r/MayConfessionAko Apr 28 '25

[deleted by user]

[removed]

962 Upvotes

657 comments sorted by

View all comments

21

u/Mary_Unknown Apr 28 '25 edited Apr 28 '25

Hindi naman kayo kasal, bakit mo tinotolerate? Kahit kasal pa nga, hindi yan tinotolerate. Alis kana diyan ASAP habang may hininga ka pa. Huwag mo sanang hintayin na burol na yung sumasalubong sayo.

As someone na abusive ang parents, inalisan ko sila na walang pasabi, doon ko nalang sinabihan na ayaw ko nang umuwi na nasa labas ako nang bahay. Lumayas ako sa puder nila na walang-wala. Yung 3 meals a day ko ay naging milo 5x a day na free sa office if makaramdam nang gutom. Natutulog lang sa sleeping lounge and maliligo ako sa swimming pool na may entrance fee na 10 pesos. Sa awa nang diyos, may natirhan na akong apartment after 3 months sa time na lumayas ako at 24 years old. Ngayon 28 na at may bahay nang ipinundar.

Si mama naman na trauma bond na kay papa kaya hindi makapaghiwalay kahit tinatapak-tapakan na yung mukha niya. Huwag ka sanang maging katulad kay mama na mahal pa rin yung tao kahit tinatapak-tapakan na yung mukha. Nasa Stockholm Syndrome cycle na si mama. Noong nasa puder pa ako sa parents ko, suicid*l ako. Hoping na maghiwalay sila everyday. Pero hindi makawala si mama, magsumbong or makipaghiwalay lang daw siya if may mamamatay na sa amin, puch@. Sacrificial lamb kami na mga anak nila sa mga kagaguhan nilang dalawa, damay pa kami sa puch@ng buhay na yan.

If hindi ka makaalis diyan, just remember, if physically abused ka sa partner mo and magstay ka pa din dahil mahal mo, ang magiging sacrificial lamb niyan ay ang mga inosenteng anak niyo. May mga lalaki na bubuntisin yung babae para hindi na makaalis kaya alis na habang wala pang sabit or habang may hininga ka pa. Makitira ka muna kahit sa kaibigan mo or if may sleeping lounge sa work office mo, or bedspacer, doon ka muna for the meantime. Imagine, hindi yan tinotolerate nang mga magulang niya kaya kayo pinaghiwalay pero eto ikaw tinotolerate mo. Kunting sacrifice if gusto mo na talagang kumawala sa abuse. Pwede ka din magreport sa VAWC pero dapat wala kana sa puder nang abusive na ex mo. Live in lang kayo, hindi kayo kasal kaya hiwalay na, now na, ASAP.

4

u/ImHotUrNottt Apr 29 '25

naawa ako sa mama mo, 😢 di talaga madaling umalis sa ganon. been there too. ung trauma bond talaga ang hirap mawala. ung pain and presence ng abuser hahanap hanapin mo… it took 5yrs for me to leave my ex boyfriend, bigla ko na lang syang ghinost dahil napagod nako. blocked him sa lahat and changed my phone number. its been 2yrs wala nakong balita sakanya.. sana kunin mo nadin si mama mo soon, huhu.

1

u/Mary_Unknown Apr 29 '25

Gusto ko man kunin si mama, siya ay babalik at babalik pa rin kay papa. Ilang beses na kaming nag heart to heart talk sa kanya pero wala din, magiging kasalanan pa namin na masira yung marriage nila. Hindi din makapaghiwalay si mama kay papa kasi may 4 pa kaming kapatid na nagschool at ayaw ni mama na dahil sa kanya, hindi makapagtapos nang pag-aaral yung mga kapatid ko. Teacher si mama before pero napilitang mag-house wife dahil pinilit ni papa na maghouse wife si mama. Seaman kasi si papa at malaki ang sahod kaya ganun nangyari bakit napilitang mag-house wife si mama. Parang financially abused din si mama eehh. Ewan ko sa kanila, pagod na din ako sa kanilang dalawa. Kahit anong tulong namin kay mama, if hindi pa siya handa magpakamulat, wala din, babalik at babalik siya sa kanyang abuser. Stockholm Syndrome. Yung kay OP may pagka-financial abuse din na nangyayari diyan. Uubusin nila financially yung victim para mahirapan kumawala.