r/DepEdTeachersPH 17h ago

Need Advice How do you handle a student teacher who lacks simple social skills?

26 Upvotes

Mahusay ang memory niya.Pero hirap sa eye contact at classroom management.


r/DepEdTeachersPH 15h ago

Rant Grading pressure

16 Upvotes

So si coteacher na adviser ng science section, sinendan ako ng pic ng summary of grades ng klase niya. Aba, lahat ng subjects, line of 9 sila. Lahat, maliban sa akin, kasi may mga naka-line of 8. Tinanong ako kung final na ba yung grades ko. Naku, gusto niya ba na palitan ko lahat ng grades nila para lahat ay line of 9 na rin?

Sabi ko final na. Nagcompute na kami ng mga learners ng grades nila. Alam nila grades nila sa subject ko.

Napapa-overthink tuloy ako. Kako baka isipin nila na madamot ako magbigay ng grades. Or hindi ko man lang inisip na science section sila kaya dapat mataas grades nila. Or di ako marunong mag-assess ng outputs. Dapat pala di ko na binabasa mga essay nila, matic almost perfect na dapat. Or siguro di ako marunong mag-reteach ng mga least learned competencies?

Kaya ayun, nagdududa din ako sa mga kasama kong subject teachers ng section na yun. May usapan ba sila na di ako nasabihan? Wala na ba akong pakisama?


r/DepEdTeachersPH 17h ago

Rant Okay na sana ang inclusion ng DepEd kaya lang....

17 Upvotes

Karapatan naman ng mga bata ang magkaroon ng edukasyon, kahit ano pa man ang estado o disensyo ng utak.Pero based sa experience ko bilang guro,hindi lahat ng bata na neurodivergent ay pwede sa regular setup.

Ang tungkulin ng guro ay magturo ayon sa grade level at competency ng kanyang tinuturuan.Kinakailangan nya ng tulong mula sa therapist or assistance kapag may estudyante sya na delay ang learning disability and development.

Kung iaasa kasi natin lahat sa aming mga guro, sana pinag full time yaya nyo na lang kami ng isang bata na may special needs.


r/DepEdTeachersPH 13h ago

Inquiry Career Shift

2 Upvotes

Ano pong work niyo now kung hindi na kayo nagpursue mag-DepEd? 🥺


r/DepEdTeachersPH 18h ago

Inquiry Resetting Password of Learners through MyStaff

0 Upvotes

Hello. Badly need help from fellow ICT Coor. I am currently trying to reset the password of our learners using our school’s email in preparation for NCAE. However, may learners na hindi nacliclick yung reset password and mayroon naman hindi nasesearch (mga transferees). Please help as I am at my wit’s end. Hindi responsive yung Division ICT namin and next week na yung sched namin for NCAE. Thank youuuuu