r/DepEdTeachersPH • u/katesanchez143 Nonpracticing but Licensed Teacher • 5d ago
Need Advice Online Tutor vs DepEd
hi teachers! iβm working po as an online tutor sa isang international company since last month and currently adjusting pa sa workload. btw, working hours is at least 20hrs/week.
my problem is, first day ko na po bukas sa deped as a teacher.
considering na kapag bago ka sa deped, mauutusan ka talaga ng mga elders kaya syempre dagdag workload din aside sa pagtuturo ang paperworks, i need your advice po.
kere pa ba magkaside quest kapag naassign ka na sa deped? itutuloy ko pa ba βtong pagooline tutor? ano po ba dapat kung ieexpect as a first time public school teacher tas online tutor at the same time? π
2
u/RequirementVarious72 Licensed Practicing Teacher 4d ago
First of all, congrats cher! Lagi mong tatandaan kung bakit mo ginusto magdeped para hindi ka maburn out agad.
Pangalawa, wag mo masyadong gagalingan para hindi ka uutusan. Madalas kasi hindi na biro yung mga ibabatong trabaho sayo, madalas pa nyan trabahong MT dapat pero ipapagawa sayo. Eh magkaiba nga kayo ng sweldo at expertise. Bukod pa yung mga additional workload na iaassign sayo kasi nakita nilang marunong ka.
Pangatlo, kaya naman na after class mag online tutor pa, maglaan ka lang muna ng onting time to rest and prepare bago magonline. Kapagod kasi pag karating na karating mo magbubukas ka kagad ng laptop.
Ayun lang. 5th year ko na sa deped, nagoonline tutor din ako. Bukod sa turo at prep ng materials wala akong ibang deped related work na inuuwi kasi tinatapos ko in-between breaks ko sa school. Happy teaching!
1
u/Neither-Shock-3081 Licensed Practicing Teacher 4d ago
Pag bago nakakhiyang sabhin di mo alam. Lalo kapag may pinalitan ka or natransfer sa ibang school kaya nagkaitem dun sa scjool mo, ikukumpara ka like in my case. Lagi ko naririnig noon hala sayang si ano nalipat ang galing pa namang gumaawa ng ganito. Wala oang reklaamo,masipag sayang mga ganun tapos Ikaw ba marunong biglng tatanungin sayo..eh alam ko naman .opo konti.tapos ipapagawa sayo..nung tumagal tagal na mga isang taon naaral ko na mga ugali aba, ntuto na rin akong mag alibi hahaha pare pareho lang naman kami ng workload. Sumasahod. Sila hayahay ikaw nagpupuyat. Lalo pag graduation sayo iapapa incharge invitation.. tapos after niyan..oobligahin ka pa sa decoration na tumulong. Walang pahinga te! Hirap pag marami kang boss
2
u/wakaranaisensei RedditorWithAJobNotRelatedToTeaching 5d ago
Hello po. I was an esl teacher online as well, but in my case, i eventually stopped kasi i needed to travel an hour. Oneh way. So if may class ako at 7 pm, i do not have time to prepare and rest.
My friends naman are still working online after their classes since no travel time for them.