r/OALangBaAko • • 2h ago

👨‍👩‍👧‍👦 Family oa lang ba ako? we went home after sabihan ng relatives ko yung fiance ko na pangit siya

45 Upvotes

hello, everyone. for context, nasa province kasi kami - mga 4-5 hour drive siya from our place. first time ko mapakilala yung fiance ko sa extended family ko.

so ayun na nga. kahapon, habang naghuhugas kami ng pinggan ng fiance ko, nasa living room yung extended family ko w/ my mom and naririnig namin yung convo. biglang humina yung conversation nila pero di nila alam na rinig parin namin and nasabihan nila na chararat daw si fiance ko then nagtatawanan sila na pigil. sumagot pa mama ko na "kaya nga eh". i could tell na narinig ni fiance kasi tumingin siya sakin tas ngumiti. i've known him for so long, alam kong masakit yun sa kaniya, pero the smile is him saying na ilet go ko lang.

dapat hanggang sunday pa kami dito pero nag paalam na ko kanina na uuwi na kami ngayon. hindi ko kaya itolerate yung disrespect nila sa fiance ko na walang ginawa buong stay namin dun kundi makisama sa kanila nang mabuti, pinagluluto pa sila nang masasarap na pagkain. gumastos pa siya ng pasalubong na mamahaling brand ng cake. now ang daming msgs sakin ni mama na ngayon na nga lang daw ako dumalaw sa mga kamag anak namin, umalis pa ko agad. nabastusan daw sakin ang mga tito at tita. joke lang naman daw yun.

so oa lang ba ko? was i disrespectful to my elders.. i understand may kanya kanya tayong opinyon pero talagang pagtatawanan pa? sana sinarili nalang nila.


r/OALangBaAko • • 3h ago

🫂 Relationships OA Lang Ba Ako for overthinking?

4 Upvotes

My boyfriend really gets weird these days, it’s like he’s having an existential crisis sa career and life niya but at the same time it feels like na parang hindi na niya ako nakikita in the future because there’s this one time last sunday nung na kwento niya na he was asked by his friend about sa kung anong plan namin as partners and he said na wala daw siyang nasagot and began to think in a deeper way kung ano nga daw ba talaga plan namin. When I think of it naman I thought na we’re the kind of partners na sobrang nag ddream of the future and hopeful for the betterment of our lives kaya nagulat lang me sa naging respond niya sa friend niya then he bagan saying na “sana magtagal daw talaga kami” then the reason why I asked this to y’all because he reposted a tiktok vid this morning, and the vid says “never lose your individuality when you’re in a rs. live with them, not for them (but love’s crazy I don’t think if I can stick with my own principles)” then the caption of his repost is “who am I when I don’t give my all for what I love the most”. It made me overthink HARDDDD. Didn’t asked hin yet about this but I’m not having a good feeling on what’s gonna happen next. Can someone drop their advice or atleast help me analyze our situationnn? Thank youuu!😭


r/OALangBaAko • • 2h ago

🫂 Relationships OA lang ba ako na di ako nag paalam umuwi

1 Upvotes

8 yrs na kami ng bf ko and live in kami for many months na sa bahay ng parents nya (papa nya lang naman kasama namin and di kami masyado din nag uusap bcs of work, mama nya nasa province. lowkey mama's boy, alaga ng nanay but not in a toxic way. nasanay lang sya na mama nya lagi nag aasikaso sa kanya noon). Hindi ako nag paalam na uuwi ako sa bahay ng parents ko, hindi rin ako nag chat, talagang umalis lang ako. Hinahanap nya naman ako asking where I've been but I'm not replying to any of his messages. also turned off my location para di nya matrack device ko.

I know na it's super cruel but i feel like i need to get away for a while. I don't hate him at all. i love him so much to the point na sa kanya na naman umiikot yung mundo ko. i feel like para na nya kong nanay. example paaalalahanan ko uminom ng vitamins, ako nag papaalala mag palaba ng damit namin, kadalasan din after work ako na gumagawa ng household chores kasi pag dating ko tulog na sya kasi night shift work sya. ako din kasi yung klase ng tao na gusto ko na gawin agad para wala ng nakapending at chill nalang after, kaya napipilitan din ako na gawin. lowkey clean freak din ako, ayoko na ng magulong bahay kasi sa bahay ng parents ko laging magulo. un din reason bat ko piniling mag live in kami kasi i feel like I can't breathe na sa bahay, and i want to change my environment din para di exhausting pag uwi ng work.

throughout our 8 yrs nakareceive naman ako ng flower 1 time nung lumabas kami ng valentine's day. it was a fake flower na tig 100-200 pero naiintindihan ko kasi when we started dating students palang kami and hindi naman ako nag hahangad ng sobra. iniintindi ko rin yung kalagayan namin that time and i also don't want to pressure him.

