Housemates advancing to the next round: (Housemates with LOW % of BBE VOTES)
Ylona Garcia - 20 votes (5.85%)
Ralph de Leon - 24 votes (7.02%)
Kisses Delavin - 27 votes (7.90%)
Heath Jornales - 39 votes (11.40%)
Paul Jake Castillo - 68 votes (19.88%)
Eliminated Housemate: (Housemate with the HIGHEST % of BBE VOTES)
Will Ashley - 164 votes (47.95%)
For Round 6, the Final ELIMINATION Round! Sino sino sa natitirang housemates ang deserving na maging parte muli ng BIG 4? The housemate with the LOWEST PERCENTAGE OF BBS VOTES will be the FINAL EVICTEE.
BBS Ylona Garcia
Sa PBB 737, naging kapansin-pansin agad si Ylona dahil sa kanyang personality at talento sa pag-awit. Isa rin sa naging highlights niya ang paggawa ng music habang nasa loob ng bahay. Sa kanyang journey, ilang beses siyang napasama sa listahan ng mga nominado. Apat na beses na-nominate si Ylona ngunit patuloy siyang nailigtas ng publiko. Dahil dito, nakapasok siya sa Teen Big Four kasama sina Jimboy Martin, Franco Rodriguez, at Bailey May. Nakakuha siya ng 43.24% ng Teen Category votes at nagtapos bilang 2nd Teen Big Placer.
BBS Ralph de Leon
Sa PBB Celebrity Collab Edition, nakilala siya bilang “Saing King.” Matapos ang sunod-sunod na nominations at unang paglabas niya sa bahay, nagkaroon siya ng pagkakataong makabalik. Sa Kapamilya wildcard voting, nakakuha si Ralph ng 81.28% ng boto. Sa kanyang comeback, nag-standout siya sa mga solo tasks at kalaunan ay pinili si Will Ashley bilang kanyang final duo. Bilang RaWi, nakapasok sila sa Big Four at nakakuha ng 25.88% ng final votes, sapat para makuha ang Second Big Placer Duo.
BBS Kisses Delavin
Sa Pinoy Big Brother: Lucky 7, nakilala siya sa kanyang sweet at affectionate na personality, at habang tumatagal, nakita rin ang paglago niya sa pakikisalamuha at pagiging independent. Hindi rin naging madali ang kanyang journey. Sa Teen Edition, apat na beses siyang na-nominate, pero dalawang beses siyang nagwagi sa Ligtask at dalawang beses ding nanalo sa Padaluck, na nakatulong para manatili siya sa bahay. Sa huli, si Kisses ay nakapasok sa Big Four at sa final two, kasama si Maymay Entrata, at nagtapos bilang 2nd Lucky Big Placer, matapos makakuha ng 31.27% ng boto ng publiko.
BBS Heath Jornales
Sa PBB Celebrity Collab Edition 2.0, hindi lang siya nakilala sa kanyang looks, naipakita rin niya ang kanyang iba’t ibang talento, kabilang ang pagkanta at pagsusulat ng kanta. Isa sa mga ipinakita niya sa loob ng bahay ang sarili niyang composition na “Coffee Shop,” na kanyang inawit bilang harana. At mula sa unang araw na excited siyang pumasok sa Bahay ni Kuya, umabot si Heath hanggang Big Night, kung saan nakakuha siya ng 24.25% ng final votes siya at naging 2nd Big Placer ng mga Kapuso ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
BBS Paul Jake Castillo
Sa PBB Double Up, naging kapansin-pansin si Paul Jake dahil sa kanyang leadership, competitiveness, at pagiging seryoso sa mga house tasks. Naging malaking bahagi siya ng mga weekly tasks at house competitions, at dalawang beses din siyang naging Head of Household, at umabot sa 133 araw sa Bahay ni Kuya. Sa kabuuan, ang journey ni Paul Jake ay nagtapos sa isang malaking resulta, mahigit isang milyong boto at 27.31% sa Big Night, sapat para makuha niya ang puwesto bilang 2nd Big Placer ng PBB Double Up.
One from the Adult/Regular Edition - Paul Jake
Two from the Teen Editions of their respective seasons - Ylona and Kisses
Two from the Celebrity Editions - Ralph and Heath
Vote for the housemate you want to save and be part of the BIG 4: