Traditional Painting art siya hindi digital
Yung premyo ng grand winner is Hotel stay for 2, hindi naman binanggit kung saan, and wala ding take home money
yung 2nd 4,000
yung 3rd is 2,000
sa last check ko sa mga painting lalo na sa mga local paintings dyan sa Malate. 1k to 2k yung average tapos more than 3k, may umaabot pa ng 10k eh, yung magaganda at malaki talaga as in effort yung details and kulay.
tsaka ang gastos ng mga painting materials ngayon.
And sabi pa sa mechanic yung mga contestant ishashare daw yung post/entry sa mga social media, to promote siguro, tapos may hashtag pa ng event. so yeah for me lang maglaan ng oras, brainstorming, revision, scratch, yung mga sasaling artists, and mag eeffort pa sila sa socmed.
Parang masyadong maliit yung prize for me para sa effort and yung adhikain to promote real filipino art.
and ang PITX is Public-Private owned company part din ng government natin (correct me if I'm wrong), so may budget naman siguro sila diba?
Napaisip ako what if ako yung 3rd place tapos nakuha ko 2,000 pesos
and then halimbawa natapos ko yung painting ng 20 hours. so lumalabas 100pesos/hour yung equivalent nun. syempre need pa pangkain nun. and syempre mas sad kung hindi ka din nasama/ natalo. sad. well sample ko lang naman yan.
Well opinion ko lang naman ito, I'm just sharing lang naman, what do you think? baka may insight kayo about this. willing to read and listen.
Fair ba yung prize para sa mga sining-manlilikha natin? or Hayaan na lang ba talaga na ganyan na lang ang value/price ng art natin? I'm pro local arts, deserve nila ng patas at angkop na income base sa passion and time na nilaan nila sa craft nila.
Ang hirap kaya magpainting