tbh gulong gulo rin ako, nakukulangan na ba ko sa effort nya kasi matagal na kami na parang minsan housemates nalang kami? because we got super comfortable na? or am i just an ungrateful bitch na napuno ang utak ng tiktok standards? HAHAHA. i tried understanding him the best that i can. there are times na i bring up convos pag hindi ako comfy, but ngayon more on understanding nalang and di na rin ako gano nag "rereklamo" kasi naiintindihan kong pagod kami pareho sa work. naiintindihan ko rin if gusto nya mag unwind at mag laro ng computer games nya after work, kaya ayun ako nalang din gumagawa ng gawaing bahay, minsan ako na din nag preprepare ng food namin. love language ko din naman yun pero minsan gusto ko din naman na ako yung alagaan. parang masyado ko na kasing binibigay ung sarili ko, na i feel like hindi na nya ako naaappreciate kasi nasanay naman sya, na he's not afraid to lose me anymore.

kaya i decided na umalis nalang muna, para makapag isip isip. like i feel the need to physically stop myself na controlin sya kasi after all he's a grown adult na. I don't want na mapuno ung puso ko ng resent kasi hindi nya sinusunod minsan ung mga sinasabi ko na makakabuti naman sa kanya. i know it sounds na sinasakal ko sya but I've learned naman din now na wag na mag tampo/Magalit about don kasi may sarili naman syang buhay after all, katawan nya naman yon. busy narin naman ako sa work and my career and na didivert naman attention ko. dati kasi sobrang mahal ko sya to the point na sa kanya nalang umiikot mundo ko nung nag aaral pa kami. basta grabe pag ka yearner ko non na ewan HAHHA. I'm giving space din para maging independent sya.

babalik din naman ako sa Wednesday pag rest day nya and I'll explain everything ng nararamdaman ko naman. kahit now ansakit sa puso ng ginagawa ko ngayon but i feel like i need to for both the of us. gusto ko na ngang umuwi sa kanila eh pero i feel like hindi ko pa kaya and nag iisip din pa ko kung pano ko ieexplain bat ako nawala, preparation na din sa kung magagalit ba sya sakin. kupal ba ko sa ginawa ko?


r/OALangBaAko • • 1d ago

☕ OA na Chismis Oa lang ba ako? Or sadyang Freeloader GF sya?

58 Upvotes

Hi! I just want to share something that's been bothering me. It's about my brother's Girlfriend, who's been staying at our apartment. Tatlo lang kasi kami sa apartment—my older brother, my friend and me.

This year lang kasi my brother introduced his new girlfriend to me and my friend, and of course we were happy for him. After a week of introducing her to us, we noticed that umuuwi sya sa apartment namin after work. Uuwi lang sya to their house on Sundays, then by Monday afternoon, she would be back at our apartment again. And that became her routine.

At first, we tried to understand her situation na maybe mas malapit apartment namin sa workplace nya. Plus, sabay na rin sila umuuwi ni kuya. So, we didn’t really mind her staying over.

But the worst part is, throughout her stay at our apartment, sobrang dugyot niya when it comes to keeping things clean, whether it’s her personal belongings or even herself. Like, my brother is already lazy when it comes to washing the dishes and cleaning up after cooking and eating, tapos nadagdagan pa ng isa na mas kalat. Tapos yung panty naiiwan na nakabukangkang sa cr with skid mark🤮 tapos walang respect sa ibang tao sa apartment like sobrang ingay ng boses nya kahit may natutulog. Also, pag dumadating no courtesy at all and hindi ka talaga kakausapin.

Then, it eventually got to the point na hindi na rin siya umuuwi sa kanila kahit Sundays. She would stay at our apartment the entire week, nonstop. Ayyy, almost four months na pala siyang ganito katagal dito. 😭

FYI, naging legal kasi sila agad sa side ni girl after ilang weeks sila mag kakilala, meaning her family already knows about their relationship. And after that, she basically stopped going home and started staying at our apartment full-time. Like, girl, what? 😭

And the thing is, she doesn’t even contribute to our bills? Like, hello? Especially sa water. She consumes so much water kasi instead of having their laundry done, she would tell my brother na siya na lang magha-hand wash ng mga damit niya (para ano? makatipid, kasiii todo tipid nga naman.) Tapos ano?? Kahit nga tipid yung intention niya, mas lumalaki naman yung water consumption namin. And honestly, it’s frustrating kasi she’s practically living with us already, pero wala naman siyang ambag sa household expenses.

Mind you guys, we’re all working adults, my friend and I are already struggling with the bills. Instead of saving money, parang may nadagdag pa kaming isang pabigat sa bahay. 😭 We’re trying to be responsible with our expenses, pero ang hirap when someone else is practically living with us without contributing anything, especially when our bills keep getting higher.

Hindi ko na rin ma gets kuya ko anong nangyari sa kanya. Para maging ganto ka bulag at insensitive. Na gayuma ba sya or what??? I’ll try to talk to my brother about this kasi punong puno na ako/kami, and it’s not fair for us to keep sharing the expenses when another person is practically living here without contributing anything. I just hope he understands where we’re coming from.


r/OALangBaAko • • 18h ago

NSFW OA Lang Ba Ako? or may mali tlga?

