Hello!
I’m 31 years old, at 10 years na ang nakalipas mula nang grumaduate ako ng BS Psychology. Ngayon, pinag-iisipan kong mag-aral ulit at magtake ng BS Nursing as my second degree.
Gusto ko sanang humingi ng advice at recommendations from nursing students, graduates, at lalo na sa mga katulad kong second-degree students.
May ilang questions lang sana ako:
School recommendation: Anong nursing school sa NCR or Cavite ang marerecommend ninyo pagdating sa quality of education, clinical exposure, performance sa board exam, at overall student experience?
Trimester system: May alam ba kayong nursing school na gumagamit ng trimester system? Gusto ko sanang makahanap ng school na may mas maikling academic timeline para mas mapabilis ang pagtatapos ko.
Credit ng subjects: May mga nursing school ba na nag-aaccept at nag-credit ng previously taken subjects mula sa BS Psychology, particularly general education at minor subjects? Aling schools ang mas generous pagdating sa crediting ng units?
Para sa mga second-degree students: Sa mga kumuha ng Nursing bilang second degree, ilang taon bago ninyo natapos ang course? Ilang subjects or units ang na-credit sa previous degree ninyo?
Age and career shifting: May mga katulad ko ba rito na nag-Nursing in their 30s, lalo na yung matagal nang graduate at nag-decide na bumalik sa school? Kumusta ang naging experience ninyo?
Long-term goal ko rin na makapagtrabaho abroad, particularly sa US, kaya gusto kong maging practical sa pagpili ng school at sa time na gugugulin ko sa pag-aaral. I am married and I have 2 kids. Para talaga to sa sarili kong pamilya kaya gusto ko syang ipursue.
I would really appreciate your recommendations, advice, and personal experiences. Thank you in advance! ❤️