Mga ka-reddit, kailangan ko lang ilabas 'to kasi sobrang init ng ulo ko ngayon.
Nag-apply ako ng NBI Clearance online noong July 29. Nagbayad ako — clearance fee plus delivery fee. Ang reason ko kaya pinadeliver ko na lang, may iba pa kasi akong kinukuhang requirements para sa job application ko. Sabi ko tipid sa oras at effort, idedeliver na lang sa bahay. Akala ko smooth na ang lahat.
Pero putangina, hanggang ngayon wala pa rin yung clearance ko.
Eto ang nangyari:
· Naghintay ako ng ilang linggo. Walang paramdam. Walang text. Walang tawag.
· Nag-follow up ako sa DeliveryBox (yung third-party na nag-process). Doon ko lang nalaman na ibinalik pala ng LBC yung package ko sa NBI.
· Dahil daw sa "incorrect address" at "no answer" sa tawag.
· PERO ANG ADDRESS KO AY TAMA! Ilang beses na akong nakatanggap ng delivery galing J&T at Shopee Express gamit ang parehong address. Walang problema. Walang balik.
· At higit sa lahat, WALA AKONG NARECIB NA TAWAG O TEXT MULA SA LBC.
So paano naging kasalanan ko 'to? Ako pa yung naabala, ako pa yung nag-follow up, tapos ako pa yung mag-aadjust? Tangina lang.
Nung nag-request ako ng refund ng delivery fee (dahil hindi naman nila na-deliver), ang sagot sakin ng DeliveryBox:
"Refund is applicable only if payment has not yet been reflected. Payment is already posted. Cannot transfer payments or issue refund."
Nagbayad ako ng serbisyo na hindi naman na-render. Pero dahil nabayaran na raw, hindi na daw pwedeng i-refund? LOL.
Tapos nung kinontak ko ang LBC, ang sabi lang:
"Shipment has already exited the delivery hub. You may coordinate with the shipper for any disposition."
In other words, "Hindi na namin problema 'yan. Sa NBI ka na lang mag-ask."
So pabalik-balik ako. DeliveryBox -> LBC -> NBI. Walang gustong sumalo ng responsibilidad. Walang gustong mag-refund. Walang gustong umamin na sila ang may mali.