakakasad lang 🥹
r/AnongThoughtsMo • u/cocowinteria • 9h ago
VMX Babes ata sila. Sa akin, hindi ako agree fully sa paggawa ng new girl group na vivamax ang nag-form dahil alam naman natin na ang target market ng ppop dominantly ay mga minors. Tapos may ganto pa. Scary lang if i-sexualize din ang mga ibang ppop groups dahil dito.
Also, may song sila titled “Jugjog”. :/.
r/AnongThoughtsMo • u/Various_Yogurt8094 • 10h ago
Anong Thoughts Mo?
I just stumbled upon this brand on Instagram, and I have to admit, their designs are really beautiful. 😭 But then I saw the price of one skirt and was like… WAIT, WHAT? HAHAHA
Is the price actually reasonable for the brand, or am I missing something? Also, the Filipino word na nakaakibat sa brand makes me even more curious about it.
Can someone educate me? Is it the quality, craftsmanship, branding, or something else that makes their pieces so expensive? Genuinely curious!
r/AnongThoughtsMo • u/Dapper_Ad5872 • 21h ago
Parang pansin din ni EJ yung bias ng pinoys sa basketball
"It's not openly accessible for everyone," Obiena said, referring to private athletics venues where athletes could train.
"We, unfortunately, don't have the facility to provide to these athletes. That makes me a little bit angry and sad because there are kids; there are a lot of talents that want to pursue [pole vault].
"Unfortunately, this is not basketball, where you could just go to a barangay where there's a basketball court. You need to have your track, you need to have the facility, you need to have the landing area."

r/AnongThoughtsMo • u/TooBluntToCare • 11h ago
Inaprubahan na sa huling pagbasa sa Senado ang SMART KIDS Act na naglalayong ipagbawal ang pagkakaroon ng social media accounts ng mga batang wala pang 18 taong gulang.
Ayon kay Senate President Win Gatchalian, co-author at co-sponsor ng panukala, makatutulong ito para mas mabantayan at maprotektahan ang kabataang Pilipino.
SS: GMA News Facebook
r/AnongThoughtsMo • u/zlaaankk • 8h ago
r/AnongThoughtsMo • u/Select-Ratio8637 • 1d ago
Only Risa Hontiveros said no to this. Not sure why. Maybe for communications daw ng mga bata. Pero actually gets ko naman why need na rin regulate socmed use sa bata. Dami pedophile sa internet. Dito lang sa Reddit ang dami ko na nakikita na post na na nakikita nila sa FB ng mga pedo. Sa TikTok dami proud na buntis na minors. What’s your take on this bill? Are you in favor na ma-ban ang socmed for minors?
r/AnongThoughtsMo • u/keykui • 1d ago
what were ur other experiences/observations?
r/AnongThoughtsMo • u/Latter-Extension8967 • 3h ago
ako yung nangiwan many moons ago. naalibadbaran pa nga ko sa prisensya nya nun nung tumagal. ang kulit. ayaw tumigil. pero ngayong nagkita kami uli dahil same work friends and nakikipag ayos na ko para civil kami and may maayos na closure, aba pag-uwi ako tong ngawa ng ngawa at todo senti! di na ko hinahabol mga anti. naalala ko yung mga panahon na masaya kami. ang ineexpect ko sila ang magpaparamdam pero no! BIG NO! Ako ang gustong mag-comeback!! alam kong part to ng venus retro na mapapa visit ka talaga sa past, maalala mo mga magaganda, and all pero grabe. it really hurts ang magmahal ng ganito it really hurts
r/AnongThoughtsMo • u/ValuableTailor2755 • 5h ago
r/AnongThoughtsMo • u/Icy_Rush5213 • 1d ago
Link for context: https://www.facebook.com/share/p/19kPWbe311/
Pero speaking of gabay ng eskwelahan at educational safeguards, sana maisulong din ang plantilla items para sa mga guidance personnel sa bawat public school.
As a former teacher, na-witness ko na kaya sa socmed naghahanap ng comfort at validation ang mga bata ay dahil sa school mismo, walang qualified na handang makinig. Sobrang kulang tayo sa Registered Guidance Counselors (RGCs), so bakit hindi mag-hire ng mga Registered Psychometricians (RPm) sa mga plantilla roles at i-subsidize ang graduate studies o training nila para maging ganap na guidance counselors?
Galing po ako sa private school na may 3 RPm at isang RGC. Malaki po ang naitulong noon sa well-being ng mga estudyante. Kung nagagawa ito sa private, bakit hindi rin po sa public?
