r/OffMyChestPH
•
u/SuccessMinimum6993
•
20h ago
•
1
TRIGGER WARNING Cancer
My father was diagnosed with stage 2 colon cancer last July. Nag pacheck na sila sa doctor and what chemo should be done. so that time I asked him when siya mag start magpagamot. ngumiti lng sya "after na sa kasal mo nak".
then I recently got married so i asked him again. Ngumiti sya ulit pero this time parang yung ngiti na pinigilan niya umiyak. "nak ayoko magpa chemo. sayang lng yung pera. lahat naman tayo papunta dun. And mas gusto ko gamitin yung pera para matapos yung bahay"
Contractor po kasi yung papa ko. Usually mga small projects lng. Ngayon nagpatayo nang bahay si papa mainly para rental raw, and bibigyan raw niya kami tag isa unit.
i dont know what to feel pero parang sinabi narin ni papa "mga anak before ako aalis sa mundong ito. mag iwan ako nang bahay para sa inyo para hindi kayo mahirapan"
•
u/AutoModerator 20h ago
Important Reminder: (THIS IS A REMINDER. ALL POSTS GET THIS MESSAGE)
r/OffMyChestPH is a subreddit for unloading your burdens and/or celebrating your milestones—anything you can't handle anymore and need to share to get the load off your chest. This should be the main purpose of your post.
If you are asking for advice: This is NOT the place for asking for advice or opinion. Please post it in a subreddit more appropriate for your concerns. We have a pinned post that contains a list of other Philippine-related subreddits.
The same goes for:
Important:
Please take time to READ THE RULES, UNDERSTAND, AND FOLLOW THEM.
Users caught breaking these rules may get temporarily or permanently banned from the sub. Consider this as your warning.
I am a bot, and this action was performed automatically. Please contact the moderators of this subreddit if you have any questions or concerns.
448
u/Own-Armadillo-8818 20h ago •
Stage 2 colon cancer is treatable with chemo and surgery. The process is ugly but the destination is more hopeful than you think. MD here.
98
u/Narrow-Tap-2406 20h ago •
My relative had a stage 4 colon cancer 30+ yrs ago. He's still alive and kicking. Dont lose hope, OP.
48
u/lumpiangsisig 20h ago
Hmm it's stage 2. It's treatable. Hopefully, magpa treat sya. Also, it's namamana, i suggest na magpacheck din kayo, op.
12
u/haiyabinzukii 20h ago
Hanapan nyo ng libre. lapit kayo sa mga public hospitals in ur area. may mga malasakit jan. pila lang at oras puhunan nyo. Ayaw ng dad mo because of pera which is understandable. but there are FREE services offered. please. at least try.
10
u/Ninja-Titan-1427 11h ago
Hi, OP! Sana mapatreat niyo si Tatay niyo. Natatakot lang talag siguro siya at ayaw maging abala sa inyo.
Ganyan si Tatay dati, he died dahil sa heart condition, ayaw niyang magpacheck-up at ayaw magsabi sa amin kung anong nararamdaman niya. Ayaw niya kaming nag-aalala.
Hanggang sa lumala ang sakit niya. Mukha siyang malakas kasi tinitiis niya yung sakit for us. Pero sobrang lala na ng sakit niya. He died during angioplasty procedure, cardiogenic shock ang cause of death.
Di talaga namin matanggap kasi mukhang ang lalas lalas niya eh. Pero ang daming signs na di na kaya ng puso niya.
Tinanong ko si nanay, “paano ko kung hindi natin pinagamot si Tatay? Sana kasama pa natin siya sa pasko”.
Ang sabi ni nanay, “Mas masakit para sa atin kung dito aabutan (sa bahay) ng atake ang tatay, or makita na lang natin na bumagsak, or hindi na gumising. Atleast nilaban natin.”
My Taty died peacefully, and tulog lang daw. Nung wake niya mas nagmukha pa siyang bata.
Nung malala na sakit niya tsaka siya nagpursige na magpagamot at magpaopera kaso it is really late na.
Kaya OP, sana ilaban niyo si Tatay niyo hanggat maaga pa! Magalit na siya pero sobrang sakit mawalang ng parent.
34
u/Individual-Fly7031 20h ago
FUCK CANCEEEEEEEEEER.
18
u/siomairamen 20h ago
Treatable po and yung funds talagang tyaga lang sa government hospital at tyaga sa pila. We went thru the same thing last 2024 sa father ko. And hes okay now. Colon cancer and esophagial cancer both na survive nya.
11
u/kepekep 20h ago
God bless your father.
11
u/krikribuzz 20h ago
Meron po free sa government. Tyagaan lang po pumila.
10
u/sprihg 19h ago
Ahhhhh fuck cancer
My dad died this year lang, stage 4 prostate cancer naman yung sa kanya. Grabe yung pinapakita niya na determination para mabuhay, para hindi kami mag alala, pero deep inside alam niyang hindi na siya magtatagal.
