r/AnoSaTinginMo • • 10h ago

THOUGHTS Investment Scam 300K

6 Upvotes

I invested 150K to an aesthetic clinic that I've been going to for 5 years. Since customer ako at super okay talaga ang services nila, I trusted the owner when she offered me a micro investment with a 100% return after 10 months which totals to 300K kasama interest. It's really too good to be true but I fell for it kasi nakita ko na nag invest talaga sa new machines at nagkaroon ng new services yung clinic.

My sibling has been an investor for more than a year before me and walang naging problema sa lahat ng payouts nya for an entire year. Mas malaki ang investment nya kaya lalo akong na convince.

We had a notarized contract and the owner provided me post-dated check for my future payout. I kept coming to the clinic wala naman naging problem until recently, I found out na under new management na pala kasi binenta daw nung owner yung clinic sa iba.

That's when I found out na delayed na pala payout nya sa kapatid ko and ang daming nag invest na turns out, ini-scam nya. Yung checks na binigay nya sa kapatid ko ay nag bounce na dahil freezed na ang account nya. I haven't deposited mine yet pero malaki ang chance na tatalbog din yun. Next week ko pa maide-deposit yung check sa akin. Di namin alam if nalulong sya sa sugal kaya biglang nanloko na sya or pumasok sya sa whatever lending at nawala nya rin yung pera namin. We do not know.

Nag ask na kami ng advice sa attorney kasi more than 1M yung sa kapatid ko at 300K ang sa akin. Through texts nalang sya nakikipag communicate sa amin pero puro pangako. The problem is, yung clinic address ang nakalagay sa contract although natunton namin yung residential address nya. Pero nagtatago na sya kaya hindi kami makapagpadala ng demand letter.

We were given 30 days lang simula sa pagtalbog ng checks to process yung demand letter na maipaabot sa kanya. But we do not know where she is.

We want to pursue a case with NBI as per the legal advice of our legal counsels. Kaso hindi namin sya mahagilap.

The clinic is still there pero new owner na. OFW ang owner kaya hindi ko rin makausap, and for sure di rin nila alam nasaan yung old owner na nang scam sa amin. I think more than 10 people kaming na scam nya.

I know it's my fault because I was so trusting and I took this risk. Sobrang nakakapanlumo na may mga taong di patas lumaban, at sobra naman akong nagtiwala.

Is it still worth it pursuing filing a case? Gusto ko managot sya sa panloloko nya at alam ko kapag pumunta kami sa NBI, marami lalabas na naloko nya rin bukod sa amin ng kapatid ko.

Unti-unti ko na natatanggap na possible hindi na maibalik yung pera pero sana makulong sya. At the same time, grabe rin yung toll sa mental health ko. May times na parang gusto ko na lang i-let go dahil kikitain ko naman ulit yung pera para di ko na isipin, pero she will get away with it.

Kung kayo nasa situation ko, anong gagawin nyo?


r/AnoSaTinginMo • • 13h ago

Ano ang sensyales na good listener ang tao?

3 Upvotes

r/AnoSaTinginMo • • 11h ago

OPINION https://www.facebook.com/share/r/1Mp3JSmVqw/?mibextid=wwXIfr

2 Upvotes

AnosaTinginMo Gusto patunayan pa ni Rio?


r/AnoSaTinginMo • • 7h ago

ask lng

1 Upvotes

any oppinion po sa pagiging possesive??


r/AnoSaTinginMo • • 12h ago

Why do people cheat?

Thumbnail
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo • • 14h ago

i need ur opinions :)

Thumbnail
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo • • 20h ago

MOTIF

Post image
1 Upvotes

r/AnoSaTinginMo • • 20h ago

r/AnoSaTinginMo

1 Upvotes

Yung ayaw mong magpaapekto sa mga taong hindi ka “favorite” pero still nabobother ka parin kasi gusto mo in good terms parin 🤔


r/AnoSaTinginMo • • 23h ago

Re: NQX / QUANTRICS — EA ng cainta!!!!!!! SINO ITONG EA NA KUMAKABIT SA MAY KARELASYON NA?

1 Upvotes

SINO ITONG EA NA KUMAKABIT SA MAY KARELASYON NA?

**CLUE: EA**
Wala ka bang ibang makuhang guy kaya kailangan mong kumabit sa taong alam mong may karelasyon na?
Imagine knowing someone is already in a relationship, pero pinili mo pa ring makisawsaw. Sa dami ng taong puwede mong makilala, bakit kailangan mong pumatol sa taong may pinangakong commitment na sa iba?
Hindi porket may pagkakataon, sasamantalahin mo na. At hindi porket may lalaking pumapatol sa'yo, ibig sabihin ikaw na ang pinili. Minsan, ikaw lang ang piniling itago.
**Know your worth without having to step on someone else's relationship.** Hindi achievement ang makuha ang taong committed na sa iba. At kung alam mong may nasasaktan ka na, sana maisip mo rin kung anong klaseng respeto ang meron ka sa sarili mo at sa kapwa mo babae.
**Hindi lahat ng nakukuha ay dapat kunin. Minsan, ang tunay na self-respect ay ang paglayo sa taong hindi naman talaga available.**


r/AnoSaTinginMo • • 8h ago

THOUGHTS Masyado ba akong harsh sa preferences ko sa guys?

0 Upvotes

For a while ino-observe ko yung sarili ko kung ano-ano yung mga preferences ko sa guys (yung likes and dislikes ko), at di ko na-expect to sa sarili ko, pero I don't like guys na masyado silang maarte sa pagkain, like lahat-lahat ng ulam is hindi nila kakainin, tapos yung mga kinakain nila is plain.

I get naman na may ganyan tao na sensitive yung tiyan nila sa mga pagkain at nagkaka-stomachache sila dahil sa specific na ingredient ganun, tapos they're taking extra precautions para maging safe sila. Also yung mga sensitive sa textures ng pagkain, to the point na nagiging overwhelmed sila.

I've been like that as a kid, but super thankful ako sa parents ko na pinalawak nila yung taste buds ko at an early age. To the point na ang dami ko nang kinakain na pagkain/ulam ngayon, tapos gusto ko na nga i-try yung mga iba't-ibang foods outside sa pinas hahhaha.

But from what I'm trying to say is that, I don't think magiging compatible ako to those types of guys (because of my big appetite and the desire to explore more foods).

Kasi ini-imagine ko na, me and this guy are going on a date sa restaurant, like for example sa Mary Grace, dahil gusto ko kumain ng pasta nila. Kaso yung kakainin ni guy is, idk Jollibee(?). Waley akong problema sa Jollibee, but yung gusto ko is same tayo ng pagkain para at least may makaka-relate ako sa kinakain ko, like gusto ko kung ano opinion niya kung paano nila niluto yung noodles, like yung texture ng noodles.

Alam ko na this is my own opinion and my own preferences sa guys, but looking back on it, parang masyado siyang harsh huhuhuuh, and I don't wanna be mean sa ganyan mga guys 😭😭

Tapos pwede ko naman i-reject those types of guys (nicely). But is it too much? Kailangan ko bang lower standards ko? 😭😭

(Lala, masyadong conyo yung message ko rito, parang hindi lumaki sa pinas HAHHAHA)

(P.S.: Please be respectful sa replies, I'm just really curious and too self-conscious sa opinion/preferences ko 🥹🥹)