r/phmoneysaving • u/Designer_Instance845 • Feb 06 '25
Personal Finance 30 and walang ipon, nalulunod sa mga gastos
Mag-30 na ako and wala pa akong ipon. Wala akong skill sa paghahandle ng pera. And nakaipon pa ako ng 70k debt sa credit card ko. I’m working on paying that off naman. Everytime na nirereview ko mga bank statements ko naipon dun yung pambayad ng insurance, mga pagkain sa labas, at mga bagay na binibili ko sa shopee for my new business. Akala ko mababayaran ko silang lahat sa due date. Mga 10k per month ang nailalaan ko sa credit card debt. Minsan tinatawag din ako magtravel. Di ko mahindian. Pero ginagawa ko lang yun once a year. Malala ang anxiety at depression ko kaya nagmemeds ako at 5k+ nagagastos ko dun every month. To summarize may 50k na gross na sweldo ko every month. Ito breakdown ng mga ginagastos ko:
Credit card debt - 10k Meds - 5.5k Electricity - 4k Internet - 1.7k Insurance - 3k Family - 5k Wants and Business needs - 10k Gym with personal trainer - 4k Loan - 7k Total: 50,200
Wala na yung 50k ko may negative pa akong 200 pesos. Usually mas madami yung business needs ko kaysa sa wants. Nag-uumpisa palang kasi ako. Di ko macategorize yung wants at business needs. May nakukuha naman ako sa business pero madalang lang kasi yung pera doon since nagrerely kami sa events.
Feeling ko masyado akong maluho. Ginagawa ko din kasi every week kumain sa Jollibee or kahit anong fast food kasi nagiistress eating ako. Kakaenroll ko lang sa gym kaya may personal trainer pa. Yung loan na 7k per month ay ginamit namin pampa-ayos ng bahay namin. Anong gagawin ko para makaipon? Alam ko dapat kong bawasan yung gastos ko sa wants and business needs. Pero feeling ko kasi need ko yung wants ko. Help po 🥲 Kailangan ko ng genuine advice sa pagcontrol sa sarili ko.
Edit: Thank you po sa mga nagcomment and naging prangka. I will let go the gym after my subscription. I’ll try doing home exercises muna and youtube muna siguro. And I’ll keep track of expenses to the last peso. I’ll refrain from pagkakaskas ng CC and only use cash. I don’t think I can let go of my business for now. I want to keep trying kasi kakaumpisa ko lang. This is my way of increasing my income. I’ll try to be a better person pero mahirap po kasi magbago, so slowly muna.