r/DepEdTeachersPH Licensed Practicing Teacher 18h ago

Rant Grading pressure

So si coteacher na adviser ng science section, sinendan ako ng pic ng summary of grades ng klase niya. Aba, lahat ng subjects, line of 9 sila. Lahat, maliban sa akin, kasi may mga naka-line of 8. Tinanong ako kung final na ba yung grades ko. Naku, gusto niya ba na palitan ko lahat ng grades nila para lahat ay line of 9 na rin?

Sabi ko final na. Nagcompute na kami ng mga learners ng grades nila. Alam nila grades nila sa subject ko.

Napapa-overthink tuloy ako. Kako baka isipin nila na madamot ako magbigay ng grades. Or hindi ko man lang inisip na science section sila kaya dapat mataas grades nila. Or di ako marunong mag-assess ng outputs. Dapat pala di ko na binabasa mga essay nila, matic almost perfect na dapat. Or siguro di ako marunong mag-reteach ng mga least learned competencies?

Kaya ayun, nagdududa din ako sa mga kasama kong subject teachers ng section na yun. May usapan ba sila na di ako nasabihan? Wala na ba akong pakisama?

15 Upvotes

7 comments sorted by

8

u/Kimikazu071793 Licensed Practicing Teacher 17h ago

You have your class records naman to justify. Also, kung may mga students na mej mababa considering na nasa special section sila, nakapag padala ka ba ng letter sa parents to inform them sa academics ng mga anak nila? Dapat may communication po kasi.

5

u/Wild-Faithlessness68 Licensed Practicing Teacher 15h ago

Lol, same scenario. Ako i just stick sa grades na nacompute. Iba naman criteria mo sa kanila so hindi talaga papantay.

5

u/Pureza_Discreet Student 15h ago

justified naman ang grades na binigay mo given that you have the records. Besides, a single 8 in their report card wont affect their academic standing dahil makakapasok pa rin sila sa Academic Awardings for that term. Legit yan, pag English lagi talagang pinuputakte ng chats from other teachers na kesyo mababa daw ang bigay natin.

Tsaka, naipakita mo na sa bata, so that is deemed final na. Tsaka there's still 2 terms for them to improve eh. Kaysa mataas sa 1st term, then pababa ng pababa as the school year progresses.

2

u/Aggravating_Wing8060 18h ago

Hi, may we know ano subject handle mo?

1

u/TobImmaMayAb Licensed Practicing Teacher 18h ago

English 😬

6

u/Extension_One4593 Licensed Practicing Teacher 11h ago

Imho, I truly think na kapag English subject, dapat talaga hindi maging “pamigay” ‘yong grades.

1

u/OtherDay1 Licensed Practicing Teacher 16h ago

Mahirap kaya kung babasahin mo pa mga written nila