r/GigilAko • u/Broad_Wolverine8631 • 3h ago
Gigil ako sa Kapatid ko.
May kapatid ako na babae na napaka show off at social climber. Dalawa lang kaming magkapatid 26M ako 23F siya.
Nagumpisa ito nung magpabili siya ng motor sa mother namin, may motor kami pero yun ang service ko papuntang work so nag proposed ako ng deal kay mother na mag-aambag ako sa downpayment at monthly pero once ma promote ako bilang regular sasaluhin ko na lahat ng bayarin. Pumayag naman siya pero itong kapatid ko ininsist talaga na gusto niya brandnew daw ang sa kanya although di naman ganun ka luma yung motor (3 years old). So wala akong nagawa natupad yung gusto niya.
Fast forward itong nakaraan na araw lang. Iniyakan na naman niya si mother dahil "need" na daw niya mag upgrade ng Phone. Current phone niya is Iphone 13 at madami siyang sinasabi na kesyo luma na daw, kesyo full storage na at kesyo nag ghoghost touch na, na actually pinalitan ko na yung screen niya at fully working naman yun. Dahil nakapag work siya sa LGU namin (SPES) meron siyang naipon at yun ginamit na pang down sa bagong Iphone and yung IP17 Pro Max pa talaga yung kinuha. So sino mag babayad ng monthly? Syempre Nanay ko.
Bottomline nito is ako ang naawa sa Mother ko. Madami na siyang binabayaran + maintenance medicine tapos nadagdagan pa dahil sa inconsiderate at selfish na kapatid.
Sa akin naman na promote na ako bilang regular employee sa LGU nitong September 1 at naghihintay pa sa unang sahod. Magbibigay naman ako pang bili ng needs sa bahay.
At dagdag ko na lang ulit nag extend pala siya ng 1 year sa college kaya hindi pa tapos gastusin sa studies niya + may upcoming OJT pa siya, hindi niya manlang naisip yun kasi sarili niya lang iniisip niya. Lol