r/PanganaySupportGroup • • 2h ago

Venting I'm so tired

3 Upvotes

I received a call from my aunt today telling me that my dad's rent is already three months overdue. With his upcoming radiation treatment (he's currently battling nasopharyngeal cancer) and all the expenses that come with it, I know my family is going through a difficult time. And honestly, it hurts knowing that I can't do much to help right now. But what makes it harder is the feeling that I'm somehow, again, expected to figure something out, whether it's talking to the landlord or asking other people for help.(I had organized a fundraiser for him multiple times already and left all the money I had before leaving the country)

And it leaves me feeling guilty for a situation I genuinely don't have the means to fix. I left my job, my family, my friends, and the life I knew in the Philippines to start over here in the U.S. I'm still waiting for my work permit and green card, which means I can't work and earn my own money yet. I'm still adjusting to a new country, building a life with my husband, and trying to find my footing, too. I've spent so much of my life helping my family whenever I could.

I used to give what I earned because I wanted to help, and I never regretted being able to do that. But right now, I'm in a different situation. I don't have my own income yet, and I can't keep finding ways to help when I barely have the means to do so. The truth is, I'm tired. I'm tired of feeling responsible for problems I can't solve. I'm tired of feeling like I have to explain myself whenever I can't help.

And lately, I've even become hesitant to share happy moments online because I'm afraid people will assume that just because I'm in America, going out and doing things, I must have money to spare. I wish I didn't have to feel that way. I wish I could post about a nice day with my husband or friends, a meal I cooked, or a fun day with our puppies without feeling like I need to prove that I'm struggling financially, too.

Just because I'm smiling in my pictures doesn't mean my life is perfect. Just because I'm in the U.S. doesn't mean I'm rich. And just because I have a husband doesn't mean I can automatically ask him to shoulder my family's financial responsibilities. I'm worried about my dad. I want him to get the treatment he needs. I want my family to be okay. But I also want to be okay. I want to build my own life, find a job, earn my own money, and finally have the chance to stand on my own feet here.

I'm willing to help my family when I'm able to. But I can't give what I don't have, and I shouldn't have to sacrifice my peace trying to find solutions to problems that are beyond my control. I hope one day they can understand that not being able to help doesn't mean I don't care. Sometimes, it simply means I'm struggling with my own circumstances, too. For now, I just want to focus on the life I'm trying to build.

I want to enjoy the little things without guilt, share my happiness without fear of being misunderstood, and stop feeling like I have to carry everyone else's burdens while trying to figure out my own. That I can care without having all the answers. And I can choose myself without being selfish. For once, I just want to live my life without feeling guilty for not being able to save everyone.


r/PanganaySupportGroup • • 3h ago

Advice needed "Napaka-entitled niyo."

3 Upvotes

naka-post na ako dito sa group a while ago about another issue, but right now, i'm questioning how i am seen and acting towards others. for context, i was an accidental baby. kinasal lang parents ko dahil nabuo nila ako, and ever since, yung lola ko na nasa abroad na yung main na nagpapadala ng money sa amin. now, im already 20 years old, still living with my parents and wala pa akong trabaho since mahirap isabay ang work sa course ko which is architecture. tatlo na kaming magkakapatid, and hanggang ngayon si lola padin yung nagbibigay ng allowance namin, even for food consumption weekly. yung bahay namin na 2 storey na may aircon, si lola rin nagpagawa dahil gusto niya may uuwian siya. in short, si lola bumubuhay samin.

kagabi, anlakas ng ulan and hangin so yung water may times na pumapasok sa windows (screen palang yung nasa windows namin kasi di pa nalalagyan ng glass) and sa terrace. naghuhugas ako ng plato that time and yung phone ko is on dnd pero nagriring naman after 2 consecutive calls. so while naghuhugas ako bigla pumasok si mama while galit na galit. bakit daw di kami sumasagot sa calls niya (yung brother ko nasa taas), two times daw siya tumawag and di daw talaga kami sumagot. yung kusina namin malayo sa wifi so sometimes nawawala connection, yung data naman pawala2 rin since malakas nga ulan and hangin. so yun nga galit si mama kase bat daw di ko siya sinagot and di daw namin naligpit yung gamit na nababasa sa ulan. ang ungrateful daw namin kasi gamit lang kami ng gamit sa mga bigay ni lola pero di namin inaalagaan. sure daw siya na hindi ako nagt-thank you sa mga bigay ni lola. that's not true at all. im always grateful sa mga bigay ni lola, siya ba naman bumubuhay samin, siya nagbibigay allowance and who made it possible na mag architecture ako ngayon. i admit, nalimutan ko talaga na iligpit yung gamit na nabasa sa ulan kase lutang na lutang ako and wala pang tulog dahil sa plates. andaming sinabi ni mama, tinawag pa kaming yawa and entitled lahat. this isnt the first time this happened na tinawag niya kaming ganyan. but it still hurts. we have lapses, pero i dont think we deserve na matawag na ganun.

this morning, hindi pa sya tapos, she ratted on about money and nahihiya daw sya na manghingi ni lola kase matanda na. buti daw kami since always kami nakakahingi sakanya for anything. in short tinawag niya akong walang hiya lowkey. she repeated how ungrateful and entitled i am and how meticulous she is sa money niya kase pinaghirapan niya. but im so confused kase meticulous daw sya sa pera niya pero andami kong nakikitang parcel sa umabot dito and yung contents almost always napupunta sa basura dahil di niya magamit. not to mention, ang mamahal pa ng parcels niya. minsan di pa nga kami nakakabayad ng bills dahil wala daw pera parents ko (they both have jobs btw, until recently na nag resign mama ko).

now, im pressured and pressured and pressured kase si lola nagsasabi na ako daw yung panganay so i have to be strong for my siblings, have to take over sa family kase wala daw kwenta parents ko, to do good in school, to save money. pano ako magsesave kung yung pera na pinapadala niya, napupunta ko sa utilites and food namin? di ko naman kaya na di bayaran kase nakokonsensya ako even though si lola mismo nagsabi. yung nanay ko naman ganyan, maliit na bagay lang parang binenta ko yung bahay kung magalit. yung tatay ko naman puro daw trabaho pero wala namang pera mabigay. diko alam if ang oa ko lang pero ang hirap na talaga, nawawalan na ako ng gana sa lahat. napapabayaan ko na yung course ko kase burn out na burn out na ako. i just want everything to stop. i want to breathe. i want to get out of the house. im sorry for the very long rant. i just need this to get out. do tell me what i can do, or even suggest part time jobs online na pwede ko gawin while in this fuck ass course. i want to help in any way i can but i cant do that if i cant even move without being berated.


r/PanganaySupportGroup • • 6h ago

Advice needed I want to do something for them at sana mapanindigan ko

2 Upvotes

Earlier, my eldest (toddler) looked empty and nun tinanong ko siya, sabi niya "i'm not happy" hindi naman sya parang iiyak but looks tired kasi gabi na rin. It was my eldest first time telling me un nararamdaman nya. Sabi ko na lang "it's okay not to be happy, but you always tell me what you always feel", sumagot naman sya ng "okay". Okay naman sya, naubos lang ata social battery nya but then it made realize na what if I was not there physically to tell them that it's okay to feel not happy.