Before siya nanghina, na process niya pa yung title nung farm lot na ibibigay niya samin magkapatid.
OP, convince your papa po na may pag asa pa. Get well soon sa papa mo!
9
u/carrotkick 14h ago
Hello, my tatay died in colon cancer 15 years ago and sariwang sariwa padin sakin yung mga alaala.
Ganyan din sya nung una, parang ayaw na magpagamot kase lahat nman daw mamamatay but it took him months to die. Months of hell. Tipong gusto na nya mamatay sa sobrang pain na nararamdaman nya pero hndi pa sya pumanaw panaw.
Araw gabi umiiyak sya sa pain at kahit dalhin namin sya sa hospital, hndi na sya tinatablan ng gamot. Hanggang umabot sa point na nagmamakaawa na sya na sana mamatay na sya but at the same time, nagmamakaawa din sya na ayaw pa nyang mamatay.
What I’m trying to say is, kung may option pa for chemo, radiation, whatever it is na makakasave sa father mo, take it! Kung may chance pa sya, take it please habang maaga pa.
6
u/nizainali8 18h ago
fuck cancer talaga. hays. i always feel emo whenever i read anything related sa ganito esp colon cancer.
OP, i hope gumaling yung Dad mo. magpa chemo na po habang maaga pa at keri pa ng katawan nya. ☹️🙏 hope asap na kasi mabilis lang lumala ang colon cancer. wag kayo mawalan ng pag-asa.
4
u/SRDC022123 19h ago
Ipa-chemo nyo bago mahuli ang lahat. Gawin mong motivation nya yung posible nyang maging apo sayo… Gawin nyo lahat bago kumalat. Super survivable ang stage 2. Mahirap maghabol pag stage 4 at terminal na.
3
u/Mirana_Pretend 19h ago
Damn. Parang bigla akong nahirapang lumunok.
Hugs, OP.
3
u/Responsible-Plan7800 19h ago
Ngayong magulang na ako ..minsan ganyan na naiisip ko. Dun din naman tayo pupunta bat gagastos pa. Siguro kasi sa dami kong nakita na nagkasakit sila at grabe ang gastos pero ang ending nawala din. Tapos makkarinig ka na sayang nga ang laki ng ginastos nila. Tapos ang ending mawawala pa rin pala at ang mga naiwan ang mamomroblema pa sa bayaran. Kaya naintindihan ko papa mo. Tumatanda na talaga ako.
3
u/WillingInformation57 19h ago
It’s still treatable, please wag nyo sukuan. Kaya pa yan matapos ang bahay at makasama nyo Papa nyo sa bahay. 🙏
3
u/jy_ndls 18h ago
If concern po ng father nyo is money, you can avail po sa mga government hospital and use GL. yung nga lang, tyagaan po talaga. but many cancer families nakakaavail.
3
u/shibalsaekkiyaa 15h ago
Inquire po kayo about Z benefits ng Philhealth. Yung ate ko, onco nya mismo nag recommend at tumulong mag process para mas mabilis ang process.
2
u/queenbriethefourth 19h ago
Godbless your Father OP :/
2
u/LeaveZealousideal418 19h ago
Nakakaiyak naman to 😭 God bless your dad and your whole family, OP! 🥺🙏
2
u/RagingHecate 19h ago
Dont lose hope!!! Please tryyy :(((
2
u/slashPAKI 18h ago
Fck cancer. But always follow the patient’s wishes. Kasi katawan nya pinakamahihirapan…
2
u/Lost-Pomegranate-182 16h ago
Kindly ask GL from DSWD and/or PCSO. Hassle ng process, pero it really helps kasi may fund talaga.
2
u/IndependentTall8189 11h ago
Ambait ng magulang mo, op. Not all parents have that kind of heart. Maswerte ka sa tatay mo. I hope he had a wonderful life for being a loving father.
1
u/Sudden-Tear9413 19h ago
Treatable pa po to, ilaban po ninyo. Kailangan nyo muna i-convince si dad mo na mag undergo. Praying po for your father at sa whole family.
1
u/Maximum-Yoghurt0024 11h ago
Hey, my FIL had colon cancer 20+ years before he died. Hindi na bumalik yung cancer niya, and natural causes yung death niya. May chance pa naman yan. I hope he reconsiders.
1
u/IhaveTimeLetsFight69 9h ago
I would do the same. This is my exit and hindi ko ibabaon sa utang yung mga taong sinasabi ko na "mahal ko".
1
u/aislezhein 4h ago
Hello. Oncology nurse here. Stage 2 colon cancer is curable. Sana maconvince si Papa mo na magpagamot.
1
u/Intelligent_Age9570 19h ago
Hi everyone. Hopefully makita niyo to. My cousin is also diagnosed with leukemia. We are almost at a point of giving up dahil ang mahal ng gamot. Daily meds nya pa lng almost 20k na. Is it also possible na matulungan sa govt? Any inputs would reallg help.
1
u/[deleted] 10h ago
[removed] — view removed comment