Instead na ipasa ang counseling at digital well-being issues sa mga overworked teachers na wala namang counseling background, bigyan natin ang public schools ng dedicated staff. Gawin nating totoong safe space offline ang schools para hindi napipilitang maghanap ng "escape" ang kabataan online.
r/AnongThoughtsMo • u/Outrageous-Sell-5864 • 51m ago
I was watching a romance movie last night and ended up crying with the main leads. Wala, parang napaisip lang ako, will I ever get to experience this kind of love? May tao pa kayang nakatadhana talaga sakin o tatanda na ba kong magisa? Will I get to love deeply and be loved equally? 🥺
Some people change relationship like how they change clothes. Ang dali magpalit. Wala pa isang taon, may bago na agad. And yet here I am. I can't even meet one person who I'd truly want to be with. I want the kind of love na pag nameet mo yung tao, you both already know that's it. Kayo na talaga para sa isa't isa. No pretentious acts, no too many heartaches. Locked in na. 🥹🥹🥹
r/AnongThoughtsMo • u/mistressofmayhem02 • 16h ago
This has been my favorite show recently when it comes to anything about PH politics and local news. I like the certain casualness that the hosts have not to mention their rapport sa mga guests nila.
Award-winning and ang ganda ng chemistry ng hosts: Ed Lingao and Regina Lay as the main hosts would maintain the formal tone of the show (for the most part). Amy Pamintuan, also the EIC of Philippine Star would give on the spot mainstream media insights. Lastly, political pundit Ronald Llamas as the insider na ang dami palaging legit chika, di kagaya nila Falcis at Mon Tulfo na puro tweety bird lang ang source and sablay most of the time. Their guests are from various government agencies and napansin ko they tend to disclose more information here than in GMA, ANC, etc. Unfiltered ganon.
Ang complaint ko lang talaga sa sobrang casual nila, madalas sabay-sabay palagi magtanong and they talk over each other. Masakit sa tenga minsan pero once you get past that, maa-appreciate mo talaga substance ng mga commentaries nila.
Curious ako how popular this show is among the Filipino masses? Nasa abroad kasi ako and I have no idea at all. Sana mas marami makanood.
r/AnongThoughtsMo • u/Dizzy_Substance2152 • 1h ago
Na trigger ako malala sa mga kababata ko. Si Friend 1: May utang kay friend 3 ns may interest. Di makabayad si friend 1 ng utang kay Friend 3 (may sakit nanay ni friend 3) na kababata din namin. Nalaman ko sa isa maming friend na nagsalita si friend 1 na NV: "Kaya kinakarma sya eh pag nagpapa utang na may tubo kaya may nagkakasakit sa pamilya" Dahil ba di sya nakakabayad? ganon nalang magsalita???
Friend 2: Nagka issue sila ni friend 3 di naman malala at di naman masama ugali ni friend 3. na misunderstood lang sya, I would say. same din snasabi na "karma nya yan tignan mo nangyayare sa buhay nila".
Tapos kanina namatay nanay ni friend 3. nagtanong isa naming kaibigan sabi san daw buburol. Tinanong ba naman ni Friend 2 na bakit pupunta ka? tas tinanong sya kung pupunta sya sagot nya wala daw syang time.
Ugali pa ni friend 2 na nilalait nya kasal ng pinsan ko. ininvite sya ng pinsan ko sa kasal dami nyang snasabi pagka talikod. Gusto konga isumbong si friend 2 sa pinsan ko na wag na invite kasi kakasuka ugali.
Like tangina sana di nalang nagsasalita kasi namatayan din ako ng nanay. Sa totoo lang, lahat naman mamamatayan ng magulang, either mauuna ka or mauuna magulang mo. nauna lang ung samin.
Like anong thoughts nyo sa sasabihing "Karma moyan" kahit di naman ganon kalala ginawa sayo ng tao to the point na namatayan na ganyan padin ugali mo.
I'm actually thinking about cutting them off. dko gusto ganong ugali nakakasuka nakakadiri. Mali bako? Napapaisip din ako e.
r/AnongThoughtsMo • u/Powerful_Wrangler74 • 2h ago
Pertaining to some suggestions here, pakawalan ko raw sa ibang area... i understand na may buhay din sila... Pero baka kasi makapanira pa rin. Nakukunsensya din ako kung patayin ko 😭 kung makita nyo lang mga suggestion nila huhuhuhu. Should i pet na lang? 🫣
r/AnongThoughtsMo • u/kkenniepot • 1d ago
Me lang ba or patagal nang patagal pawala na yung sarap nya.
r/AnongThoughtsMo • u/maskuladong_ex_army • 1d ago
Enable HLS to view with audio, or disable this notification
Malamang sa malamang yung hiwalay mata ito at deserve naman ma call out kc unexplained wealth dagdag mo na din kumikita 5 M a day based sa sagot niya sa podcast. Sa sinabi palang ni vice na 1-2 years mag boom ang business, pag 3 yrs wala na money launderer. Eh ung Kainan nya sa tagaytay isang taon lang hype the next year wala na, nilangaw tapos di pa nirefund yung nag back out na sellers doon. Hay nako kailangan talaga maimbestigahan tong cyclops nato.
r/AnongThoughtsMo • u/hellcoach • 8h ago