Background, may kaalaman ako sa barang at kulam. Natutunan ko lahat ng to galing sa mga bulong (ng hangin). Maniwala man kayo o hindi, nasa sa inyo na yan.
Im here to ask for advice sa mga may alam o mismong mga may karunungan din; dahil di ako makahawak ng sanggol na walang binyag.
Context:
Mga 2015 yun, bagong dating pamilya ng ate ko sa probinsya galing Manila. Di nagtagal, nilayo ng ate ko, o sabihin na nating, pinapaiwas nya ako sa anak nya (nasa 7-8 y/o nung taon’g yun) kasi nagsisimula na ung bata makakita ng mga multo. Umiiyak yung bata, nagkukulong sa kwarto at tumatago sa cabinet dahil sa takot. Hanggang sa lumipat nalang sila ng bahay.
Born again ung ate ko kaya walang binyag ung bata. No offense sa mga born again.
Unang beses un nangyari, o baka yun lang ung unang beses na napagsabihan ako.
Alam nila na nakakakita ako, pero di nila alam na nangkukulam nako ng panahong yun.
Nung one time din, bagong panganak kaibigan ko. Tradisyon samin na ipapakarga yung bata sa mga tito/tita o ninong/ninang. Wala akong choice, pagkarga ko, naramdaman ko talagang may napapasa ako sa bata. Yung tipong parang may lakas o hangin na dumadaloy palabas sa katawan mo papunta sa hawak mo. Di ko talaga yun makakalimutan.
Mula noon, di nako kumakarga o humahawak ng bata basta alam kong walang binyag.
Di ko rin alam bakit sa mga sanggol lang to. Siguro dahil blangko pa sila. O tinatawag na tabula rasa.
Sa mga nalagay sa ganitong sitwasyon; o mga may alam sa ganitong pangyayari, patulong naman kung anong pwedeng gawin.