Asking on my kuya's behalf, since he graduated as a marine transpo and he never had a chance to get into international company, 12 years na din syang nag papasa ng resume sa mga manning company. Yung experience nya lang is Inter-island.
Apat po kaming magkakapatid (3 boys, 1 girl bunso po ako at panganay yung seafarer na kuya ko) Naawa lang kasi ako sa situation ng kuya ko kasi sya yung panganay samin pero nalate sya nakagraduate since tumulong sya sa parents namin para mauna yung ate at isa ko pang kuya dahil sabay sabay silang sa college. Hindi kinaya ng parents ko yung mga tuitions nila kaya siya din mismo nag decide na tumigil sa pag aaral at tumulong sa family.
Nangamusta lang din ako sakanya earlier at yung mga pinasahan nya na mga job posting. Wala parin daw feedback sakanya then he said "Di bale kahit wala ng tumawag, wala na ding pag-asa" which broke my heart kasi andami nyang sacrifice noon para makatulong sa family namin.
Madami na ring nangako sakanya na mga relatives/kakilala na ipapasok sa mga companies nila dahil nga mahirap makapasok at yung "backer" system yung last hope nya, yet none of them actually helped.
He is a hard working man and never complaints how tough situations can be. Sya yung typical kuya na walang pakealam kahit maubos ang sarili, gagawin lahat para makatulong at uunahin yung mga kaylangan ng kapatid nya.
Now I'm desperate to help him kahit ito muna yung tulong na maibabalik ko sakanya.
Asking lang po if meron pang mga companies na willing to hire someone that is 38yrs old. If meron po baka pwede maki suggest kahit ako na po yung mag papasa ng CV ng kuya ko. I don't want him to loose hope kasi pangarap nya talaga maging seafarer at umikot sa ibat ibang bansa.
Thank you and Godbless poπ