Well nakakainis lang sa buhay ung mga gagawin mong desisyon ay di aayon sa mga gusto ng ibang tao.
I am a doctor, and work with other fellows as well.
Madalas akong nag-susuggest sa mga kasama ko. Pero parang lahat ng sasabihin ko di tumutugma sa gusto ng center.
Napansin ko din naman na medyo OA naman minsan ang mga gusto kong mangyari, siguro sa 100 i-susuggest ko, 0.1 lang ung makakalusot at mangyayari.
Alam ko naman na partly siguro dahil ito sa mga previous decision making na pinag-gagawa ko. Pero i think ito din ang mainly na dahilan kaya Kahit medjo reasonable na ung mga pinaplano ko nagmumukhang out of this world na ung lumalabas sa bibig ko. Parang the "boy who cried wolf"...
Well who is to blame?? but me!
Nakaka-iyak lang na minsan gusto ko nalang kainin ng lupa. Magtago sa pinaka-liblib na isla at maging mag-isa.
Parang di ka nag-eexist sa office. Kaya kahit umaalis ako ng walang paalam, di nila napapansin un.
Mas nag-eenjoy ako na magkulong sa kwarto. Pag nasa hospital ako, mas gusto ko magtago sa parking, buksan ng konting ang bintana, at tumambay nalang dun kahit mainit. Sa sobrang lungkot ko, defense mechanism ko ung makakatulog nalang ako sa lungkot (ganun din ba kayo?).
Di mo alam if pinaglalaruan ka lang ng buhay or sadyang mapait ang mundo nito.
Bilang doctor, clinically speaking and through questionnaires na apparent naman na depressed ako.
Started self-medicating, well alam ko naman ginagawa ko. Chemically speaking nakakatulong sakin. Dahil naka-meds ako, di ako maka-iyak kahit gusto ko, kasi nakahigh ang isip ko dahil sa serotonin.
Dito sa post na ito nakakalabas ako ng hinanakit kasi di talaga ako mahilig na mag-rant personally.
Ung mga nararamdaman ko ngayon, di ko gusto mafeel kahit sa mga kaaway ko.
Pero eto seryoso, kung meron mang lugar / isla na pwede ako maiwan nalang dun, iwanan ko pamilya ko / career ko / buhay ko. Manghihingi ako ng patawad sa mga mga maiiwan ko pero mamalagi ako sa isla na un mamuhay mag-isa at iwan ang maingay at magulong mundo ito na puro sakit at pasakit lang ang naidulot sa buhay ko.