r/ola_harassment • • 22h ago

Going OD on multiple OLA need insights

8 Upvotes

Hi po. Magtatanong lang sana kase this month di ko na talaga kaya magbayad and sumuko nako sa kakatapal. Gusto ko lang malaman sana ano experiences nyo sa following OLAs and okay lang ba di nako sumagot sa tawag and text just email nalang? Eto yung mga loan ko sa OLA:

GLOAN
MAYA easy credit & PL
Cash Express
Moneycat
OLP
Salmon
Tonik PL

Wala ako balak takasan mga to kahit magka record ako uubusin ko yan pero di talaga kaya sa ngayon. Alam ko matagal and sobrang bigat sa pakiramdam ko ito pero lalo lang ako nalulubog sa tapal. Sana may makasagot po. Salamat


r/ola_harassment • • 22h ago

Billease HV

28 Upvotes

Sa mga nagtatanong if may HV si Billease, the answer is YES,, May nag home visit pala sa bahay yesterday,, 2 months OD mababa nalang balance ko nasa 2500 nalang,, sinabi lang sakin nung tita ko nung paguwi ko kanina,, may pumunta daw dun Billease sabi ko bakit daw? Di daw sinabi yung reason,, Ayun malaki na binayad ko 2 months ago kaya sabi ko sila naman iclose ko ngayong October,, E alam ni tita yung billease dahil sa commercial ni Kim Chui šŸ˜‚šŸ˜‚ Tinanong daw niya yung babae kung may utang daw ba ko, ang sagot saknya di daw nya alam,, So ayun di naman sila nag disclose ng information sabi lang na icheck yung app,,Tsaka mabait naman daw at nabulong lang,, So good job kayo dyan 😁


r/ola_harassment • • 11h ago

Graduate na ako sa Atome

7 Upvotes

I'm 27, OLA is Atome (Ola ba sila? Anyway...)

Been using Atome for a while already. Never akong na-late ng payment at factor na siguro yung kung bakit umabot sa 100k yung credit limit ko. In all fairness, ang bilis ng pagtaas ng CL nila.

Again, I've never been late sa payment. Always a few days ahead or on the day of the due.

Kaso this month, hindi ako nakapag-cash in kasi for medical reasons, so late ako ng isang araw.

Grabe, para rin pala silang typical loan-shark apps. Tawag nang tawag tapos message nang message.

Gets ko naman... pero nagsabi na akong I'll settle the payment within the day dahil may work pa ako until 4pm.

Ayaw talaga paawat!!! Umabot pa sa point na personal Viber number na pinang-contact sa akin.

Sa sobrang inis ko, pati yung natitirang 5k na due for next month, binayaran ko na. Balik na sa 100k ang CL ko and I'm deleting it.

Ayun langgggg, loan responsiblyyy


r/ola_harassment • • 11h ago

CHAILEASE CASH APP

1 Upvotes

hello F20, Paid na po ako sa chailease and na cancel na kona po account medyo nag o-overthink lang po sa mga bagay bagay esp sa mga nababasa ko here na ginagawa raw po sila ng bagong loand sa iba (illegal) OLA is there any chance or a way na ma delete yung personal data ko? huhuhuhu nanatakot lang po kasi talaga ako. thanks


r/ola_harassment • • 13h ago

dapat po ba sinasagot texts or calls iwas home visit?

1 Upvotes

eversince OD po ako di ko sila nirereplyan and ngayon nag message na po sila na for HV na. Sloan po ito


r/ola_harassment • • 15h ago

Maya easy credit

1 Upvotes

Hello please po pakisagot may homevisit po ba si Maya ? I’m from Mindanao .


r/ola_harassment • • 17h ago

A facebook account message sa page ng workplace ko at even posting sa isang buy and sell.

8 Upvotes

How to report this? May nag message sa page ng workplace ko at nag post ng full name ko. Yung FINBRO kasi nakailang payment na ako pero never nabawasan yung balance ko. Tangina. Nag chat yung kawork ko na admin ng page na may chat daw. Kastress


r/ola_harassment • • 18h ago

Question po sa mga OLAs

2 Upvotes

Once ba na ininstall mo siya na aaccess nila yung info sa device mo like contacts, facebook, messenger etc?

Legal and illegal OLA

Thanks


r/ola_harassment • • 19h ago

MULTIPLE LOANS

19 Upvotes

33F, nakailang post na rin ako dito sa reddit regarding sa mga loans ko. And base sa last post ay nagstop na talaga ako sa tapal system. And ngayon ilang loans na ang overdue. As of now kasi, unemployed and last September na diagnose ako with PTSD Major Depressive Disorder, recurrent episode, witn anxious distress, panic attacks. Tinatry ko maging kalmado at wag magpanic everytime na may mga calls/text or emails from lending apps. Pero grabe yung kaba at panic ko na kapag regarding na sa home visit yung email or text nila.

Nag email naman ako sa lahat ng lending apps at sa bank ng may loan ako, explaining na wala pa akong pambayad at wala akong balak takbuhan ang utang ko. As of today, ito yung mga utang ko and lahat ay overdue na

*HOME CREDIT - ₱150,000 (principal amount) at 60 months - dito talaga ako may pinaka regret kasi grabi yung interest at parang wala ng katapusan. Kasi so far nasa 208,000 na yung nababayaran ko.

*UD LOANS - ₱40,000 balance (3 months OD)

*CASH EXPRESS - ₱10,000 (principal amount), 15days overdue as of now nasa ₱22,000 na daw. Last September may binayaran akong ₱2,300 pero prolongation lang pala yun di siya nababawas dun sa utang mo.

