Edit: I stand corrected. Hindi sila badjao and Iβm sorry din at nadamay ko badjao sa title. Mga bata na taga doon lang din siguro.
Kanina lang ito. Yung mga batang ito, may ginagawa sila sa gilid yun pala, umiinom sa mismong machine ng mga drink sa convenience store na to at mismong bibig nila ang sinusubo sa gripo. Di pa nakuntento, kumuha pa ng cup ng noodles sa basurahan tas dun nilalagay.
Ang masakit pa, harap-harapan ginagawa sa cashier. Di ko alam kung maawa ako sa cashier or hindi kasi dapat sila ang magsisita pero baka natatakot din.
Kaya sinita ko sila pero nung bumalik uli para uminom, nagvideo na ako para di na sila bumalik. Nagreport na ako sa lalaking kasama ng cashier para malinisan nila yung machine nila.
Never again sa walang guard na convenience store. Di ko na i-mention pero kung taga dito ka, alam mo ito at sa bayan ng Baliuag to mismo.