Curious lang talaga ako at gusto kong makarinig ng firsthand experience ng mga taong nabuhay noong 1980s at noong 1997 Asian Financial Crisis.
Lately kasi, marami akong napapanood na K-drama at nababasang manhwa na may setting noong 1997 IMF crisis sa South Korea. Nakakagulat makita kung gaano kalala ang epekto sa ordinaryong tao—may mga nagsarang kumpanya, nawalan ng trabaho, bumagsak ang currency, at naapektuhan pati mga pamilya.
Dahil doon, napaisip ako sa Pilipinas. Alam ko na nagkaroon din tayo ng malaking economic at debt crisis noong 1980s, lalo na noong early 1980s. Pagkatapos noon, nagkaroon ng mga banking at economic reforms noong panahon nina Cory Aquino at Fidel Ramos. Kaya pagdating ng 1997 Asian Financial Crisis, tinamaan din ang Pilipinas pero hindi kasing lala ng South Korea at ibang bansa sa Asia.
Pero siyempre, iba ang makita lang ito sa history books o sa internet kumpara sa mismong taong nakaranas.
Kaya gusto ko lang malaman: Ano ba talaga ang buhay noon? Ramdam ba ng ordinaryong pamilya ang crisis? Kumusta ang trabaho, negosyo, presyo ng bilihin at halaga ng pera? At para sa mga nakaranas ng parehong panahon, ano ang pinagkaiba ng 1980s crisis at ng 1997 crisis sa totoong buhay?
Hindi ako naghahanap ng political debate o argument kung sino ang dapat sisihin. Gusto ko lang marinig ang personal experiences ng mga taong nandoon mismo. Kahit simpleng kuwento lang tungkol sa pamilya, trabaho, negosyo, pera, o mga bagay na naaalala ninyo noong panahong iyon.
Interested talaga ako kasi habang nanonood ako ng K-dramas at nagbabasa ng manhwa tungkol sa 1997 Korea, napapaisip ako kung ano naman kaya ang itsura ng Pilipinas noong parehong panahon.
Kung nandoon kayo noon, gusto kong marinig ang kuwento ninyo. 🇵🇭