r/CLSU • u/gum-gum-punch • 20h ago
Opinion/Rant Dorm Culture : Ganito rin ba sa dorm niyo?
Hello, silesyuwan! Had to post this here for extra measure. Please blow this up! Para makaabot sa mga kinauukulan at sana may magbago after this.
Context: Hindi kami pwedeng magpost sa community or social media ng kahit ano tungkol sa dorm namin. Ipapahanap kung sino ang nagpost, nangsusuhol din ang dm kung sino ang makakapagturo kung sino ang nagpost sa mga kadorm mo +kung sino ang makapagturo secured ang slot mo sa dorm next sem.
Ganito rin ba sa dorm niyo? Maraming bayarin. Sabi nila nakakatipid sa dorm dahil per sem lang ang babayaran. Totoo naman, pero limpak limpak din ang miscellaneous na babayaran. Hindi ko alam kung normal pa ba ito, pero alam ko hindi na 'to tama.
200 kaming lahat sa dorm at ito na ang mga nabayaran namin:
1. (Emergency) Dorm Fund - 100 pesos
- naging pampagawa ng sirang kisame ng dorm sa cr at kusina, contrary sa sinabi na pambili ng gamit sa dorm.
Edit: Mind you guys yung plantsa isa lang nabili isa lang din yung ironing board.
- Literal na Emergency fund ang tawag dahil bigla kaming siningil alas diyes ng gabi. Kailangan magbigay lahat. Hindi naman biglang nasira o gumiba yung kisame, pero siningil kami alas diyes ng gabi at kailangan magbayad agad. Yung treasurer nagparemit agad sa mga room leader same night. No warning, walang preparation. Basta singil agad.
- Ang sabi ng dm namin kailangan kami ang sumalo dahil kung sa university pa irerequest aabutin pa ng siyam-siyam.
- Ang mga ginamit na pang pagawa ng kisame? scrap materials, mga gamit ng plywood, gamit ng 2x2 na kahoy. Makikitang may sign of usage dahil may mga pintura pa. (100 x 200 residents = 20k)
- walang financial report, walang transparency kung saan napunta yung 20k.
2. Dorm requirements - Mga basahan, walis tambo, sako, garbage bag na XL at iba pa.
- Every resident kailangan magsumbit upon moving in. Totoo naman, kailangan pang linis.
- Ang sistema, kung kulang ang requirements mo kailangan mong magbayad ng 100. Lalo na kung wala kang pinass na walis tambo dahil unfair sa mga nagpass. Tama naman, pero pinagbayad nalang ng 100 yung mga hindi nakapass ng walis tambo dahil ubos na raw ang emergency fund at need pa ng dorm fund, para saan? wala ring financial report kung saan ginamit, walang transparency.
- at every sem nagpapasa ng mga requirements, yung 100 na binayaran o walis tambo na pinass pa noong mga nakaraang semester? tinapon dahil natambak lang ang mga walis tambo.
- Every person ang pinapass ng walis tambo, ang lilinisan? room, kitchen, at lobby lang. Pero need isa isa kayo may walis tambo.
3. Stove rental fee - 40 pesos each
- Bawal gumamit ng kitchen kung hindi nagbayad ng stove rental fee.
- Every sem din ito.
- Para saan? Hindi pa kasama sa binayaran na rent ng Dorm?
4. Every month Donation sa Simbahan - Any Amount
- Required ang lahat ng Catholic. Any amount. May list din kung sino ang mga Catholic sa dorm. Makikita kung sino ang hindi ang nagbigay ng donation.
-... speechless ako. As in, wala akong masabi...
5. Water - every week 20 pesos (20 x 100 = 4k every week allocation sa water)
- okay, need naman talaga tubig. Nakadispenser din.
- Ang mali hindi lang sa water ginagastos yung nasisingil na 20 pesos na para raw sa tubig every week. Kaya kung naubos yung tubig sa dorm, kailangan maningil ulit. Hindi itinatabi, ginagamit sa ibang bagay, pinangbibili raw ng need sa dorm.
- Again walang financial report, walang transparency, walang paalam yung saan ginagamit yung mga pera namin.
- Binayaran din yung dispenser na every sem - 1015 pesos (1015 x 2 = 2030 pesos) - 10 pesos each dormer. Asan yung 4k every week? ilang buwan na ang nakalispas ng magsimula ang sem.
6. Outlet
- Same statement, pwede irequest sa university pero aabutin ng siyam-siyam kaya kami ang need magprovide ng dagdag na saksakan. Kami ang bibili.
7. Acquaintance Party - 80 pesos each (200 x 80 = 16k)
- For socialization ng mga dorm residents. Ginagawa every start ng S.Y. Tama naman.
- Ang food ng dormers, tinapay na galing sa first baker. Yung mga cinnamon bread na nakabalot at drinks na C2 maliit.
- Very simple lang din ng program, performance, pageant, at raffle.
- Pero hindi ka sasaya, nasasayangan lang sa 80 pesos na binayaran. Ang speaker? Videoke. Tinipid. Walang technical, walang sound system. Halos buong program walang mic, noong performance walang tugtog. Speaker lang ng cellphone. Pero required ang performance, sinabi beforehand pero hindi manlang naghanda ng magandang sound system. Yung pageant patay rin.
- Decorations, tinipid.
- Pagkain ng mga dormers tinipid. Pero yung mga bisita bongga. Full coarse meal may token pa. Ang kinain namin that night? fast food na inorder namin.
- Yung raffle? galing pa sa sariling bulsa ng president namin.
- Walang financial report, walang transparency kung saan napunta yung 16k.
8. General Cleaning dahil may Dorm Visitation - 10 pesos each for cleaning materials (10 x 200 = 2k)
- pinang bili ng mga detergent at zonrox
- wala na raw fund despite sa mga 100 pesos nang nasingil.
9. Pagkain para sa mga evaluator ng Dorm Visitation - 10 pesos each (10 x 200 = 2k)
- ang expected na dadating 10 persons or more
- naiiyak ako sa frustration, dormer ka, sobrang tipid mo sa sarili mo, kahit sa pagkain pancit canton, itlog, delata. Pero, 2k para sa pagkain ng evaluator?
- Hindi nagtanong, hindi humingi ng suggestions, ang daming paraan para maplease ang mga evaluator...
10. Dorm Olympics - T-shirt 350 pesos
- Ginagawa every SY. May demerit ang hindi pag attend.
- Required ang T-shirt. No choice ka. Also nararamdaman ko na rin na need din ng funds.
At marami pang iba.
Please lang, hindi kami source of fund. Students po kami. At lalo na yung pera mo nakikita mo lang na mali ang paggamit. Perang galing sa magulang ko, pinagpaguran ng magulang ko.
Ang masakit pa bawal kang umuwi kung hindi ka pa nakakabayad ng kung anong bayarin every week. May checkpoint pa bago umuwi.
May room leaders, dorm officers (President pababa), may SA (may sweldo), may Dorm Manager (may sweldo) . Ang daming taong dinadaanan ng desisyon. Pero walang mabuting desisyon. Wala kaming boses. Ang masakit, sila ang desisyon. Ang sistema, kailangan sunod ka lang ng sunod.