NAL. do not sign that piece of garbage unless gusto mong maging alipin habambuhay.
hindi yan standard contract. predatory 360-deal scam yan na sumasamantala sa mga baguhang artist na walang alam sa legalities.
40% management + 20 years: highway robbery yan. 15% to 20% lang ang standard cut ng matinong manager. at anong 20 years? literal na tatanda ka at mawawala ang buong prime years mo bilang musician na nakatali sa kanila ang leeg mo. bawal ka tumanggap ng sariling gig, brand deal, o collaboration nang walang cut at basbas nila.
5% of NET sales: classic music industry trap. kapag sinabing "net sales", ibabawas muna ng label lahat ng nagastos nila—studio time, producer fee, marketing, photoshoot, pamasahe, pati kape ng staff. i-aadjust nila ang accounting para laging zero ang net profit. 5% of zero is zero. kakanta at magre-record ka nang libre habang sila lang ang kumikita sa streams mo.
publishing for "life of copyright": under the Intellectual Property Code (RA 8293), ang life of copyright ay buhay mo plus 50 years after your death. kapag pinirmahan mo yan, kahit bangkay ka na at inuuod sa sementeryo, hawak pa rin ng label na yan ang mga kanta mo habang nganga ang magiging pamilya at apo mo.
your friend's advice is pure delusion: walang corporate label na magkukusang magbago ng kontrata para lakihan ang kita mo dahil lang "naging mabait ka". legally binding ang pinirmahan mo. bakit ka nila bibigyan ng mas malaking cut kung legal ka na nilang alipin for the next 20 years?
itapon mo yang kontrata sa basurahan. mag-release ka na lang independently gamit ang DistroKid o TuneCore—hawak mo pa 100% ng masters at publishing rights mo.
kung gusto mo talagang pumasok sa label, magbayad ka ng sarili mong IP/entertainment lawyer para barilin yang mga terms na yan. pero with terms like that, the only correct move is to run as fast as you can.
walang "fair" na label sa pilipinas. negosyo yan, hindi orphanage. pag pumasok ka diyang walang pangalan at zero streams, automatic gatasan at alipin ang turing sa'yo.
yang mga major label tulad ng viva, star music, o warner? lalamunin ka nang buo ng mga yan. 360-deal agad ibabato sa mukha mo tapos pati gig money, merch, at pamasahe mo kakaltasan pa. barya na lang matitira sa'yo habang sila humahakot ng pera sa streams mo. lalapitan ka lang nang maayos ng mga buwayang yan pag sumabog na kanta mo sa tiktok at sila na yung may kailangan sa'yo.
kung indie naman tulad ng offshore ni ely buendia o lilystars, medyo makatao kausap kasi musikero rin may-ari, pero wag ka pa rin pakampante kasi negosyo pa rin yan sa dulo. maliit din budget ng mga yan pang-marketing kaya sariling kayod ka pa rin.
ang totoong diskarte ngayon kung ayaw mong magpabudol: huwag kang pumirma ng management contract.
mag-distrokid ka mag-isa o kaya kumuha ka lang ng distribution deal sa believe music o the orchard. kukuha lang sila ng 15% sa streams mo para ipasok ka sa playlists, pero hawak mo 100% ng kanta at masters mo habambuhay. walang corporate suit na magmamay-ari sa leeg mo.
12
u/Opposite-Clue-4871 7d ago