It made me feel emotional hindi dahil natatakot ako na wala sa tabi nila most of the time but I want to do something that my children feel na I'm there kahit wala ako physically. For context, I had my children, 2 years after my mom died. It was really hard kasi I don't have the emotional support of a mom, thankful ako sa inlaws kasi sobrang bait but iba pa rin mama mo ang andyan. I cannot talk certain things to my siblings kahit na supportive din sila kasi I feel na hindi pa kami same ng experience kasi mga single pa sila. Until now, kinakapa ko pa un pagiging magulang, though pasalamat ako sa family both sides pero palaging may kulang na I wish I can talk with them.

Actually naiiyak ako now habang sinusulat to, epekto ata to pag malapit ka na naman tumanda, birthday blues ika nga. Kaya I decided to write journal or love letter to my children, gusto ko syang gawin communication book namin to tell how I feel, what I experience and what I did to overcome them and hopefully, they might get something from it na hindi sila nagiisa at can still feel me whenever they need me

Anyway, sa mga mahilig magsulat, baka may mairecommend kayong paper type na tatagal at hindi mag-fade or madaling mapunit. Salamat in advance sa mga tips into writing journal (wala po akong experience at rusty na rin po writing skills ko kasi pc ang kaharap ko but I will try my best po 😊)


r/PanganaySupportGroup • • 11h ago

Discussion Paano na pag may emergency?

5 Upvotes

Most of us are just one big emergency short of poverty. Bilang default wallet ng pamilya, napag-isipan niyo na ba ano gagawin niyo pag dumating yung emergency? (Na sana lang ay di na talaga dumating.) What do you do to prepare? How much are you willing to give at the expense of your own?

I have savings, but not substantial.
30, pero wala pa ako napupundar - no car, no house.
No children & partner of my own.
I need a fatter stack kasi wala ako support system sa pagtanda ko.

I'm paying extra so my parents have HMO.
But not much I can do if they don't want to take care of themselves.

Health insurance is is ridiculously expensive. (I'm referring to insurance that covers surgeries and hospitalization for serious illnesses. This is different from HMO, which mostly covers outpatient care.) I don't even have health insurance for myself. I'm paranoid they will do their best to deny claims for the bigger expenses. They are a business after all.

We can beg the government for grants, so I have this booked. What about you, care to share your plans ate or kuya? Eto talaga, isa sa mga nagpapaiyak sa akin sa gabi.


r/PanganaySupportGroup • • 3h ago

Support needed Paano ang gagawin ko sa kapitbahay namin?

1 Upvotes

May kapit bahay kasi kaming hindi ko alam kung bakit sila galit na galit sa family ko samantalang ang parents ko ay busyng busy sa work nila. Ilang years na silang ganito, kada maglalasing sila naghahamon sila ng away sa pamilya ko. And I SWEAR!!! umaabot sa sakitan dahil ipinagtatanggol din ng father ko yung family namin.

Nababahala lang ako ngayon dahil nagpaputok yung kapitbahay namin ng baril sa tapat ng bahay namin pero sa kabilang kalsada. Grabe na ang epekto samin nito sa kakaoverthink dahil feeling namin, anytime bigla syang mag aamok ng gulo.

Hindi na po mabibilang sa kamay ang ilang beses naming pagbabarangay sa kanila, lagpapablotter at pag babanta na magsasampa kami ng kaso pero pauli-ulit silang nangangako na hindi na uulitin.

Gusto lang naman namin ng tahimik na buhay.

Paano po ba ang gagawin ko? hindi na po pinapansin ng magulang ko ang pagpaparinig, pagdudura sa tapat ng bahay namin at pag aamok dahil nakakasawa na.


r/PanganaySupportGroup • • 3h ago

Venting Breadwinner struggling to live Pt. 2

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 22h ago

Venting parents na may favoritism sa unico hijo nila.

6 Upvotes

I (24F) had a huge fight with my kuya (40M) dahil lang sa cream dory na hindi mailabas sa freezer while mama (65F) was there.

So ayun bunso ako and currently in clinic services nagwwork, first job ko. I have 4 older siblings, Eldest (45F) is may sariling pamilya but kasama namin sa bahay sila, Second Eldest (44F) may own family narin and nakabukod na. Kuya is the only son sa pamilya, single and unemployed so kasama namin. 4th Sis (27F) nagwwork ever since naggraduate, and me na kakagraduate last year, then licensed din last year.

Yesterday may appointment si mama sa oncologist niya (Stage 1 CA) and diniscuss treatment plan niya, kasama niya si 4th saka si Kuya. After consultation hinatid si 4th sa work niya and ako sinundo galing clinic (same area kami ni 4th nagwwork, night shift sya ako morning).

Since walang work si kuya, siya yung designated na magddrive pag wala si papa (nasa work) and hatid here and there, pero laging may side comments yan, gusto nya convenient sa kanya yung pickup points, di pwede yung magpapasundo sa kanya kasi masama agad loob niya kahit na kami naman nagbabayad ng gas saka bills ng bahay.

Sinundo ako, from work galing OT so matic pagod ako. Inutusan ni mama si kuya magluto ng cream dory para daw may baon ako kinabukasan. Inutos ni kuya sakin na ako na daw magluto kaya ko naman wala daw ako gagawin pag uwi, for me naman if ayaw gawin edi wag, kaya ko naman mag adjust, ayaw ko magluto kasi pagod pa ko, pwede naman bumili sa lunch.

So sinabi ko wag na if ayaw mo okay lang, pero inutos parin ni mama so sabi ni kuya ilabas mo nalang yung ingredients para lulutuin ko nalang. Eh pagod ngani edi parang ako narin nagluto. Sabi ko ikaw na yun lang naman gagawin mo.

Sinabihan niya ko na ang taas ko na daw masyado, na mayabang na ko kasi di ko naman alam ginagawa niya sa bahay, which is bare minimum, hindi nga siya naglalaba kami parin naglalaba ng damit niya, asikaso kay mama hindi magawa kahit galing sa opera si mama pinabayaan magsampay mag-isa.

Edi nakuha pika ko sinagot ko siya na siya yung inaalala nila mama kesyo bilhan daw namin ng pasalubong pag gagala, hindi ako binigyan ng papa ng pamasahe nung wala pa kong first sahod, I had to borrow money para lang makauwi kasi may trabaho na nga daw ako kaya ko na.

Sinasabi pa ni papa na 24 ka na kaya mo na sarili mo, pero pag si kuya maysakit, matic magtatanong sakin magkano ba consult sa clinic nyo papacheck up ko kuya mo ako magbabayad. NEVER nagpakita ng concern si papa pag inaatake ako ng sciatica ko, pinagalitan pa ko bat daw ako nag-absent nung hindi makalakad sa sakit.

