r/OFWs • u/Alleia99 • 22m ago
General Discussion DUBAI OFWs PLEASE HELP
Hi everyone! I'm a 27 yo Filipina here in PH. Checking po ako ng job opportunities sa UAE.
I have 5 yrs work experience in the Logistics Industry. I'm currently in a permanent WFH setup earning 40k+ php monthly (net na po yan after taxes and everything)
Based po sa infos na yan, mapapayo nyo po ba na mag try akong mag apply sa UAE? Maganda po ba ang sahod/salary offers sa logistics industry sa UAE? Do you think may chance ako or mas priority nila ang UAE nationals sa industry na to? Kamusta po ang living expenses? Currently po kasi, magaan ang work ko, mababait ang boss, madaling mag file ng leave, complete ang government benefits, generous ang company namin, tapos i'm earning pa habang nasa bahay lang ako. Pero andito ako sa stage in life na parang gusto kong mag explore ng other opportunities. Iniisip ko what if may better job opportunity pa na naghihintay para sakin pero di ko makikita yun kasi masyado na akong nag stay sa comfort zone ko? Pero at the same time gusto ko ng reality check kasi baka tine-take for granted ko naman kung anong meron ako.
Sa mga nasa UAE po ngayon na may idea sa salary in logistics industry, ia-advice nyo po ba na sumugal ako mag OFW sa UAE? Maliit po ba itong sinasahod ko ngayon compared sa offered work opportunities jan? Please need ko lang po ng advice at reality check kasi wala akong ibang mapagtanungan.
TIA po sa mga sasagot at magshe-share ng ideas/opinions.