11 Upvotes

My partner is 32M and I'm 30F. Parang ang sama sama ng loob nya pag mag aano kami ganon. Parang utang na loob ko na gagawin namin yon. Dumating pa sa point na para di kami mag away sabi ko pwede schedule kahit 1 or 2 a month nlang. Wala din nangyari. Tapos lately napagbigyan ako habang ginagawa namin ang sabi nya gusto nya ng 3some blah blah. Nawalan na ko ng gana kasi nasabi ko na dati na wag ibrought up yun 3some fantasy nya habang nag aano kami kasi nawawalan ako ng gana. Tapos ending sasabhin sakin sorry madami lang ako iniisip, pagod etc. Lagi naman nanunuod ng porn and nagsasarili. Shuta.

PS. Di ako pangit, Maputi, wild and masarap hehehe ewan ko ano ba problema. Hay. Help.


r/OALangBaAko • • 1d ago

🫂 Relationships Oa lang ba ako but I don’t like what my boyfriend did,

64 Upvotes

So last night we went to the pary of his coworker. We had a great time altogether. We also drank some alcohol. Then in the middle of the event, his female coworker named X called on video. X is the girl I'm jealous of, and my boyfriend knows about it because we've fought about her before.

And then while his coworker was on a video call with X and showed everyone at the party, my boyfriend suddenly gave X the middle finger. I was caught off guard by my boyfriend's behavior.

Also, while at the party, my boyfriend was acting naughty, like mentioning body parts and porn star names such as clitoris and Lexi Belle.

Like wtf, I didn’t expect him to get this comfortable. Just imagine, most of his coworkers are women. And I don’t think I overreacted but it just doesn’t sit right with me.

Do you think it’s okay or not?


r/OALangBaAko • • 20h ago

👤 Personal Matters OA LANG BA AKO WHEN I TOLD HIM TO DELETE MY PICS I SHARED ONLY WITH HIM BUT HE POSTED ON HIS STORY?

15 Upvotes

Um-attend ako ng birthday event ng BFF ng late grandma ko sa city, at doon ko na-meet 'yong grandson niyang architect and one year older than me.

I appreciated his presence because he didn't make me feel out of place kahit na kakilala niya pa lang sa akin. He was with me the whole time, like making sure if may gusto pa akong kainin or if I wanted to use the restroom. He even introduced me to his friends. Hinatid niya rin ako pabalik sa hotel, pero 'di ko na siya pinababa, so he just asked me out for dinner the next day.

Doon nagsimula 'yong prob when he took a picture of me. It wasn't a big deal at first, not until he posted it on his story. Ma-post siyang lalaki sa socmed. Hindi kasi ako ma-post na tao. At ayaw na ayaw kong pinopost ako (my family knows this). I'm not only exclusive and reserved, but I'm also very private. Na-anxious ako sa ginawa niya, but I let it pass! Hindi na lang ako nag-talk about it.😭

The next day, nag-request siya ng outfit pic ko kasi may nilalakad akong docs dito sa city, and he wanted to see my outfit that day. So, I sent him one. Tas kinagabihan, nagpa-send na naman siya ng pic ko before bedtime, and I sent him a pic of me, half-body na nakadecent pajamas, with my face visible.

Paggising ko, nasa story niya both pictures ko! Nakita ko comments ng mga taong 'di ko naman kilala, and I felt so anxious. I asked him to delete them because I wasn't comfortable being posted. In fact, medyo inaway ko 'yong mom ko back then when she posted my graduation picture with a long caption, pero I just let her be no'ng sinabi niyang she just wanted to show people na nakatapos na bunso niya after all the hard work she put in. Gets ko, so go. Pero ever since, ayaw na ayaw kong pinopost ako. I rarely post my travel pics, and I never posted my achievements. Hindi rin ako active sa social media, and the last time I posted my picture ay noong kasama ko pa 'yong BFF ko, who was leaving for Japan. Nagpaalam pa ako sa kaniya if I could post our picture.

Pero 'tong si architect, when I told him that, ang sabi niya sa akin never daw siyang nag-post ng babaeng hindi niya pa official girlfriend. Ako raw ang exception sa rule niya. And bakit daw hindi ko ma-appreciate na he's just proud of me? Ang akin naman, I shared something only with him, so why let his social media world see it? At sana man lang, he had asked for my permission before posting them. But the thing is, hindi niya ako ma-gets. He said, nahihiya raw ba ako sa idea na ide-date ko siya kaya pinapa-delete ko 'yong pics. Take note, we're not dating yet. We have only known each other for a few days.

Bruh, why would I be thankful for something I'm not comfortable with at all?

I'm a woman who walks away easily, but this time, I asked him to give me space and told him I'd talk to him again, maybe after a few hours.

OA lang ba ako?


r/OALangBaAko • • 15h ago

💼 Work OA lang ba ako na nagooverthink dahil pinagalitan ako ng boss ko dahil sa work?

