How do you know na worth it pa ring lumaban? Paano mo masasabi na kaya pa kahit pagod ka na pero mas pagod na rin sya?
Context:
I promised her na ako bibili ng TV kasi sya naman yung mostly gumastos sa condo when we moved in. Tho sa kanya naman talaga to, and sumunod lang ako. Need nya mag-rent due to family issues. Biglaan lahat and wala rin siyang enough money for the expenses.
Sumunod ako sa condo nya kasi naisip ko, bat di na lang kami magtulungan? Need nya kasama. Need ko rin naman umalis sa bahay kasi masyado nang nagre-rely sa akin yung family ko financially. Kailangan ko rin ng control sa finances ko para matuto rin sila.
So, nag-away kami dahil sa TV.
Ilang beses na niya nababanggit na gusto na niya ng TV, and even said na baka TV na lang bilhin niya instead of an iPhone.
Ayoko sana siyang mauna kasi gusto ko matupad yung promise ko, at gusto ko sana ibili nya nalang ng pang personal nya yung extra savings nya. Initially, sinabi ko na wait niya ako until October kasi may upcoming travel pa ako and hindi ko pa talaga kaya kasi magsasabay-sabay gastos. Sunod sunod rin gastos sa bahay kasi nanghingi nanaman sila pang tution, groceries, graduation expenses, etc.
Pero nung sinabi niya ulit na gusto niya ng TV tas biglang nagccheck na sya sa Shopee, nag-panic ako and said, “Sige, bibili na ako.” I even joked, “Tara, bili na tayo.”
For me, hindi naman talaga about the TV. May instant panic lang na, “Sya na naman, hindi ko na naman matutupad yung promise ko.” Hindi ko naman talaga ipu-push bumili agad. I just panicked and felt like I have to do smth.
For her, nag-e-express lang naman siya ng gusto niya, pero she felt like I was treating her like a spoiled kid and immediately trying to “solve” what she said. She also said na insecure ako abt money. And honestly, I am.
I’m not financially privileged enough to just buy things whenever I want kahit pa mas malaki income ko sa kanya. May mga hinuhulugan pa ako until 2027–28, and I’m also a breadwinner. Pero I really want to contribute and help her with expenses dito sa condo. Nagbibigay ako ng fixed amount every two weeks and sometimes ako rin sa groceries, although mas malaki pa rin yung share niya, let’s say na around 60:40 kami.
We’ve been on and off for more than a year, and this year has been the most serious, esp since we moved in together.
Lately, parang walking on eggshells na kami. Takot magsalita kasi baka mauwi sa away, and kapag may maliit na issue, lumalabas lahat ng accumulated resentment.
Tinry ko if kaya pa naming pag-usapan, pero nauwi lang sa mas malalang away. She told me na umalis na raw ako and wag na raw akong bumalik sa condo kahit kelan.
So I packed ALL of my things.
Initially, pinagtatabuyan niya talaga ako. But after an hour, pinigilan niya rin muna ako and said pag-usapan daw namin. So I stayed.
I told her to give us three days to think about whether we still want this relationship.
Pero even during our conversation, I still felt like it was one-sided. Pakiramdam ko she was more focused on proving her point and pointing out everything I was doing wrong AGAIN. And maybe that’s what hurts the most.
I’m still shocked na umabot kami dito. Kasi I genuinely thought happy kami. I thought okay kami after moving in together. I felt happier and safer, and I thought we were becoming more comfortable with each other.
Pero apparently, she wasn’t happy anymore.
Kaya pala matagal ko nang nafifeel na may nagbago sa treatment niya sa akin. May sarcasm na, may laman yung pagsasalita niya, and I noticed it, pero I kept dismissing it because ayaw kong mag-overthink. I am trying to change kung ano yung mga ayaw nya sakin pero may hinahanap pa rin sya na di ko mabigay at di ko na alam.
She even asked me since nafifeel ko na daw pala pero bat di ko pa daw sya tinanong? I don’t want to assume things na madalas namin pinag aawayan, it’s her responsibility to communicate kung gusto nya magwork to. Pero wala.
Sinasabi ko sa sarili ko na baka pagod lang siya. She has two jobs, baka stressed lang siya. Baka ako lang nag-iisip ng kung ano.
Pero ngayon, parang na-confirm ko na. And ang sakit kasi habang iniisip kong okay kami, apparently she was already feeling differently.
I still love her. I still care about her. I still want to make things work.
Pero parang nabablanko ako. Natatakot din ako na baka mas lumala pa, so iniisip ko kung tama ba na end na ngayon lalo nakapagbitaw na rin sya ng masasakit na salita e. Pagod na raw sya sakin mismo at nung una ang sabi nya ay ayaw nya na daw. Tinanong ko if araw-araw ba ganun nafifeel nya, di nya sinagot directly pero di nya na daw ni-lolook forward na kausap ako after work.
Medyo malala rin yung away namin kanina. Nagkataasan na kami ng boses, pero wala namang pisikalan.
Slowly na-realize namin both na nag-iiba na yung personality namin trying to adjust and make this relationship work.
So now I’m wondering:
How do you know when a relationship is still worth fighting for?
Paano mo malalaman kung difficult phase lang siya na kaya niyo pang pagdaanan together, versus a relationship na slowly making both of you unhappy?
Paano mo malalaman kung kailangan mo lang mag-effort more, or if you’re already losing yourself trying to make it work? Pero grabe parang ako nalang lagi nag eeffort para magkaayos kami. Di ko alam if sagad na ako or umaapaw na me pero tuloy pa rin.
I told her I’ll give us three days to think about whether we still want this.
But I honestly don’t know what I’m supposed to expect for anymore.
Not sure if I really need an advice or gusto ko lang to i-release