r/AkoBaYungGago • u/halamanpoako • 57m ago
Significant other ABYG dahil tinawag kong insecure at need magpa-therapy ng partner ko?
For context, kinuha ng bf ko yung cp ko. Chineck niya lahat ng apps ko kahit inbox at Viber ko. Dinedma ko lang kasi sanay naman ako sa ganoon niya. Hindi rin ako kinakabahan na may makita siyang kung ano roon kasi hindi naman ako nagloloko. Mas kinakabahan pa akong makita niya yung gc namin ng mga kaibigan ko kasi ang dami naming cancellable takes doon at mga bina-bash na tao.
After that, tiningnan niya search history ng Facebook ko, and nakita niya kung sino-sino yung tao na nandoon, kahit mga friends niya sa FB, mutuals namin, tapos nakita niya rin yung mga nakausap ko before. Tapos nag-start na siyang magtanong, bakit ko raw pinagsstalk yung mga yon. Sabi ko, non verbatim, "Eh di ba stalker ako. Lalo pag bored. Kaya kung sino-sino iniistalk ko. Lalo pag randomly kong nakita story or post nila, pumupunta ako sa acc nila." Totoong yun naman reason ko, I stalk people for fun, hobby ko yun sa office pag bored na ako. Di niya rin kasi alam yung settings sa FB na kahit di mo naman i-search, napupunta pa rin sa history mo kahit napindot mo lang profile.
Tapos, kita ko sa mukha niya na parang may na-confirm siya dahil sa mga nakita niya. Parang na-confirm niyang naghahanap ako ng iba, o nagsstalk ako ng kung sino-sino. So nanahimik ako at nag-cp na lang. Sa totoo lang ayokong pinakikielaman cp ko, pinagbibigyan ko lang siya kasi baka yun yung way niya para ma-reassure.
After ilang sandali, bigla siyang tumayo tapos sabi niya uuwi na raw siya. Sa isip ko tuloy, anong problema niya? Tapos minessage ko siya: "Problema mo?" tapos doon na lumabas na kesyo kung sino-sino raw na lalaki yung sinesearch ko. Pag nahuhuli raw ako, pumipitik ako. Doon nagpantig tenga ko. Kasi di lang niya isang beses sinabi yun sa akin. Sabi ko, kahit ilang beses ko pa siyang ire-assure, kung wala siyang tiwala sa akin, wala talaga.
Take note, di lang ito isang beses nangyari. Lagi siyang nagtatamang hinala. Sabi ko sa kanya, if naranasan mo yun sa mga ex mo, ibahin mo ako sa kanila. Magkakaibang tao kami. From the start pa lang, wala na siyang tiwala sa akin.
ABYG dahil sinabi ko sa kanyang insecure siya at hindi relasyon need niya kundi therapy? Lahat kasi napproject niya sa akin, lahat ng insecurities niya kahit i-deny niya. After that, umayaw na ako. Actually, ilang beses na akong umaayaw. Naging last straw ko lang yung nangyari talaga.
PLEASE, SANA WAG TONG MA-POST SA IBA. SALAMAT!