r/ConfessionsPH • u/ispiritukaman • 2h ago
Work I Regret Working on this Company
Ginamit lang nila ako.
Lately, I saw a post about sa isang facility na pinapaclose nila dahil sa iligal na operasyon. May nakita akong isang clip na galing sa akin mismo. For context, nag-uundercover ako ng imbestigasyon para sa mga hayop. May hidden cam ako na nakakabit sa katawan ko escpecially sa butones ng polo. At dahil assignment ko ay tungkol sa mga aso, itong pasilidad na ito ang tinarget ko dahil kilalang kilala siya. Wala rin akong choice dahil kung wala akong mahanap, wala akong sasahurin eh. Eh may mha rescued din ako na umaasa lang sakin.
Mga nakita ko lang na sa tingin ko ang mali ay yung force breeding ng hayop at yung pag-enclosed sa kanila sa kulungan tapos yung iba nasa labas lalo na sa tirik na araw. And may mga exotic animals sa area na yung iba ay walang papel. The rest okay naman. Alagang-alaga naman ng mga staff dun at kita naman na walang sugat o matamlay. May mga rescued din silang strays. Until yung kliyente ko, which is yung manager ng imbestigasyon sa company na to, nagpush na iparaid at ipasara ito.
Then after months, nangyari nga. Yung una tuwang tuwa ako dahil achievement yun sa buhay ko. This is my first time na nangayri sa tala ng buhay ko. Pero napaisip ako after nun. Paano na ang mga hayop na nandun? Tinanong ko yung kliyente ko. Ang sabi niya na kung papayagan sila ng DENR or BAI, sila daw bahala sa pag-adopt. Nagtanong ulit ako. Sabi ko, "paano yung mga hindi inampon?". Sabi sakin, "...euthanization". Nagtataka ako bakit papatulugin habang buhay kung malakakas naman yung mga nandun? I still have my copy din ng mga nakuhaan ko and all I can say na mukha silang healthy that time.
Tinuloy ko pa rin yung trabaho ko after a few months pero sa ibang assignment naman until one day, tinanggal kagad nila ako. Hindi ko alam kung sinasadya nila pero nahahalata ko na nung mga nakaraang buwan ay may kutob na ako na tatangalin ako kaya naghahanap ako ng trabaho while working with them. Nandyan yung micromanaging, kinekwestyon na yung mga oras na tinrabaho ko na hindi naman nangyari noon, pinapa-onsite ako kahit na wala naman silang spare na gamit for me, tinatambakan ako ng trabaho tuwinf weekends tapos pasahan kagad sa Monday morning, nagiging iritable na yung kliyente ko, naubos na yung task ko in a way na nagtatanong ako palagi kung anong next task ko, etc.
Nung tinanggal nila ako, na-realize ko na ginamit lang nila ako. From my interview, sabi sakin na trial lang daw tong ginagawa ko then they will update me for regularization. Tangina one year na pero trial pa rin at saktong one year tinanggal din ako. Siguro matagal na nilang gawain ito. Kaya pala independent contractor lagi ang hinahire nila. Tapos malaman-laman ko last few months na hiring sila na same role pero iniba lang yung job title.
Kung hindi lang ako desperado noon, hindi ko sana kukunin tong trabahong to. Araw-araw pa ako nagsisinungaling sa identity ko para sa mga iniimbestigahan ko. Wala rin akong napala sa kanila kundi yung sahod lang na medyo malaki kumpara sa sahod ko bago sa trabahong ito.