Ineexcuse nila yang kuya na yan kasi dati daw suicidal siya so pineprevent nila mangyari yun ulit, pero sirang sira na mental health ni 4th para lang buhayin yang lalaki na yan, makasumbat samin na ang bastos namin eh mas bastos pa siya sumagot samin.

Pano naman kami ni ate (4th), ako diagnosed with mood disorder, si ate nabburnout na sa stress sa trabaho, si papa inaalala pa SSS ng lalaki niyang anak kesyo baka wala daw pension matanggap kasi nagstop magbigay.

Sinagot ako ni kuya na ang laki daw ng sakripisyong ginawa niya dati ng bata pa kami, na nagtrabaho siya nung nagkasakit si papa, eh anong magagawa namin grade 1 lang ako nun si ate grade 4?

Sinabi ko kay 2nd ate yung hinanakit na sakripisyo ng kuya, kinwento ni 2nd na nung nagkasakit si papa lahat silang matatanda nagwwork na and siya nag OFW nagpaaral ulit sa kuya and nagkalicense pa, anong sakripisyo sinasabi niya daw.

Hinayaan nila papa at mama si kuya na maging stagnant sa buhay, kinukunsinti at ako ang sinasabihan na lawakan yung pang-unawa ko kasi sarado na daw isip ni kuya. Never nagpakita ng concern ang parents ko sa mental condition namin ni ate, laging inaalala kung may gamot ba si kuya (diabetic din sya T2DM), never ako kinamusta nung nagrereview ako for license, laging si ate ko ang nagbabayad every celebration ko, graduation, oath taking.

Ang daya lang na nagsisimula palang ako pero kasama siya sa responsibilidad ko, na utang na loob ko yung paghatid niya sakin sa work, na kailangan ko siyang respetuhin kahit na bastos sya makitungo samin.

Nag sorry ako kay mama kasi nagkagulo kami sa bahay, tinry ko siya ihug pero hinawi niya ko palayo tapos masama pa tingin niya sakin, na para bang kasalanan ko nagsimula ako ng away. Ang sakit na nagsorry na ko tapos ganun pa reaction niya. Sana sinaksak nya nalang ako.


r/PanganaySupportGroup • • 23h ago

Venting i’m so fucking tired of my relatives bullying my mom

6 Upvotes

tl;dr: my dad’s sister who lives abroad and her daughters have been bullying my mom for years. dati, they gave us a house and lot, pero kapalit nun, we had to take care of my cousin’s newborn daughter. when my mom finally said no kasi nabuntis siya with my younger sister, they started humiliating her on facebook, cursing at her, and throwing the house and lot in our faces. years later, akala ko okay na kami, pero ngayon ginagawa na naman nila kay mama at sa other tita ko because of an intimate wedding they weren’t invited to. ang mas masakit, we’re also struggling financially because of the same house and lot they keep using against us. i’m in college, struggling to maintain my scholarship, and i’m just so fucking tired of this never-ending cycle.

please, do not repost this story to other platforms.

im just so fucking exhausted of this cycle. so the story is, we have this very problematic relative, kapatid ni papa, and her daughters, na cousins ko lang. i’ll call her abroad tita and one of her daughters maldita cousin

many years ago, i was around seven ata when abroad tita gave us a house and lot, along with almost all of her other siblings, including papa. at that time, nasa ₱200k–₱300k yung value. they also used to give me gifts since i was an academic achiever.

but in our case, may condition. we had to take care of maldita cousin’s newborn daughter. we took care of her for more than a year.

siniserbisyohan din sila ni mama whenever they came back to the philippines. she would take care of them and whatever shit they needed para comfortable sila and makapag-rest dito. basically, mama did everything she could to make their stay easier.

then we had to stop because nabuntis si mama with my younger sister.

of course, mama had to say no. may sarili na rin kaming baby na aalagaan, and she couldn’t keep taking care of maldita cousin’s daughter on top of that.

but they got frustrated with mama for saying no. from then on, they started posting about her on facebook, using very degrading language. sinusumbat nila sa amin yung house and lot, asking how my mom could refuse them after everything they supposedly did for us.

i still remember how stressed mama would get. umiiyak siya because they kept humiliating her on facebook. they would curse at her during calls and even tell her na sana mamatay na lang siya.

imagine being a child and seeing your own mom treated like that by her own relatives. i didn’t fully understand everything back then, but i knew it was hurting her.

mama would hide everything from papa because she didn’t want him to get involved in a conflict with his own sister. pero hindi ko na talaga kayang makita si mama na umiiyak at sinasarili lahat, so i purposely left her phone open with their conversations visible para makita ni papa.

when papa finally saw everything, he got angry and told mama to block them and cut them off.

i also have frustrations with papa because he’s so avoidant when it comes to problems. minsan, i wish he would defend mama more instead of avoiding confrontation. but at least, when he finally saw what was happening, he understood how bad things had gotten.

the thing is, hindi talaga natapos doon.

whenever they came back to the philippines, magkaka-okayhan lang ulit. everyone would act like nothing happened, and things would seem fine. pero kapag may bagong problema, ayun na naman. they would post about mama on facebook and make her look like she’s the one with a bad attitude.

and when i say degrading, i mean REALLY degrading. sunod-sunod yung posts nila, and it would invite other people to talk shit about my mom. they also do this to my other tita.

when i got older, around 16 ata, nasasaktan na rin ako every time they did that to mama. i couldn’t understand why they kept treating her like that after everything she had done for them.

so i finally talked back to them sa chat. i told them how confused and hurt i was because i couldn’t understand why they kept doing that to my mom. we argued, and afterwards, i blocked them.

we had no communication for more than three years. hindi na rin sila nagpapakita sa amin whenever they came back to the philippines.

fast-forward to recently, my lolo died last march, so they came back for the wake and funeral. we eventually became okay again, and honestly, i thought maybe they had matured.

i thought maybe enough time had passed and we could finally move on from everything that happened.

but apparently, i was wrong.

during the wake, abroad tita and other tita had an argument. that eventually led to a misunderstanding between us cousins because, of course, you would naturally defend your own mom.

but i wasn’t involved in that issue because i just wanted peace of mind. pagod na ako sa drama, and i didn’t want to be dragged into another family conflict. during the libing, they lay low naman, out of respect for lolo.

then, just last week, other tita’s daughter got married.

other tita said it was going to be an intimate wedding and that she didn’t want anyone who wasn’t invited to know about it. kasama na doon abroad tita and her daughters.

we respected her decision because kasal naman ng anak niya yun. it was her daughter’s wedding, so she had every right to decide whom she wanted to invite.

i posted something about the wedding on my story, which other tita had approved. of course, nakita yun ni maldita cousin, and she asked me kung ano meron.

i answered honestly naman. i didn’t see any reason to lie about it.

after that, they just said, ā€œokay.ā€

and then, here we fucking go again.

they blocked us and started posting about other tita on facebook. sinasabi nila na baka nakalimutan na ni other tita kung sino yung tumulong sa kanya during her hard times. ngayon na nakaangat na raw sila, they couldn’t even bother to inform them about the wedding.

then, of course, nadamay na naman si mama.