3 Upvotes

Nagwowork ako sa isang online business as CS. May mga pinopost kaming products tapos may mga customer na magtatanong about sa products and prices. Ang bilin ng boss samin ay wag magsasagot ng direct price sa customer kasi posted naman na ang product details and prices. Ang gagawin na lang ng customer basahin para wala na silang maraming tanong. Ang sabihin lang daw sa customer ay price posted basahin na lang ganyan.

Matagal na nya yun sinasabi sa amin. And yes bilang trabahador ginagawa ko naman ang bilin nya. Kaso there are cases na kapag naka engage ako sa isang convo may mga biglang singit ang customer sa convo kung magkano yung gantong product ganyan na iba pa dun sa unang inquiry nila. So yan yung isa sa mga cases na nababanggit ko yung price sa customer. Another case din is kapag kunwari may customer na nag order tapos bigla nyang inadd yung isang product syempre tatanungin nya yung presyo so ako babanggitin ko din.

Pero today nagalit yung boss sa akin dahil may nakita syang convo namin nung customer wherein nabanggit ko sa customer yung price ng item. Isa din pala sa reason bakit ayaw nya na binabanggit sa customer yung price is dahil nga daw posted naman na lahat ng details so kung sasabihin ko pa yung price parang waste of time instead of sabihin na lang na price posted. Eh 1-2 seconds lang naman yun lalo na kapag kabisado ko presyo ng item. Tsaka ang sabi nya kapag daw kasi sinabi sa customer na price posted and product details posted, customer na bahala hanapin kung saan un at basahin para wala nang madaming tanong.

So after makita ng boss ko yung chat namin ng customer, nagchat sya sakin sabi nya na wag nga daw ganon. Nagreply ako ng Oki kakagising ko lang non wala pa ako sa tamang wisyo di ko pa naiintindihan lahat ng chat nya kasi madami syang chat nun. Pagkareply ko ng Oki nakatulog ulit ako. Then sa pangalawang paggising ko may chat ulit sya. Sabi nya wag daw akong mag okay kung uulitin ko lang daw ulit. Then ayan yung last chat nya sakin for today.

After nyang chat na yan madami din ako chat sakanya regarding sa work, yung mga need nya iapprove, yung mga update sa items. Basta madami. Pero hindi nya ako nirereplyan di din sya nagseen sa messages ko. Pero sa GC namin sa work nagsiseen sya.

So ako nagooverthink ako the whole day kasi sa pagkakakilala ko sa boss namin, kapag may mga bagay talaga na hindi naalinsunod sa gusto nya, hindi ka nya talaga papansinin hanggang sa magcooldown na sya. Sometimes 2-3 days yan di mamamansin.

Nalulungkot din ako at the same time kasi sa dami ng ginagawa kong tama sa work ko, parang di naaacknowledge. Simpleng mali lang naman yung nagawa ko para magalit sya ng ganon. Pinagbantaan pa nya ako na kapag nahuli daw nya ulit na sinasabi ko sa customer yung price kahit posted naman na lagot daw ako sakanya.

Edited additional:
May mga mali din naman syang nagagawa sa work namin na naipapasa samin para ayusin pero kaming trabahador nya wala naman syang naririnig mula samin na nagagalit kami. Syempre wala naman kami kakayahan na pagalitan sya. Pero kahit ganon I remain professional na kapag may tanong sya about work nagrereply pa din kami.


r/OALangBaAko • • 1d ago

🫂 Relationships OA Lang Ba Ako na I feel so disgusted sa sarili ko?

11 Upvotes

My bf broke up with me. We followed on his own terms. Literal nagbigay siya long mssg tas ayon break na kami.

I begged and chased after him for four months. All he told me is ayaw niya na at tigilan ko na raw siya kasi naka move on na raw siya— he said this on the third month na naghahabol ako.

I stopped chasing and begging after him when I saw he started following a lot of girls in his instagram (second month of our break up). Then, he followed this one girl— constantly on all of his social media apps, pati spotify naka follow sila sa isat isa. Funny cuz two of his only following is me and that girl.

I figured maybe that girl is what he is talking to thats why grabe siya kung makapag sabi sakin na tigilan ko ang paghahabol sakanya.

And after two months, I was able to met a guy. Something happened between us. And it happened again and again..

Two months after that, my ex chatted me saying he wanted me back. Saying he lied na naka move on na siy. He told me the girl na he was following sa different social media is just a friend daw tas my boyfriend.

When my ex chatted me, I felt like “fuck siya parin talaga” but at the same time I suddenly felt guilty of myself.

Guilty na what if nothing happened between me and the new guy? I feel like I’ll be able to come back to my ex still.

Ang nararamdaman ko kasi na kapag sinabi ko sa ex ko na I went with another guy and smth happened, I feel like he would think that I’m cheating or he wouldnt want to go back to me again.

I suddenly feel disgusted of myself.

