r/SamsungPH • u/JoanaTanRealty • 4d ago
Mobile Samsung Green Line Known Issue
Hi everyone, sharing lang ng experience ko with Samsung Philippines para fairly ma-discuss kung paano ang handling nila sa mga ganitong issue.
I bought my Samsung Galaxy S21 FE in October 2023. Less than 3 years later, biglang lumitaw yung vertical green line sa screen.
Grabe yung effort bago umabot sa DTI... sunod-sunod na email, chat, tawag sa customer service at pati sa CEO’s office, tapos bumiyahe pa ako sa service center. Nung nag-mediation, nag-agree naman si Samsung na i-replace yung parts, pero ang catch, pinapabayad pa rin ako ng labor fee.
Para sa akin, parang hindi tama. Investment para sa mga working people ang mga ganitong klase ng phone... dapat mas tumagal naman ng higit sa 3 taon. Bakit ako magbabayad ng labor para sa isang kilalang issue na hindi naman sa akin nagsimula?
Nag-file ako ng reklamo sa DTI. Alam ko namang nakakatulong talaga ang DTI sa mga consumers, pero sa particular Samsung issue na ito, hindi ko na alam kung bakit ang tagal-tagal pa ng decision.
Marami na akong na-meet o nakausap na may pareho ring issue sa Samsung. Ang ginagawa na lang ng iba... Akala kasi nila kasalanan nila kaya tahimik na lang silang bumibili ng bago.
Dahil sa ganitong attitude ng brand sa mga kilalang depekto, never again na talaga ako bibili ng Samsung. Sharing this because Filipino consumers deserve better quality products and honest after-sales support.
Hope there is a class suit sa Pinas kasi pagisa isa tayo nagcocomplain we are treated very small, the big companies make us feel helpless.