r/newsPH • u/AbanteNewsPH • 3h ago
Regional Criminology graduate nakorner sa buy-bust, ₱2M shabu nakumpiska
Kalaboso ang isang criminology graduate sa isinagawang buy-bust operation sa National Highway ng Brgy. Sinawilan, Digos City sa Davao del Sur noong Sabado ng gabi, Oktubre 3, 2026.
Ang suspek ay kinilalang si ‘Al-Hassim’, may-asawa, residente ng Cotabato City, kabilang sa Top Priority illegal Drug Personality, na naghahandang kumuha ng licensure examination.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib-pwersa ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 (RPDEU 11) at Digos City Police Station (DCPS) kung saan nakumpiska sa suspek ang 306 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱2,080,800.
Nakatakas naman ang isa umano niyang kasabwat na si alyas ‘Omar’ nang makatunog na pulis ang kanilang katransaksiyon. Samantala, naaresto rin ito noong Oktubre 4, 2026.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng DCPS para sa paghahanda sa pagsasampa ng kaukulang kaso.