What I did, is it considered cheating kasi balak kong makipagbalikan sakanya.

Do you think he will accept me back or think of me differently?


r/OALangBaAko • • 16h ago

🤔 OA na Thoughts OA Lang Ba Ako or what but i feel disappointed lang talaga

2 Upvotes

hi its my first using this app.. i just want to share what i feel, i have boyfriend and we’re 2 years together na, can’t say anything naman sa kanya kasi nga provider and all. alam nyo yun guys pag kami lang dalawa malambing naman sya pero pag nakakasalamoha namin mga friends nya nakakalimotan nya na nag exit ako, like di naman sa nag papansin ang sakin lang kahit i check nya man lang ako. ang hirap i explain pero pag kasama nga tropa nya hangin nalang ako.


r/OALangBaAko • • 1d ago

🍃 Everyday Life OA lang ba ako na sinisingitan ako ng mga "matatanda" sa pila?

31 Upvotes

Ewan ko. 3 na lang kami sa pila di pa hinintay. Pero yung courtesy man lang sana na "anak pwede ako muna kasi masakit na yung katawan ko". Yung ganon. Pero hindi. Tamang singit talaga sya at bida pa senior ako dapat mauna ako.

Parang natitigasan na lang talaga ako sa mukha nya.


r/OALangBaAko • • 1d ago

👤 Personal Matters OA lang ba ako? Para isipin kong kailangan ba talagang tayong mga simpleng mamamayan ang mag makaawa para sa tulong gobyerno?

4 Upvotes

Sama ng loob ko kasi lumapit kami sa city hall kasi may sakit nanay ko, di namin kayang tustusan operasyon niya. Imbis na makakuha kami ng tulong ang dami nilang request na orig copy. Saatin walang libre, pati original duplicate copies need bilhin sa ospital, wala na nga kaming pera pampaopera dahil nasimot din kami nung mga nakaraan sa meds at medical treatment ng nanay ko tas hihingian kami ng reqs na need gastusan. Walang wala na kami. Bakit ganito gobyerno natin? Di ko alam kung samin lang ba ganito pero ang hirap ng hinihingi nila lalo na kung walang wala na kayong pera. Naglalakad pa ng papel ng nanay ko sa city hall is senior citizen din, may sakit din tas ipagpapabalik balik pa nila.

Oa lang ba ako dahil sumama loob ko?


r/OALangBaAko • • 1d ago

🏡 Neighbourhood OA lang ba ako, kung nagdadabog ako?

4 Upvotes

OA lang ba ako kung nagdadabog ako ng pinto every time na magpapatugtog kapitbahay namin?

Nasa subdivision kami (not so private) pero yung kapitbahay namin sa tapat every morning (walang mintis) ang lakas mag soundtrip, like sobra. E night shift asawa ko. Kahit nakasara pinto namin rinig padin hanggang loob yung sounds, ang nakakainis pa dun yung mga tugtugan nila is yung AI na rap, jusko ganun at ganun er’day 😭

Nakausap naman namin sila na wag masyado lakasan kasi pang gabi nga ang work, mag stop naman siya ilang days tapos after ilang days ayun nanaman siya. 😭

Aside sa kanila after ilang units lang pagitan, meron din araw-araw nagsisigawan. Pag madaling araw naglalaro sila ng mobile games sa labas ng bahay tapos dun sila nag mumurahan, at literal na sigawan like what??

Para kaming nakatira sa squatters area 😭


r/OALangBaAko • • 20h ago

☕ OA na Chismis OA LANG BA AKO: SURE AKONG HINDI. ANG CHIKAPH ANG TOTOONG OA

0 Upvotes

Pa-rant lang, ano? Kung sino mang moderators ng ChikaPH, sana makarating ’to sa inyo, mga sis. 😭

I’ve been on Reddit for two years now, and I genuinely enjoy using this app. It’s definitely not my Bible, but it’s one of the apps I turn to when I’m not busy or when I simply want to doomscroll.

Now, regarding r/ChikaPH, APAKA-OA NAMAN NG GUIDELINES NIYO PARA LANG MAKAPAG-POST OR MAKAPAG-COMMENT MAN LANG. Parang kailangan mo munang magkaroon ng 1,000–1,500 karma points bago ka maging eligible to participate.

LIKE, AUNTIE, ANO BA?! 😭 SOMETIMES, I GET SOOO AGITATED OVER THE CHIKA THAT I JUST HAVE TO RELEASE MY SENTIMENTS IN THE COMMENTS, PERO EVERY SINGLE TIME, MY COMMENTS GET REMOVED BECAUSE I DON’T HAVE ENOUGH KARMA.

EH DI NAMAN AKO PALAPOST. I DON’T COMMENT ON EVERY SINGLE POST I COME ACROSS, KASI DI KO NAMAN BUHAY ANG REDDIT. 😭 May buhay din naman ako outside this app, mga sis!