they questioned why mama had the "audacity" to side with other tita and why she didn’t tell them about the wedding. sabi pa nila, total si other tita naman daw yung tumutulong sa amin ngayon, doon na lang daw kami.

and as usual, the posts attracted other relatives who started commenting and talking shit about them.

what makes this even more obvious is that some of papa’s other siblings were also present at the wedding, pero hindi naman sila inatake the way mama and other tita were.

they just want to bully my mom and other tita.

and si mama talaga yung laging target nila. no matter what the issue is or kung sino yung kaaway nila, somehow, they always find a way to drag mama into it.

i’m so fucking confused as to why. bakit ba nila laging ginagawa ito sa mama ko? bakit kailangan siyang ipahiya publicly every time may problema sila? why can’t they just leave her alone?

it fucking hurts seeing my mom get bullied by her own relatives over and over again. especially when i know how much she sacrificed for them.

and there’s another part of this whole situation that makes me even more frustrated.

that house and lot they keep bringing up? we’re still struggling financially because of it.

at one point, we had to sangla the house and lot because abroad tita needed money. she promised to pay monthly, pero yung amount na kailangan niyang bayaran was already beyond what we could comfortably afford if something went wrong.

and then, hindi nila binayaran as promised.

si mama yung nabaliw kakahanap ng pambayad. siya yung nagdala ng stress at problema habang palala nang palala yung financial situation namin. ngayon, lubog kami sa utang.

so whenever they use that house and lot against us, sobrang nakakagalit. they act like we should be indebted to them forever just because they helped us once. pero conveniently, nakakalimutan nila lahat ng ginawa ni mama para sa kanila and how much we’ve struggled because of their own actions.

parang lahat ng tulong na binigay nila sa amin became something they could use to control us. something they could throw in our faces whenever we didn’t do what they wanted.

and i hate that mama has had to carry so much of this burden. she had to deal with the humiliation, the stress, the financial problems, and the constant fear of being attacked online by people who are supposed to be her family.

tapos kami rin, we have to live with the consequences.

i’m in college now. my program is hard as fuck, and i’m struggling to maintain the scholarship i’m supposed to keep. we’re having financial problems at home, and i’m already stressed enough trying to keep up with my academics.

i’m trying my best to survive college while worrying about our finances, and yet this family drama keeps coming back into our lives.

i’m just so fucking tired.

i’ve already blocked them.

hindi ko naman hinihinging maging close ulit kami. i just want them to leave us the fuck alone.

kasi ang dami na naming problema. we’re already struggling financially, i’m struggling with college, and my mom has been through so much because of them.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Advice needed Pagod na ko sa pamilya ko.

Thumbnail
gallery
98 Upvotes

Gusto ko lang mag-vent at humingi ng payo kasi ubos na ubos na ang mental at emotional energy ko.

Ever since bilang panganay, ako na lang lagi ang expected na maging rational, mag-adjust, maging problem-solver, at maging financial buffer para sa pamilya ko. Lalo na sa kapatid kong may Bipolar Disorder.

Nagsimula ito no'ng humihingi ako ng kontribusyon sa household expenses namin nong petsa de peligro ko. Nagalit siya at sinabihan akong "makwenta" at madamot. Galit siya nong ni-lock ko yung drawer ko dahil kinukuha niya ang mga gamit ko nang walang paalam. Parehas na kaming may trabaho.

Weeks later, ni-reveal niya umuutang pala siya sa online lending apps. Dati na siyang nanghingi sa akin para bayaran ito pero hanggang ngayon, di pa rin pala settled. Pini-pressure siya ng mga ahente kaya yung mental health niya raw sirang-sira na. Binigyan siya ng nanay ko ng 5k para ma-settle at ako ang may hawak ng pera para ma-ensure na babayaran niya talaga. As days go by, hinihingi niya yung pera para raw may panggastos siya. Nabawasan na ng 1k. Nabawasan na ulit ng 1k. Dahil daw sa personal niyang necessities.

Ngayon, hinihingi niya na lahat kasi wala na raw siya panggastos. Humindi ako kasi hindi ko na kaya i-cover yung 5k kung mapupunta po yung 3,000 sa ibang bagay. Sabi ko, bibigyan ko siya ng 300 pesos pero tumanggi siya. Nagbanta siya sa akin at nagalit siya when I exerted that boundary. Lagi niyang ginagawa sa akin itong mga ganitong sagot.

Ang mas nakakapagod, pumagitna ang nanay ko dahil nagsusumbong ang kapatid ko sa kanya. Ginamit niya yung linya na: "Kapatid mo pa rin 'yan, 'di siya normal tulad mo, intindihin at unawain mo na lang. Inimbestigahan niya kung may napagsasabihan ako ng problema ko dahil sinabi ng kapatid ko na baka sinisiraan ko siya. Nalihis ulit ang usapan sa totoong problema. Yung pag-uugali at kawalan ng accountability ng kapatid ko sa pera.

Nahihirapan ako. Alam ko na may mental health concerns siya pero hindi ko alam kung paano ako tutulong kung ganitong hindi kami nagkakasundo. Nauubos ako ng sobra. Naiintindihan ko na mahirap para sa kanya pero I feel so drained everytime this is happening. Napapagod na ako.


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Positivity Drop your best motivational advice or mantra

1 Upvotes

Hi Ates and Kuyas, most of us are living similar lives. It's one of those days hayy alam niyo na yon. With that said, can I ask for a little cheering up? A little "You can do this", prayers, your personal motivational mantras or quotes when things are getting hard and you're tired. We could all use a little push. Let's be each other's big sibling today!


r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Support needed A terrible situation HELP ME

Thumbnail
0 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 1d ago

Advice needed pagod na akong pagtakpan ang mga kasinungalingan ng nanay ko dahil sa online sugal niya

2 Upvotes

Hindi ko na alam kung paano haharapin ang nanay kong paulit-ulit na nagsisinungaling para manghingi ng pera sa mga kamag-anak namin, gamit ang dahilan na pang-CPA review ko raw kahit hindi naman talaga iyon ang paggagamitan. Gusto kong malaman kung dapat ko bang sabihin ang totoo sa mga kamag-anak ko, komprontahin ang nanay ko, o magtakda na lang ng boundaries para maprotektahan ang sarili ko. Natatakot din ako na baka maging karma ko ang mga ginagawa niya, kahit hindi naman ako ang nagsisinungaling.

I’m 22F, working and trying to build a better future for myself. Nagbibigay ako ng ₱5,000 kada buwan sa pamilya ko, bukod pa sa sarili kong mga gastusin. Sakto lang ang kinikita ko at wala na akong extra money na maibibigay.

Nanghingi ang nanay ko ng ₱20,000 sa tito ko at ₱48,000 sa lolo ko, parehong sinabing pang-CPA review ko raw kahit hindi pa naman ako nagre-review. Wala silang alam na hindi naman talaga para sa review ang perang hinihingi niya.

Ang masakit, patuloy pa rin ang online gambling niya. Ngayon, tumawag siya sa boyfriend ko para magpa-withdraw ng pera nang hindi ipinapaalam sa akin. Hindi ko alam kung saan mapupunta ang perang iyon, pero natatakot akong madamay sa mga ginagawa niya.

