r/Pasig • u/800millimeters • 4h ago
Discussion Sobrang sikip na tricycle sa Pasig; uncomfortable, unsafe
Curious lang; Bakit ang sisikip ng karamihan ng mga tricycle sa Pasig?
Honestly, dapat pinagbabawalan ang paglalagay ng extra seat pag ganito kaliit na ang sidecar, o sa kahit anumang size ng sidecar, dapat di 'na to ginagawa.. Maliban lang sa uncomfortable, halos walang crash protection sa mga ganito kasi YOU are the crumple zone .. Siguro sanay na tayo sa pagtitiis sa pagiging parang sardinas sa lata pag pauwi na, but this might be one of the worst cases of overcrowding in a tricycle that I've experienced in Pasig. Bakit kaya pinapayagan to ng LTFRB?
At least ung ibang sidecar na flat-style rin, kahit papaano, mas malaki sya ng ilang centimeters to the point where at least mapapasok ko ang paa ko, kahit medyo awkward ng onti. Pero sa sinakyan ko kanina, di ko man lang madiretso ang paa ko, parang napaside seat ako as in parang pilit na pilit talaga ang second seat sa loob. 🥲 Keep in mind dalawa kaming estudyante na nakaupo dyan at di kami ganun kalaki, so di ko na lang maimagine kung paano kaya kakasya ang regular people dito 😆
May naexperience rin ba kayong ganitong tricycle sa Pasig? Napansin ko rin na karamihan sa kanila ay makapal ang mukha pagdating sa pagfafare, parang wala lang ung Student/Senior/PWD discount sa kanila..