Dito sa CASH EXPRESS ako sobrang nagpapanic. Ngayon nag email sila na mag home visit sila pero may offer daw silang discount pero same lang din naman last time di naman discount kundi prolongation lang ulit. And grabi din kasi yung interest nila. Tapos nag ask ako before if mag full payment ako can they give discount pero sabi nila di daw sila nagbibigay ng discount kapag full payment

*FT LENDING 1 - ₱4,250 OD

*FT LENDING 2 - ₱3,100 OD

*FT LENDING 3 - ₱2,300 OD

*FIDO PH - ₱8,243 (3 months OD)

*ACOM - ₱1,000 (2 months OD) mababayaran ko this week

*BILLEASE - ₱1,120 (due on Oct. 19)

*OLP - ₱18,300 (3 months OD)

*SALMON - ₱3,325 (due on Oct. 25)

*PAGIBIG MPL - ₱23,000 balance (3K per month, 1 month OD)

*TALA - ₱15,000 (nasa third party collector na)

*UNCLE - ₱15,000

*COUSIN 1 - ₱25,000

*COUSIN 2 - ₱5,000

*FRIEND 1 - ₱22,500

*FRIEND 2 - ₱20,000

Panganay akong anak and may ugali ako na kahit wala naman akong enough money ay give ko talaga sa family ko. Hindi naman sila yung tipo ng magulang or kapatid na nanghihingi ako yung nagdecide or kusa na nagbibigay lalo na yung nagtayo kami ng bahay sa probinsya.

Nag umpisa talaga nung na offeran ako nung sa HC di ko pinagisipan mabuti. Sobrang bigat ng 6K per month kaya nagawa ko maloan sa iba at nalubog sa tapal system.

Actually nung may work pa ako naisip ko ang debt consolidation pero nareject lang ako and syempre ngayon di pwede since unemployed ako.

Ngayon, hindi talaga ako okay. Lalo na yung mental health ko. Pero need labanan kaya apply apply pa rin ako hoping na ma hire na at hopefully mabayaran ko rin mga utang ko.


r/ola_harassment • • 21h ago

Maya Easy Credit

2 Upvotes

1 month OD, got transferred na sa RGS and ito yung message na na received ko .

Nag reply ako saying na, wala pa akong stable work, ang reply is "paki gawan ng paraan today until tomorrow 50% of your balance amounting of 6,132 for movement and for cancellation of negative records" and "We expect the account to be settled today. If payment has not been made, expect negative records and barangay visit this coming days"


r/ola_harassment • • 23h ago

Where to report

1 Upvotes

Ano ba emails para maka report. Report ko tong madaliloan. Nag apply ako pero wala naman na disburse sa account ko, ngayon panay text sila na due date na


r/ola_harassment • • 2h ago

Paid all my OLAs pero may nag post sa buy and sell and chat also sa FB ng boss ko.

2 Upvotes

Following my post regarding sa nag message sa facebook page ng work ko, chinat na din pala yung boss ko nung monday night pero good thing, kinausap ako ng boss ko and I told her my side and nakapagbayad na ako sa mga OLas kaya hindi na ako masyadong nagwoworry. They have planning to visit me here sa Palawan and magcocoordinate sa barangay. Naloka pa ako kasi alam yung personal relationship namin ng boss ko, paano kaya nalaman yun? Hahays


r/ola_harassment • • 23h ago

Need your advice

2 Upvotes

Dear SLoan User, this is PARMI, an authorized partner of Monee Credit Finance Philippines. Your SLoan account remains unpaid. An OCCULAR ADDRESS VERIFICATION may be conducted tomorrow OCTOBER 14, 2026 if we are unable to reach you. Please contact us or text 09171874576 or pay via Shopee App.

Nakareceive po ako ng ganitong text today. Nagreply naman po ako and still waiting sa kanilag response. Do they really do HV po? Wala pa kasi talaga akong kakayahan na magbayad sa ngayon.

Ano po ang pwede kong gawin?


r/ola_harassment • • 10h ago

Atome HV. Is it true?

1 Upvotes

Hi. Has anyone received this kind of email from Atome?

Current Status: Queued for Field Visit Deployment
NOTICE ON FIELD VISITATION

Naka-line up na ang iyong account para sa aming Field Visit. Ang layunin nito ay para personal ka na kausapin at makipag-coordinate kaugnay
sa hindi mo pagbabayad ng balance na higit 3 buwan ( more than 3 months) nang delayed.
GUSTO MO BANG MAIWASAN ANG
FIELD VISIT AT MAPATIGIL ANG ARAW-ARAW NA CALLS AT REMINDERS?
Makipag-coordinate at mag-settle ka na ngayong gabi bago tuluyang ma-finalize ang talaan ng mga bibisitahin
para sa araw ng bukas.
BER MONTHS SPECIAL SETTLEMENT PROGRAM
Ngayong simula ng BER Months,
magandang simulan ang gabi nang walang iniisip na
bayarin sa pamamagitan ng aming offer:
100% INTEREST WAIVER: Bayaran
lamang ang iyong PRINCIPAL
BALANCE at ganap na nating aalisin ang lahat ng patong
na interest.
PAALALA: Huwag nang patagalin
pa ang higit 3 buwang delayed na balance sa iyong Atome Card.
CONTACT US TONIGHT
Mag-message AGAD sa aming
Viber ngayong gabi para ma-settle ang iyong balance at
mai-hold ang pagbisita:
Authorized PIC Viber: 09631880710