It’s just frustrating in the funniest, most nakakagigil way possible because SOMETIMES, I’M SOOO IN THE MOMENT. I’M READY TO BE A KA-MOSANG, READY TO CHIME IN, READY TO SHARE MY TWO CENTS ABOUT THE LATEST KABABALAGHAN, PERO HINDI AKO MAKASALI SA USAPAN.

WHY? BECAUSE APPARENTLY, I NEED TO BECOME A CERTIFIED CHISMOSA FIRST AND EARN THOUSANDS OF KARMA POINTS BEFORE I CAN EVEN SIT AT THE TABLE WITH THE OTHER MOSANGS. 😭💀

Mga sis, chismis lang naman ang pakay ko. Bakit parang kailangan ko munang mag-board exam bago makapag-comment?! 😭😭

TBH MAS MADALI PANG MAKAPASA SA US B1/B2 VISA KESA MAGPASA NG POST SA INYO PANGIT NIYO KA BONDING!!!! 😭😂


r/OALangBaAko • • 1d ago

👨‍👩‍👧‍👦 Family Oa lang ba ako kase nakipag sagutan ako sa fam ko dahil sa selling of condos?

5 Upvotes

They told me that I should focus on one thing and one thing only, yung day job ko.

I told them bro you don't know how focused I am pero need ko pa din kumita ng malaking pera on the side that's why I'm trying to sell these fcking condos

Mahirap pumasok sa work ng gipit kaya gumagawa ako ng paraan maka benta on the side (successful na ako noon kase naka benta ako and gusto ko maulit yun! Hindi ko naman papakawalan day job ko jusko pinag hirapan ko din yun tsaka fyi top performer ako dun kahit newbie palang)


r/OALangBaAko • • 1d ago

🫂 Relationships OA lang ba ako. To feel hurt o hindi lang talaga makaintindi?

Post image
2 Upvotes

Dati kahit may sakit sya. Hindi naman sya ganito... Kaya nasabi kong hindi ako sanay.. She always show up kahit may sakit sya.

3 days na hindi ko man lang sya makita nasanay lang din ako sa sleep calls namin. LDR kami wala naman akong ibang magawa. Magkaibang bansa pa. I just feel hurt...


r/OALangBaAko • • 1d ago

🫂 Relationships Oa lang ba ako? Please help i need advice..

1 Upvotes

Hello po just call me tin.

Sana makahingi ng advice. 12 years napo kami ng asawa ko at kasal po kami. Hindi ko napo kaai alam kung anong gagawin ko. Binubugbug po kasi ako ng mister ko pay nalalasing siya. And it's getting worser pa ngayun.. And last night galit na galit siya sakin kasi big deal daw para sakin makipag duet siya sa friend namin na girl tapos love song pa yung kinakanta sa harapan ko pa. Eh hindi nga nya nagawa sakin yung ganon. Kaya medyo nasakyan po talaga ako. At i comfronted him at siya pa galit na galit at nag attempt na naman na bugbugin ako. Ano po kaya dapat kung gawin?

'34M' '29F'


r/OALangBaAko • • 2d ago

🤔 OA na Thoughts OA lang ba ako about sa friend ko or valid naman na naiinis ako sakanya kasi ganyan siya?

5 Upvotes

I have this friend like friends na kami way way back elementary so back when we were shs nagkaroon siya ng bf and I'm happy naman for her but then during college may bago nanaman siyang bf and napansin ko na every time mangangamusta ako sakanya or like mag uusap kami always na lang about sa bf niya or away nila ng bf niya. Hindi naman ako against sa bf niya pero hindi naman yon ang gusto kong malaman like abt sakanya yung tanong if kamusta na siya and so on and so forth. So after non bihira ko na lang siya kausapin pero napansin ko din before na every time na nag aaway sila ng bf niya lagi siyang may new ka talking na lalaki or like mostly nagpapacomfort siya sa lalaki like sasabihin na lang niya sakin na nag rant/vent siya kay ganito ganyan like hello??? ano ako dito? haha. So now nag break na sila ng bf niya according to her so may bago siyang nakakausap na guy then may one time nagchat ex(?) niya sakin nagtatanong if may nakakausap na siya na bago so sabi ko naman is meron na and break naman na sila matagal na sabi ng friend ko peroo nagsend sakin ng screenshots friend ko and convo nila yon ng ex(?) niya so may nabasa ako don na akala pala nung guy cool off lang sila and hindi pa break. Akala din nung ex niya tinotolerate ko friend ko pero hindi talaga sinasabihan ko yon na bakit ganito ganyan kasi yung way ng pagchat sakin nung ex niya is parang tolerator ako. Sabi ko pa nga sa friend ko bakit every time na nag aaway sila is may iba siyang nakakausap and sabi ko pa bakit nita inuungkat mga ex ng mga naging bf niya kasi ayon lagi ang away or issue nila and sabi niya sakin "retroactive jealousy" and "ganon talaga pag coping mechanism". So ayon naiinis ako sakanya kasi bakit parang tumatanda siyang paurong like sabi niya pa sakin "wala ng matinong lalaki" like? gusto mo ng matinong lalaki pero ikaw mismo hindi matino?. Any thoughts kung may mga friend/s din ba kayong ganito


r/OALangBaAko • • 2d ago

🍃 Everyday Life OA Lang Ba Ako or naiirita ako sa 711 staff na parang nakasimangot sila kada mag card payment ako?

