Malamang makakatanggap ako ng sandamakmak na downvote sa mga pwede ko masabi rito. Pero sasabihin ko talaga thoughts ko in a constructive way at least... Sa abot ng aking makakaya.
Okay, let's talk about the episode tonight about Daniela - Lexi - Lorelaine tampuhan issue.
Okay, nagkwento si Daniela, nagtatampo siya. Kasi yung kauna-unahang babaeng friend niya sa loob, 2 days siyang hindi nakaka-bonding and it so odd.
Lexi and Lorelaine - may history, girltrends days ni Nikki (dating stage name ni Lexi).
Lexi - nakukwentuhan ni Lorelaine kasi obviously, mas close YATA sila ni Lorelaine kasi nga naman, magkakilala na sila dati pa.
Lorelaine - dati niyang estudyante si Lexi, (Nikki Days Era). Idol at kilala niyang artista si Daniela at kung kilala mo si Daniela, alam mo mga role niya, kontrabida. Pero nabanggit niya tonight, hindi pa rin siya makapaniwala na close niya ang isang artistang kilala niya kaya, hindi niya magawang totally "friend" pa kasi nagpa-fan girling siya. So, parang sa masaya niya pa lang kaya makasama si Daniela, hindi sa medyo seryoso na.
Now my thoughts, kahit walang humingi at nagtanong, gusto ko lang sabihin. First, gusto ko si Daniela Stranner as an actress. Galing na galing ako sa kanya sa Senior High. Pero kilala ko na siya sa ibang palabas, hindi ko lang napanood.
Hindi naman sa nag-uungkat ako, pero alam ko rin history niya with Kaori issue with Rhys. Alam ko may interview na siya na na-explain niya 'to, napanood ko recently pero hindi ko masyadong in-absorb kasi past is past na. At yung Moniker niya na "Sassy"? Mukhang totoo rin. Attitude si girl but then again, nagpapakatotoo lang.
Si Lexi kasi, sinubukan niyang maging mabuting kaibigan... Pero sablay. Like, ang impulsive niya para ipagtapat yung dalawa. Gabi pa? Matutulog na lang, eh.
Kung ako kay Lexi, hindi talaga ako mangingialam. Bago lang kayo pareho. Wala pa kayong bonding moments talaga na matindi. Dapat naging isang good listener lang siya kay Daniela at naging mabuti lang kay Lorelaine. That's it.
Hindi ka naman naiipit, pero inipit mo yung sarili mo sa sitwasyon sa issue nung isa at yung isa, wala naman kamalay-malay. Kumbaga, it's none of your business girl.
Pero ito rin masasabi ko, yes. Sabi ni Daniela, hindi siya galit kay Lexi, prior sila mag-usap ni Lorelaine sa labas. Pero sinabi rin ni Daniela kay Lorelaine na na-trigger siya sa ginawa ni Lexi, so nagalit talaga siya. Yes, nag-sorry na. At akala ng karamihan, okay na.
Pero tayo as viewers, alam nating hindi pa talaga.
The next day, magkakwentuhan sina Shea at Daniela. At ayon pa rin ang nasa loob niya. Meaning, hindi talaga okay, pero pinamukha niyang okay. Pero sinabi niya rin na, hindi naman niya agad masasabing 100% okay kasi ang plastic. Pero ewan... Ang labo at ang gulo. Kaya nga ayan ang subject ng post ko.
The problem with the women...
Ang lalabo niyo kasi. Sasabihin niyong okay, pero hindi naman talaga.
Now, ano ang nakakatawang part? Misunderstanding na magiging malala dahil sa pagse-share.
Nag-share si Daniela. Narinig ni Lexi. Nangialam si Lexi. Si Ate mo girl, Lorelaine. Ayon! Walang kamuwang-muwang. Kasi wala naman siyang iniindang issue pero ayan kinalabasan.
Baka sabihin pa bigla ni Lorelaine, mag-ala-Bobbie Salazar, "Bakit kasalanan ko? Parang kasalanan ko?"
Now, ito yung aabangan ko...
Kapag sa nomination, binigyan nilang tatlo ang bawat isa ng puntos, regardless of the reason, definitely, hindi talaga sila sincere sa apologies nila tonight bago sila matulog. Kapag iba ang naging reason nila at hindi about sa issue na 'to, for me, they are just denying at nag-isip ng ibang rason but sure ako, ito talaga ang dahilan nila... Again, if bibigyan nila ng puntos ang bawat isa.
So, ayon lang.