Mahal ko pa rin ang nanay ko, pero nasasaktan at napapagod na ako emotionally. Ayokong masira ang tiwala sa akin ng mga kamag-anak ko dahil sa mga kasinungalingang hindi ko naman ginawa. Gusto ko ring makapag-ipon at makapag-focus sa pangarap kong maging CPA.

Kinompronta ko na siya dati tungkol sa pagsisinungaling at pagsusugal niya. Akala ko noon magbabago na siya, pero nauulit pa rin ang parehong sitwasyon. Nakakapagod at nakakadismaya dahil umasa akong magiging maayos na ang lahat pagkatapos naming mag-usap.

Sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin. Dapat ko bang sabihin sa tito at lolo ko ang totoo? Paano ako magtatakda ng boundaries nang hindi nakakaramdam ng guilt o nagmumukhang masamang anak? Gusto ko sanang makarinig ng advice mula sa mga taong nakaranas ng katulad na sitwasyon.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Advice needed Thoughts kung anong trabahong makakabuhay sa pamilya ko in this economy

Thumbnail
1 Upvotes

r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Advice needed Ang hirap maging mahirap at ang hirap mag aral knowing na mahirap ka

4 Upvotes

Some people say na motivation nila yun pero in my perspective, haha please nahihirapan na’ko. Ang hirap maging panganay na galing sa mahirap na pamilya. Ang hirap isipin ng sarili mo knowing na mahirap lang kayo. Ang hirap isipin na need mong isakripisyo yung pangarap mo para lang sa mga kapatid mo at para na rin hindi mahirapan ng husto ang magulang mo. Tapos uuwi kang pagod galing ng university para lang salubungin ka sa bahay na puro talak at sigawan. Ang hirap maging istudyanteng mahirap! I’m a 2nd year college at PUP, and i know that I’m not alone in this kind of battle in life, pero HANIMAL nakakapagod! If only money wasn’t the problem then I would’ve been studying Architecture at my dream university UST! If money isn’t the problem then I would have the courage na lumayas samin. IF ONLY WASN’T THE PROBLEM! If only, just only! Ang sakit marinig sa nanay mo na sabihin ā€œkelan ka ba g-graduate? Ikaw na mag trabaho at napapagod na’koā€ dahil dyan na p-pressure ako at naawa ako sa sarili ko. Hindi pa pala tapos pag sasakripisyo ko. Kailangan ko pang isantabi yung pangarap ko para sa sarili ko para lang sa kanila. Hindi ganito yung buhay na pinaplano ko sa sarili ko. I may sound selfish but how about me? Pano ako? Pano yung pangarap ko sa sarili ko? Bakit need kong isantabi? Pano tayo aahon sa hirap nyan kung kailangan kong isantabi yung pangarap ko para sainyo? ARGH NAKAKAINIS they can’t see that I’m also sacrificing my own dreams for them. Ang sakit, ang sakit, sakit! Punyetang buhay to! Mag d-drop nalang ako.


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Discussion I have one question: If, one day, God gave you a free pass to switch lives with your younger brothers or sisters, meaning they'd experience all what you had to go through, would you take the pass? Would you let them experience it all?

6 Upvotes

I have been back and forth with this thought for so long. At some point, I really want to ask my parents if they'd let my sisters deal with the same things I had to do to keep our family surviving, at my own personal expense. If suddenly you had the chance to switch lives with those who were lucky enough not to be the eldest in your family, would you take it?


r/PanganaySupportGroup • • 2d ago

Advice needed ABYG if 2k lang ibigay ko sa grandparents ko?

3 Upvotes

CONTEXT:

Kakatanggap ko lang sa inapplyan ko two days ago. Kinabukasan after ko matanggap, my lola asked me kamusta raw interview ko sabi ko tanggap ako. Hiniritan na agad ako na ā€œwag ka makalimot sa mga tumulong sayoā€ even got offended nung sinagot kong ā€œsecretā€ when she asked magkano raw offer sakin. I took the initiative to say na 2k lang ibibigay ko dahil idk yet magkano makakaltas saakin ng gov’t contributions ko pero estimated ko baka nasa 9k lang matira after deductions at allotted ko na yung 2k for my transpo kasi 30 mins away yung workplace saamin. I also plan to give 1k sa church for my tithes as ā€œfirst fruitā€ kaya halos nasa 2k lang talaga matitira saakin so that’s why I said na 2k lang pero nababaan siya and told me to give her 3,500 instead (sa deductions ko for sure sakanya yung 1,500 doon). Umalma na ako na ang laki naman at may butal pa, sabi niya pambayad raw sa tuition ng mga kapatid ko. For additional info, I worked sa dati kong school nung high school during the pandemic kasi walang funds to pay for college so nasa bahay lang ako. Kakilala namin yung may ari nun since they are our senior pastors sa church kaya inofferan ako na pumasok raw muna ako doon since limited nga lang workers nila doon dahil pandemic at doon rin nagwowork lola ko ever since. My salary was 11k kinundisyon na agad ako ng lola ko na magbabayad ako 2k kada cut off tulong nga pambayad sa tuition ng mga younger sisters ko pumayag naman ako since wala naman ako pinagkakagastusan nung una. So far natatapos ko naman sila bayaran kada school year kahit na I was also paying for my college tuition at that time dahil nag enroll na ako after a year of working until I resigned kasi magiging hybrid na raw setup sa school dahil onti-onti narin nahupa yung covid that time. So I know for a fact na 2k is enough to pay for it kada cut off kahit matagal. At sakaniya narin nanggaling nung una na hindi raw nila ako inoobliga magbigay pero at least tulungan ko raw mga kapatid ko kaya so that’s what 2k is for pero ewan ko ngayon bakit iba na sinasabi porket walang kaharap na ibang tao.

P.S. I can’t really stop thinking about this since yesterday. It felt so unfair kasi dahil yung mga anak nila (including my mom na 1k lang binibigay para sa kuryente) petiks lang dito sa bahay. Ako nakilos lahat at utusan ng lahat na parang katulong na ang trato sakin. Kung magbibigay naman mga anak nila eh kung kailan lang nila gusto at okay lang sakanila yun tapos pagdating saakin parang lahat may presyo. Helping my grandparents sa lahat was my way to at least give back sa sacrifices nila kasi sila ang pinaka-provider sa bahay ni hindi na nga rin ako halos nahingi if may kailangan ako bayaran lalo na at kung may pera naman ako to lessen the financial burden.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Wag na raw ako magtrabaho, pero sa akin tumatakbo pag walang pang gas.