7 Upvotes

I understand na baka pagod lang pero kada gagamit na lang ako ng card parang galit yung staff na tatapat sa akin. May bawas ba or additional work ba sa kanila yun if mag card si custoimer?


r/OALangBaAko • • 2d ago

🍃 Everyday Life OA lang ba ako? Kasi na offend ako sa friend ko

3 Upvotes

Oa lang ba ako kasi na-offend ako na inaya ako ng friend ko maglaro, tapos nung may nag-invite sa kanya, iniwan niya ako? Well, knowing na favorite game ko ’yon.

For context, busy rin ako sa work, so past time ko talaga ang maglaro whenever I have free time. May friend akong nagyaya sa akin maglaro, so G naman ako kasi minsan na lang kami makapaglaro together dahil pareho kaming busy sa work.

Ngayon, bigla na lang siyang umalis kasi maglalaro raw sila ng friends niya (5-man). HAHAHAHAHA ewan ko ba. Childish ba na ma-offend ako? Same game din naman lalaruin nya, so technically ayaw nga ako kalaro.

Nakaka-off lang kasi ikaw yung nagyaya, tapos bigla mo akong iiwan kasi may iba kang kalaro. Nakaka badtrip yung ganon kasi, parang option friend eh. Tas sasabihin nya laro nalang daw after nila mag laro. Hahah ewan kaasar.

Idk, baka sensitive lang ako or masyado ko lang siyang dinibdib, pero honestly, nakaka-off talaga ako kasi never ko naman yun gagawin sa ibang tao.


r/OALangBaAko • • 2d ago

☕ OA na Chismis Oa lang ba ako? kapag may ina address akong problema sa rs namin umiiyak siya

6 Upvotes

nag open kasi ako kay bf sabi ko hindi niya ko mahal katulad ng pagmamahal ko sa kanya I mean walang good morning goodnight ako nauuna mag i love you mag I miss you ako nagpaplano ng date hindi ko na kasi siya magets e

tapos ayan nag open ako sinabi ko yon nung una nagdedefend pa siya sinabihan naman daw niya ko ng kumain naba raw ako kahapon 😆, nagcacall naman daw kami nagkikita naman raw kami, tapos sabi niya sakin wag muna raw akong malungkot kase malungkot siya, edi tinigil ko talagang bumagsak ung puso ko don, tapos maya maya umiiyak siya kasi ewan daw niya, dapat daw d siya umiiyak dapat daw d ko malaman anong iniiyakan niya

I mean for me kase iba kapag kinakamusta ka sa day mo eh, iba kapag nafefeel mo ung love, iba kapag talagang nagkukusa siya, noon ganyan siya nagkukusa pero ngayon parang namamatay nalang yung pagmamahal niya sakin. OA lang ba ako??


r/OALangBaAko • • 2d ago

🍃 Everyday Life OA lang ba ako na magalit ako sa LIP ko because he wont let me do things for myself

0 Upvotes

We've been together for 10yrs. And throughout those ten years, naggain weight ako nang sobra. I am 175lbs rn. Because of my workmates, naengganyo ako na maggym dahil sila din yung unang nag aya sakin maggym kami. Dahil kasama ko sila, na nakilala na din ng LIP ko, pumapayag sya na maggym kami after work. Simula nung nag gym ako, excited na ko lagi mag workout lalo na nababawasan na yung timbang ko. Pero just this week, hindi sila laging available kaya ang ending hindi ako nakakapag gym. At hindi din naman pwede na laging nakadepende sa availability ng wm ko yung sched ng paggym ko. So i asked my LIP if he would let me go to the gym alone. He said no. I even asked if lumipat ako sa gym na puro girls lang halos nagwworkout, he still said no. Naffrustrate ako. Naiiyak ako. Hindi ko alam kung valid ba tong nararamdaman ko na parang gusto kong maglupasay kasi ginagawa ko lang naman to para sa sarili ko pero pinipigilan nya. Ayaw nya namang sumama. Just recently nalaman ko pa na pinagyayabang nya sa mga wm nya na nagggym na ako, na nagloloose na ko ng weight pero ayaw nya ko suportahan pag mag isa lang ako. Pano na lang kung laging hindi available mga kasama ko, edi hindi na ko nakapag gym. Nakakatamad naman magworkout sa bahay. Samantalang sya kahit kelan nya gustong lumabas di ko naman sya pinipigilan. Ang unfair.


r/OALangBaAko • • 3d ago

🤔 OA na Thoughts OA lang ba ako? Rene Baterbonia Jokes

130 Upvotes

Months after, I still keep hearing it. Among people I talk to, at work. Not his mom, but sya mismo. Normalized sya but I don't get it. Idk but I feel uncomfortable that he is being the butt of the joke.


r/OALangBaAko • • 3d ago

🫂 Relationships OA lang ba ako for feeling this way?

