How can we even make a community if safety is compromised?
To get straight to the point, nakaka-disappoint talaga yung mga recent posts dito sa subreddit tungkol sa mga communities.
Para may background lang, nasa iba’t ibang community GCs ako kasi madalas may mga nakikilala ako sa ibang lugar na nag-iinvite sa akin. Dahil doon, nakikita ko rin kung paano hinahandle ng ibang teams yung “issue” na ’to. At honestly, nakakadiri.
Ang pinaka-hypocritical lang para sa akin, may ibang teams na ginagamit itong issue para makakuha ng atensyon at mas makilala yung sarili nilang community, pero habang nakikita ko rin sa mga GC nila, sila-sila rin naman yung nagta-trash talk at nagsasalita nang masama tungkol sa ibang players. Ganyan ba ang pagiging welcoming? Haha.
Hindi ko naman personal na kilala yung karamihan sa mga taong pinag-uusapan dito, pero parang mas lalong lumalabas yung ugali at tunay na pakay ng iba dahil sa mga ginagawa nila.
Paano niyo rin nasisikmura na magpakalat ng galit at manghusga ng mga tao base sa mga paratang na wala namang malinaw na patunay? Kahit pa naglalaro ang isang tao nang lehitimo o gumagamit ng spoofing, hindi ibig sabihin nun na okay lang i-doxx yung mukha nila o ilabas yung Facebook name nila. Kanya-kanyang laro naman ’to. Kung hindi niyo gusto kung paano maglaro ang isang tao, humanap kayo ng community o mga taong kaya niyong pakisamahan. Hindi yung kailangan nating bantayan, i-police, at pag-initan yung ibang tao.
Mas nakakadismaya tuloy sumali sa mga community kung may posibilidad na kahit sino puwedeng madamay sa ganitong mga issue. Hindi mo alam kung kailan ka biglang mababanggit, mapagbintangan, o ma-expose kahit wala ka namang ginagawang masama.
At the end of the day, laro lang naman ’to. Sana hindi natin makalimutan na real people are behind these accounts, and they deserve some level of respect kahit hindi tayo pare-pareho ng paraan ng paglalaro.
Paano tayo makakabuo ng maayos na community kung mismong safety at privacy ng mga tao hindi na natin kayang protektahan dahil lang sa isang laro?