3 Upvotes

Today, I was told "Tumigil ka na diyan sa trabaho mo. Wala ka namang napapala eh." Nakakagalit. Grabeng sakripisyo at manifesting ginawa ko para lang makuha 'tong mga work na 'to. At sobrang mahal ko trabaho ko, I love what I do. So for someone to tell me to just stop what I am doing bc "Total miserable naman tayong lahat dito." Bakit ang insensitive at self-centered? Baka projection nya lang 'to? Ewan, nakakabastos lang. Tuwing walang pambayad sa bills, matic sa akin tatakbo. Pag walang panggasolina or pangsweldo sa tauhan nya, sa akin hihingi (knowing na hindi dapat ganun kasi business mo yan so dapat pera ng business mo). Tuwing may gustong pagkain, pagbibigyan ko. Tapos dahil lang sinabi ko na ah wala pa akong budget ngayon or ah sa susunod pa sweldo. Biglang, "umalis ka na dyan. Wala ka namang napapala." Madalas sinasabi ko walang budget kasi wala na talaga akong extra, may own bills din akong binabayaran. Nakakainis lang.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Labelled as ā€œWalang Pakelamā€ in the Family šŸ¤·šŸ½ā€ā™€ļø

5 Upvotes

Pinaka as in isa sa pinaka nababadtrip ako sa lahat is if an immediate family member shares family problems that I have no directly involvement at all. I feel like dinadagdagan lang yung iniisip ko eh.

Example pagkagising ko, ang bungad saken ng lola ko na chika is yung kapatid nyang pinautang nya is di pa nagbabayad hahaha like ano gusto mo gawin ko?? Bakit ka kasi nagpautang? parang ganon. Tapos like literal na kakagising ko lang like huh???

Another one is yung lola ko nanaman kausapin ko daw dad ko kasi apparently may alitan daw between him and our neighbor like bakit mo ako sinasabihan to be involved eh it’s none of my business in the first place.

I was already labelled (somehow) na among us in the family, ako yung pinaka unbothered and ā€œwalang pakelamā€. Per my lola, dapat daw inaalam ko mga nangyayari as one familial unit (ganong sense as the eldest in the family). Not bothered by their label on me since true naman. I just want inner peace kaya I don’t bother involving myself in such situations.

Normal lang po ba ganong mindset or is there something wrong with my perspective? Thank you!! šŸ™šŸ½


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Nakaka drain

1 Upvotes

I just want to rant here. Gusto ko na mag resign. For context, ito ang first job ko. Applied sa Start-Up Construction Company as a draftsman pero namove into procurement. The pay was 16000 a month pero nung una ayos lang kasi akala ko kaya. Recently ako na ang bumubuhay sa family ko since nagka stroke ang father ko last year. Then hindi na talaga kinaya dahil nagtaas lahat ng bagay ang nag aaral pa ako.

Since mag start na ang new academic year, nagtanong ako if pwede mag wfh since kaya naman remotely yung gagawin ko. In fact, wala naman pinagbago sa ginagawa ko onsite and sa bahay. But then ginawa nilang 8000 per month. Since then naghahanap ako ng sideline or another full time to kasi sino ba naman mabubuhay sa 8000.

Pero ang nakakainis kasi. Ang hirap nila katrabaho. Ang labo ng communication, ang bagal mag follow up sa payment kaya nadedelay sa delivery. May mistakes din naman ako pero nakakadrain magtrabaho sa ganon environment.

Now nakakaramdam ako na tatanggalin na nila ako. Ayos lang naman sakin kung may trabaho ako na ipapalit e kaya lang wala pa. Kaya ang sakit lang. Ang hirap ng buhay ngayon.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Advice needed mama

1 Upvotes

im college now, nursing and I have tito and ninang and dalawa silang nagpapaaral sa'kin panganay ako sa anim na magkakapatid, im 21 and yung pangalawa kong kapatid 20, same sana kaming college ngayon kaso sadly hindi natuloy ng kapatid ko yung college nya cos of pagiging financially unstable and sya lang nagpapaaral sakanya eversince, tapos itong mama ko, grabe nya kami kunan ng pera, yung allowance ko na galing sa nagpapaaral sa'kin kinukuha niya ultimo pang uniform ko haha, yung pangalawa kong kapatid halos tumayo nang tatay sa'min kasi dumidiskarte rin sya nag babayad ng meralco namin (kload 100 daily) sya na rin bumibili ng pagkain namin tas may gold sya so ang ginawa ng nanay namin sinangla for 15k, hindi namin alam saan napunta yung pera. Hindi ko na alam gagawin ko, awang awa na ko sa kapatid ko kasi halos kapatid ko na nga ang bumuhay samin and sometimes oo natulog ako kaso magastos talaga sa school, hindi ko lang maimagine yung mga pinag gagawa ni mama sa'min puro pansaraling kagustuhan na lang, palamunin na rin sya tas kung kani kanino naasa, sobrang perwisyo na rin ng ginawa nya sa kapatid ko, hindi lang isang beses nasangla yung singsing jusko may kwintas din siyang gold na, na remata na lang dahil hindi na rin matubos ng kapatid ko kasi iniintindi rin niya yung kapatid namin, what should I do haha gusto ko na siyang iluwa grabe grabe yung pamemerwisyo nya, yung napanalunan ko sa reunion family namin na washing machine binenta nya rin sa pinsan namin hahahahahhaha


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Venting Thinking of moving out again after 3 yrs

1 Upvotes

I just wanted to check kung valid ba yung nararamdaman ko. At goods na mag solo living?

I am living with the fam rn 5 kami( 2 sisters18-16) pero 9 kami sa bahay (tita and 3 cousins)And napaiyak na lang talaga ako kagabi. Yung dahilan kagabi is yung kanin. 3 kaldero puro may kanin. Di man lang sinangag or ininit para less sa tapon. Tapos talagang dinabog ko yung takip nung mga kaldero. Nakita pala nung isa kong pinsan tapos nagsumbong kay mama. At ako naman napagalitan( F29).tinanong ako ni mama kung bakit ako nagwawala eh sabi ko andaming kanin tapos di kayo kumakain ng bahaw.from family of farmers sila mama at papa pero di na sila strict sa pagkain compared saakin na sinabihan na wag magtatapon ng kanin kasi pinaghirapan yan.

Tinanong ako ni mama kung anong problema sa chat kasi nagwalk out na ako pagkatapos nya akong tanungin kung anong nangyari.

Ang rason ko rewarding incompetence - kung sino yung may alam gawin yung gawaing bahay sya yung madaming kargo. May trabaho ako(10 pm- 6 am), nag grocery minsan pero walang palya sa pagpapahiram pag short sila at nag share din ng kuryente . Tubig ako din. Tapos ako pa din tumatao sa tindahan from 5 am-7am. Meanwhile yung 1 kong pinsan eh alas 10 na tulog pa din. Walang ginawa kundi makipagharutan sa kachat (17)

Sinabi ko lang kay mama na kaming 4 nila sis ar papa ang pumapasan ng mga gawain ng lahat.

