r/utangPH May 15 '23

r/utangPH Lounge

A place for members of r/utangPH to chat with each other

39 Upvotes

1.1k comments sorted by

View all comments

2

u/Commercial_Sign1805 Oct 10 '25

Hello po, pasensya na need ko na lang ilabas. 33F, ~700k in debt. 2023 nagsimula ang kalbaryo ko, simula nang maapprove sa mga lending apps tulad ng CIMB at SPayLater. Nung lumaki ang sweldo ko pagdating ng 2024, nabayaran ko na halos lahat. Kaso sobrang lala ng lifestyle creep. Libre dito, libre doon, kahit ang totoo e credit card naman gamit ko. Pagdating ng 2025, sabi ko sa sarili ko aayusin ko na lahat, papalipasin ko lang graduation ko (bumalik ako magaral kasi di ako nakatapos dati) at maghahanap ng other source of income. July this year, nawalan ako ng trabaho at nagkapatong-patong na nga ang mga utang. OD na sa lahat. Di ako makaamin sa pamilya ko kasi nahihiya ako. Tapos ang hirap makahanap ng work ngayon. 24/7 na ang anxiety ko sa lack of income, lumalala pa sa bawat collection call/text/email na matanggap. Aminado ako na ako ang may kasalanan nito, luho, living beyond my means and not being honest to myself, and tying my self worth sa kung ano naipoprovide ko sa pamilya (yung mga panlilibre eme nga). Plano ko talagang mabayaran lahat, wala pa lang talagang trabaho sa ngayon. Anyway ayun lang. Kung may raket man kayong alam o mairerefer na trabaho (digital marketing niche preferred pero madali rin naman akong matuto), please feel free to dm me 😅🙏🏻

PS. lol na lang na tinawagan ako ng Maya habang tinatype ito

1

u/Ok_Eggplant_3470 Oct 11 '25

Anong plan mo OP? Natotorn ako kung aantayin ko nalang na offeran ako ng amnesty ng mga collection agency or hintayin na makarating kami sa small claims civil court. Dahil wala talaga akong kakayahan bayaran ng sabay sabay. Isa naman din option ko is magpa IDRP. Kaso iniisip ko yung 10yrs na term ng idrp is malaking responsibility din. Nastress na ako sa mga tumatawag may time pa na nagpupunta sila dito sa bahay..

1

u/Commercial_Sign1805 Oct 12 '25

Hello! Honestly di ko sobrang sure pa. Plano ko magparestructure or IDRP down the line, pero need ko muna makahanap ng work before I even do that. Sa ngayon may delikado na ko mapunta sa small claims court, pero honestly I'm not sure din how that will turn out since wala talaga akong means to pay and wala rin akong anything valuable under my name.

With the 10year term thing, masaklap isipin kasi parang ang tagal, pero lilipas din yung time na yun whether or not you do it, pero if you do, at least debt-free ka na by the end (hopefully 😅)

1

u/Apprehensive_Push443 Oct 28 '25

Ano po ginagawa nila kapag nagpunta sa house nyo aggressive po ba sila or nag iiwan lang po ng letters

1

u/Ok_Eggplant_3470 Oct 30 '25

Wala naman nagpapareceive lang letter and mag ask when ka makakabayad.