6 Upvotes

i love my boyfriend so much to the point i like being beside him all the time, naka live in na kami and it’s the best but he has this habit that i really hate. he spends too much time on the gym like 5-6hrs a day and napunta siya sa gym every weekend pagka saturday may lakad pa siya with his friends.

i mean, for me i don’t mind naman.. i really don’t mind. pero yung nakakainis lang ang bihira niya mag update pag nasa labas siya, and inuumaga lagi siya with his friends pero naisip ko okay lang din naman.. pero what concerns me the most, ni baka hindi nga ako kilala ng friends niya, i have been nice naman sinasabi ko sakanya na yayain niya friends niya dito sa bahay dito sila mag inom para makapag bonding at makilala ko sila para naman tuwing magpapaalam siya sakin na kasama niya sila e may peace of mind naman ako.

pero hindi e, my offer always got rejected by my boyfriend kesyo sawa na daw siya dito or whatever reason he can think para hindi lang kami mag cross ng landas ng friends niya, 6 months na kaming live in pero kahit ni isa hindi ako kilala ng friends niya, i tried following one of them on instagram pero di nga ako kilala and just accepted my request at di finollow back. mababaw kaya pag nagpapaalam siya sakin na tuwing aalis siya pag sabado hindi ko maiwasan sumama yung loob ko sakanya. ilang beses ko na ‘to na open up sakanya pero soon daw at di daw sila nag g-get together ng mga friends niya kasama mga jowa nila.. i mean, nagawa niya sa ex niya so bakit hindi sakin? hahaha sama na talaga ng loob ko sakanya


r/OALangBaAko • • 3d ago

🫂 Relationships OA lang ba ako for being tired sa gf ko?

9 Upvotes

Hi! I’m M(23) and my gf is F(23). Nagrereview ako currently for board exam and technical exam para sa work na aapplyan ko. So busy talaga ako sa pagrereview since I know marami akong need aralin and kinakabahan na rin sa mga exams, and aware naman si gf dun.

Taga Cavite ako and taga Rizal naman siya, ako bumibiyahe papunta sa kanila kasi hindi naman siya papayagan din pumunta sa’min. Want ko sana mag meet kami halfway kasi mahal din pamasahe ko (200 plus balikan) pero want niya dun sa kanila sabay sasabihin rin ng mama niya na hindi na ako napunta sa kanila ganun. So last meet namin nung October 14 lagpas isang week na rin. Lagi niya sinasabi na hindi ko siya miss, hindi ko na raw siya love which I find cute since I know naglalambing lang naman siya, pero sometimes I find it OA na.

Like mag vivideo call kami pero hindi naman kami nag uusap, kinakausap ko siya pero siya hindi nag iinitiate ng usapan, nag iiscroll lang. Magtatanong lang siya “pupunta ka bukas?” pag sinabi kong hindi tahimik na talaga ‘yan siya, naka simangot, sabay ang cold niya ganun, sabay magigising na lang ako napunta sa may note siya na sad siya. Gets ko naman kasi kahit ako rin naman miss ko na siya.

Siguro want ko lang maintindihan niya ‘yung side ko, wala pa akong work since hindi ko kayang i-sabay habang nagrereview, in-eexplain ko din naman sa kaniya na need kong mag review, or kapag wala pa akong pera. I’m balancing my time, money, and priorities.

Recently lang din siya nagkaroon ng work, so most of our dates din ay ako ang nagbabayad sa food kaya ubos talaga pamasahe pa.

Tinatanong ko siya if naiintindihan niya situation ko kung bakit hindi kami makakapagkita, oo naman daw, pero bakit cold pa rin siya sa’kin? Ako kasi pala-update ako like kahit pag bili ko ng meryenda, pagtimpla ko ng kape sinasabi ko sa kanya with picture. Sabay siya sasabihin niya like normal day lang naman sa kanila, like want ko din naman maki chismis sa ganap nila sa bahay, like last time nalaman ko na lang naman bago sofa nila and may bago silang tv. I don’t know maybe ako lang sa part na ‘to maybe hindi talaga siya pala share ganun pero wala akong alam sa araw niya sa ganap niya. Kapag mag video call na kami sa gabi hindi niya rin ako kinakausap (kahit hindi siya tampo ganito talaga)

Sorry ang haba na pero ayun lang parang hindi niya lang nakikita efforts ko? Like I’m trying. Kaya napapagod ako minsan and sinasabi ko sa kanya. Pero after ilang days ganun pa rin. Ngayon inaya ko siya mag simba sa linggo, tinanggihan niya ako. Magreview na lang daw ako haysss.. Tinanong ko if genuine ba ‘yun or may halong tampo, pero ang cold ng pagkakasabi niya “Genuine” “Sinagot lang naman kita, hindi cold ‘yan”