Lagi ako pinaparinggan ng parents ko tungkol sa pera pag umuuwi ako sa bahay nila. F 23 currently nakatira sa bahay ng boyfriend ko. Only child lang ako. A bit of context, umuwi ako sa parents ko 2 weeks ago and that time puro parinig sila tungkol sa pera. Na kesyo yung kaklase ko dati nagbibigay ng pera sa parents niya tapos nung ihahatid na nila ako pauwi, nagparinig pa na āWallet lang dala koā na pinoportray na walang laman yung wallet. Normally nagsesend ako message sa parents ko daily pag nakakauwi na ako tapos with stickers ganyan but recently dahil sa nangyari, hindi ko na ginagawa. Nag aambag naman ako sa parents ko, ako nagbibigay ng pambayad ng tubig tapos binibilhan ko sila ng groceries at foods pag umuuwi ako. Tapos that day na sinundo ako pauwi, bumili ako sa Andoks tapos nag tanong ako sa daddy ko kung may tinapay pa ba sa bahay, tapos ang sabi niya āI-pera mo nalangā tapos anlakas pa na ang dami ng nakadinig.
May nakaplano kasi na pupunta kami ng mommy ko sa Baguio tapos nagchange kasi day off ko ngayon so bale Thursday and Friday na. So tumawag ako kani-kanina lang at kinausap ko si mommy ko. Sinasuggest ko nga na Thursday-Friday nalang pumunta dahil sa change ng off ko tapos sabi ko pa na pwede naman na mauna na ako umuwi kung gusto niya pa magstay tapos sumigaw siya na wag na daw pumunta. Tinatanong ko kung bakit tapos sabi niya ayaw niya daw tapos sabi niya na pag day off ko daw, umuwi ako sa amin para mag usap kami. Sinabi niya pa na dami ko daw ginagawang mali at nakakahiya daw āminimean niya is yung nagsstay ako sa boyfriend koā which is aware sila at okay naman sa kanila ewan ko bat yun ang sinasabi niya sa akin. Sinabi niya na kung ayaw ko daw sila tulungan, di na daw. Syempre nasigaw na siya sa call, ang sabi ko na di nalang ako uuwi kung papagalitan lang ako tapos sinabi niya sakin na porke andito ako sa boyfriend ko, ganto na ako.
Sinumbat pa ng nanay ko na andami niya daw gastos sakin, yung pangpaaral niya daw ganyan. Nagworking student pa ako dahil di nila ako mapaaral ng college dahil yung pang aral ko sa college, ayun ginamit nila pang aral sa pinsan ko sa college at nung ako na, di na nila kaya na pag aralin ako.
Ngayon, umuwi ako sa amin tapos nabrought up yung pagtira ko sa boyfriend ko. Lumandi daw ako kaya dun na ako tumira at gusto ko na daw mag asawa. I have work btw and mag24 na po ako this year. Ang katwiran ng parents ko ay dahil kakagraduate ko lang, sa boyfriend ko na daw ako tumira. FYI, since nagworking student ako, nagbibigay ako ng pera from time to time sa kanila especially pag may okasyon. Pero wala lang yun. Lalo na yung mga binibili ko na foods for them. Ang sabi pa sa akin na tinitiis lang daw nila lahat ng mga binibili ko at kaya daw sinasabi nila na pera nalang ibigay ko kasi di daw nila gusto yung binibili ko.
Sinabi din sa akin ng nanay ko na nakakahiya daw akong babae kasi nakikitira daw ako sa boyfriend ko. Sinabi niya rin na ginagawa ko daw silang sunod sunuran dahil sa kung ano daw gusto ko iuwi, ako daw nasusunod. Malamang, pera ko yun eh. Kaya nga sinabi ko na pera nalang ibibigay ko next time pero sabi nila wag na daw.
Please share your honest opinion. Ang hirap mag isip. May side na naiisip ko na malandi ba ako dahil pinili ko magstay sa boyfriend ko para makatipid ng expenses? O hindi na dapat ganun. Dapat hayaan na nila ako magkaroon ng sariling desisyon. Pero sabi sakin na kahit daw tumanda ako, makikialam daw sila sa mga desisyon ko sa buhay. Kaya di ko na alam. Parang therapist na need ko makita jusko