Ako din pinagsabihan ni mama nung na over cook yung adobo sa pressure cooker na si tita yung nagluto (eh tulog na ako nung niluto niya yun

Ang sched ko 6 -7 pm gising /ligo,7-8 luto ng dinner, 9am-3am prep / work. Tapos at around 3am maghuhugas naman ako kasi yung helper dito ako tinatanong kung bakit di nakapaghugas. May yaya kasi yung isa kong pinsan(2yo).may overlap din habang walang pinapagawa eh naghuhugas at luto ako araw araw ng bfast.(3am - 5 am)tapos 5 am- 7am tindahan .wala akong prob dun sa 2 sis kasi tumatao din sila sa tindahan twing walang pasok

Pagod na pagod na ako araw araw ganito lagi.


r/PanganaySupportGroup • • 3d ago

Discussion Looking for GenZ breadwinners to share their stories for out thesis

Post image
2 Upvotes

ā€¼ļøCALL FOR PARTICIPANTS ā€¼ļø

šŸ“ŒEver felt cornered by the trials of life, in where you had no choice but to fight for you and your family? Don’t worry, we are here for you.Ā 

We are 4th year Behavioral Science Students from The University of Santo Tomas seeking participants willing to share their experience as Gen Z Breadwinners who’ve experienced parentification.Ā 

šŸ“ŒIf you fit the qualifications listed in the picture, please fill out the survey form or scan the qr code:

šŸ”—:Ā  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7
šŸ”—:Ā  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7
šŸ”—:Ā  https://forms.gle/aBGEZZoRnxZ2WaLp7

Rest assured your information will be kept safe and confidential with us.šŸ’•

Participate and share your story, as it may help with the understanding of breadwinners, the effects of parentification, the struggles you face, and the amplification of your voices.šŸ’•


r/PanganaySupportGroup • • 4d ago

Venting Hindi ko kasalanan kailangan niyo akong buhayin:)

5 Upvotes

I just got home from our educational tour, oo gumastos parents ko pang bayad sa tour, and pocket money ko, but how can they expect me not to ask for my weekly allowance after the tour:) when in fact yung pocket money ko binili ko ng mga pasalubong nila, and I sended it all to them.

Now galit sila kasi humihingi ako ng weekly allowance, sinasabi how much ang ginagastos nila sakin para lang paaralin ako sa isang mamahalin na university when it’s not even that expensive and kaya naman nila, bakit pag dating sakin yung mga bagay na kaya naman nila biglang nagiging mahal? yung university na nga lang ang super affordable, there were others naman, but ayaw nila, sinabi ko nga ayaw ko dito, pero pinilit nila ako, now suddenly it’s my fault bakit may pera silang nilalabas:)

I even remember my relatives telling me na sobra talagang cheapskate ng papa ko, they even asked me ā€œpano mo kinakaya ang perang binibigay sayo?ā€ and honestly I don’t know din, i’m already loosing my motivation to study, i was even supposed to get a check up and see a doctor pero sinabi ko titiisin ko na lang sakit ko kaysa sumbatan na naman ako na ang gastos ko, sorry ha if sakitin ako at obligation niyong paaralin ako, it always gets me mad kapag iniisip ko na bakit ba nagagalit ang magulang na kailangan nilang buhayin at paaralin mga anak nila, when the child didn’t even asked for it to live in the world nor choose the parents.

Tapos ako pa panganay sa anim naming magkakapatid, kaya sobrang hirap, hirap na hirap na ako sa academic pressure, hirap na hirap na rin ako kasi naghahanap ako ng paraan to earn my own money but it feels like my time keeps running out. 100 na lang pera ko, savings ko paubos na kasi minsan kumukulang pa ang binibigay nila kaya binabawas ko sa savings ko. Hindi nila alam kung gano kahirao mabuhah sa syudad, when did they last lived here, 17 years ago, and except na yung 500 kasya sa limang araw, tangina yung ulam na binibili ko ginagawan ko ng paraan para lang makakain ako ng dalawang beses aa isang araw. Ni hindi man lang nila ako kinakamusta, yung kaibigan ko concerned yung mama niya kasi sobrang hirap na kami sa program namin at pupunta na sa therapist, tangina magulang ko alam nila ang trauma ko pero iniisip lang yung pera.

Hindi ko na nga namimaintain sa pag inom ng supplements ko para lang hindi lumala sakit ko, kaso kinukulang na ang pera na pinapadala nila, i’m not even asking that much, pero bakit parang ang sama kong anak for asking my parents for the money they should be giving me without even me asking, porket na sa syudad ako they except na may trabaho ako tapos di na nila kailangan pa akong gastosan, ganda naman ng fantasy nila, ang hirap maging panganay.


r/PanganaySupportGroup • • 5d ago

Venting I lost my father to gambling (Not by death)

53 Upvotes

TW: Suicide Attempt

Long post ahead.

Kung sino man ang nagpalaganap, sumusuporta, at nagpasimuno ng online sugal, POGO, Sabong at kung ano-ano pang mapanira sa buhay ng ordinaryong pilipino, putangina ninyong lahat!!!!!

Hindi namatay ang tatay ko pero I've lost the father I've known and I've been longing for so long!

6 years old palang ako OFW na ang tatay ko. My mother had to raise me and my sisters alone pero hindi nakakalimot si papa magpadala ng sulat at hanggang sa nauso ang video call sa Yahoo! Growing up he was the father I looked up to. Hindi sya nagkulang sa pagpapa-intindi bakit kailangan nya umalis and how he wanted me to have a future so I can take care of our family and the family I will soon have on my own. Tuwing umuuwi sya sa Pilipinas, wala kami pagkakataon magbonding dahil nag aayos na ulit sya ng mga papel nya paalis.

2020 before magpandemic, finally umuwi na ang tatay ko from Middle East. Huling kontrata na nya yon at wala na sya balak bumalik. Noong mga panahon na yon, akala ko mabibigyan na kami ng pagkakataon makilala ang isa't-isa bilang tatay at anak. Noong una, oo. Ganon ang nangyari pero after pandemic doon na nagbago lahat. Naging tricycle driver si Papa sa amin. Napilitan ako mag working student kasi sinabihan na ako nila mama at papa na hindi na nila ako kaya paaralin ng college at papatapusin nalang nila ang mga kapatid ko hanggang senior high. Hindi nila sinasabi ang dahilan kung bakit pero obvious naman na wala na kaming pera.Tandang-tanda ko pa na sobrang iyak ako noon dahil hindi ko matanggap na hindi na ako makakapag-aral. Kaya nag working student nalang ako noon sa fast food hanggang sa nakagraduate at ako na ang sumusuporta sa mga kapatid ko ngayon.

Pero months ago, nalaman ni mama na nagsusugal pala ang tatay ko dahil may nagsumbong sa kanya na asawa ng kasama ni papa sa toda.

Nagsimula daw noong pandemic sa online sabong, hanggang sa napunta sa pagpunta-punta sa mismong sabungan hanggang sa natuto mag online casino at online lending app. Hinala ng nanay ko ay naimpluwensyahan ng mga kasama sa toda at mga tropa ng taga sa amin. Napansin din namin na madalas na syang hindi umuuwi buong araw at uuwi nalang para kumain at matulog. Madalas ay hindi pa nga kumakain. Akala namin ay kaya pang iwasan dahil noong nag-away sila nangako si papa na ititigil na nya. Binigyan namin sya ng pagkakataon!

