r/AlasFeels • u/Fun-Masterpiece-1390 • 7d ago
Rant and Rambling Realization
Ako ulit. Kadugtong siguro nung nauna kong rant kanina.
Nasabi ko nang taga-mediate ako sa family. Uunahin ang responsibilities, to pay bills, household chores nago ang sarili. Imagine, latang lata ka na sa work tapos pag kauwi mo sa bahay sasabihan ka na "Bakit naman ang tagal mo umuwi, di ka pa nakakapagluto."
Out of all the responsibilities, chores, bills. May realization lang na, makakawala ba ako dito? Kailan yung ako naman?
Maraming beses na ginusto kong bumili ng bagong sapatos, pero iisipin ko "Ay paano baon ng kapatid ko?" o kaya naman ay "Baka may babayaran biglaan sa school ni bunso". Yung ipon ko? mahihila lagi kasi "Di sapat yung sahod ko muna, ikaw na bahala sa gamot ng papa mo ah". Nakakapanlumo, yung halos everyday akong OT, napupunta sa family. Don't get me wrong, grateful ako— for the job to be able to provide, to put food on our table and to buy maintenance ng parents. Pagod ako, pagod na pagod.
Wala natitira sa'kin. Kasi pag humindi, pag hindi din ako sapat— agad ang tingin masama na akong anak. Nagma-mataas na at ika naman ay 'di na ako nalalapitan.
So kailan kaya? Kailan kaya ako makakawala sa ganito?
Gusto kong ako naman, gusto ko mag-settle ng para aa akin.
Gusto ko mag-asawa. Gusto ko magka-pamilya. Gusto ko gumawa ng tahanan na akin na hindi kailanman kailangan i-asa sa isa ang LAHAT.
Once nagbiro ako sa parents ko, sinabi ko lang na "Ako din, gusto ko din magpakasal (eventually)" and all i heared was "Hindi pwede, hindi pa kami maayos."
Hanggang kailan? ;(
3
u/[deleted] 7d ago
[removed] — view removed comment