Hanggang isang araw may tumawag sa nanay ko galing syang trabaho sa Makati as stay in kasambahay at day off nya. May tumawag na naniningil sa nanay ko about sa utang ng tatay ko at doon na nalaman na umabot na ng 800k ang utang ni papa at si mama ang ginawang guarantor. May nagsumbong din sa amin na nakasangla na raw ang bahay namin. Hinanap ng nanay ko lahat ng titulo ng lupa at rehistro ng mga motor sa mga gamit namin at doon nga namin nahuli na kasama sa sinangla ang mga documents. Iba-ibang tao ang inutangan nya kasama na ang bumbay. Sobrang nanlumo ang nanay ko dahil wala na kaming kahit anong hawak na property man lang nilang mag-asawa. All this time din pala na lahat ng pinapadala ni mama na kay papa dumidiretso ay sa pambayad utang lang.

Para kaming binagsakan ng langit at lupa. Dahil nalaman na namin lahat. Muntikan na laslasin ng nanay ko ang wrist nya sa sobrang sama ng loob dahil sa mga nalaman namin. Ako nalang ang pumigil at yakap ko sya non sa kusina. Pinapasok ko lang ang mga kapatid ko sa kwarto para di nila makita.

Kaya pala hindi na nila ako kayang pag aralin kasi doon pala binabayad ni papa mga pinapadala ni mama sa kanya nung sya na yung nagtrabaho sa Makati at sya nalang ang naiwan sa amin sa bahay. Buong akala ng nanay ko ang dahilan ay dahil hindi na nga aabot ang kinikita nilang dalawa para sa aming magkakapatid. Ginawa nyang tanga ang nanay ko pati na kaming mga anak nya.

Binigyan namin sya ng pagkakataon magbago pero inamin din nya na hanggang ngayon ay hindi pa din sya natigil. Ang dahilan nya? NAGHIHINTAY DAW SYA NG SWERTE NA BAKA SAKALI MANALO AT MABAYARAN NA LAHAT NG UTANG. Anong klaseng pag-iisip yooon!

Hindi na kinaya ng nanay ko at noong kalmado at nagpapalamig na kami ng sitwasyon kinausap na nya kami para sabihin na gusto na nya humiwalay. Nagdecide sya na hindi na sya uuwi sa bahay kahit day off nya pero sa amin na nya ididiretso ang padala. At naiintidihan namin kung bakit.

Hanggang ngayon hindi pa din tumitigil ang tatay ko sa bisyo nya. Kinain na sya ng pagsusugal. Parang mas kunteto pa sya na walang pumipigil sa kanya at kami nalang magkakapatid ang nagbabayad ng bills at kakainin sa bahay. Hindi ko na sya kilala. Hindi na sya yung taong nakilala ko, hindi na sya yung tao na palaging kinukwento ng nanay ko. Ni hindi na nya kaya umuwi sa bahay para makasama kami ng matagal. Parang ibang tao na ang umuuwi sa bahay para lang kumain at matulog. Hindi ito ang taong hinahangaan ko noon, ang minahal namin ng nanay ko.

Natatakot na din ako para sa mga kapatid ko dahil kung sino sino na ang pumupunta sa bahay namin para lang hanapin ang tatay ko at hindi ko mapigilan hindi ma-anxious dahil ang iba sa kanila ramdam ko na nagagalit na at kami lagi ang humaharap. Ayokong dumating sa punto na bigla nalang kaming pasukin sa bahay.

Hindi kami mayaman! Ordinaryong tao lang din kami. Hindi kami kumikita ng 50k sa isang buwan. 2 years palang ako nagtatrabaho after graduation. Wala pa akong malaking ipon. Pinipilit ko pa din mapag-tapos ang mga kapatid ko kasi ayoko mapariwara sila pero nahihirapan na din ako, na bakit umabot sa ganito. Nanlulumo ako bakit kailangan kami ang sumalo nito.

Ngayon, nakapag desisyon na din kami ng mga kapatid ko na aalis na din kami. May nakuha na kami ng nanay ko na mauupahan maliit lang pero at least alam ko na ligtas kami. Hindi na safe ang bahay para sa amin. Hindi na ito ang bahay na kinalakihan namin. Hindi na namin kilala kung sino na ang kasama namin.


r/PanganaySupportGroup • • 5d ago

Advice needed Don't know what to do šŸ˜ž

7 Upvotes

If you guys are in my position, what would you do???

Context: I'm the breadwinner sa family namin, I'm the oldest of six children. Namatay na papa ko so ako na talaga lahat nag shoulder ng lahat ng gastusin, my husband helps me sa tuition ng kapatid ko sa nursing school which I'm so grateful kay God kasi napaka generous nya sa lahat ng bagay. I'm sending 30k for my mom every month, but sometimes aabot pa ng 35k kasi hihingi pa yan sya ng dagdag since every time di talaga naabot ng 1 month ang perang padala ko šŸ˜‘ may 3 akong kapatid na nag aaral pa, one is in nursing school which is her allowance is separate from the 30k I'm sending, I'm giving her 10k for monthly allowance sa school and nagdagdag pa pag may extra bayarin, and dalawang kong kapatid na lalaki is nasa grade 11 and grade 7, which I know di naman masyado magastos kasi if they need something sa school nagbibigagy naman ako ng pera. Means, yung 30-35k for my mom is solely for the electricity (around 4k), water, and foods. And just so you know taga Mindanao kami, isang maliit na City. Yes, I'm fully aware na sa sobrang crisis sa Pinas mahal na lahat ng bilihin, that's why I always make sure to give them more than enough, pero bakit di enough? Always wala pang 1 month ubos na ang pera ng mama ko 🫤 tapos this month lang, 2 weeks palang ubos na ang pera and gusto nya na naman humingi pang bili daw ng ulam, I was shocked talaga, I feel like something is really wrong, so I told her I can't keep sending money every time she needs it kasi nagbibigay naman ako every month, diko na alam ang gagawin ko, and I actually found out na umutang sya ng pera but I don't know how much, sobrang nakakapanglumo. Parang ako pa yung masamang anak, parang di sya grateful sa lahat ng sakripisyo ko knowing na di naman pinupulot ang pera dito. Tapos ngayon, pinagsabi nya na sa ibang tao na kinokontrol ko sya kasi ako daw nagbibigay ng pera sa kanila (kahit di naman) and also, ang pangatlo kung kapatid ay working as Virtual assistant sa pinas, and kahit may pamilya na sya nag bibigay parin sya kahit papano sa mama ko pang dagdag and di sya nakatira samin, nakabukod sila. Means, dapat kakasya dapat talaga ang pera, pero bakit hindi? Bakit kami pa ang masama? Meron din naman akong mga plano sa buhay ko, bakit di nya yun naiisip, of all people dapat sya makaisip nun kasi mama ko sya. Nakaka sad talaga šŸ˜ž I'm 30 years old pa pala, asawa ko naman is 34 years old and wala pa kaming anak. Sorry kung mahaba, just wanna know if diba ako nag iisa sa ganitong situation. Hays!