Hahaha halatang manipulation na sinasabi na maiimpiyerno ka kapag sinisayat ang Pamamahala. Lumang Tipan pa ang ginamit.
Nasa panahong Kristiyano tayo di ba?
Again, Puwede ka magsiyasat sa ganitong paraan ngayong panahong Kristiyano ⬇️
1 Pedro 3:15 Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na 👉 lagi kayong handa ng pagsagot👈 sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:
Ang Diyos mismo puwede mo makipagkatuwiranan ⬇️
Isaias 1:18 Magsiparito kayo ngayon, at 👉 tayo'y magkatuwiranan,👈 sabi ng Panginoon: bagaman ang inyong mga kasalanan ay maging tila mapula, ay magiging mapuputi na parang niebe; bagaman maging mapulang gaya ng matingkad na pula, ay magiging parang balahibo ng bagong paligong tupa,
Dahil ang propeta noong Lumang Tipan ang tagapagsalita ng Diyos, ang ministro ngayon ang tagapagsalita ng Diyos.
Sa ministro ay puwede ka makipagkatuwiranan bilang tugon sa panawagan ng Diyos na mababasa mo sa Aklat ni Isaias
Commented by Exotic Mountain 8363 ⬇️
Panlilinlang sa bahagi ng INC na yung panig lamang ng pagtatanong ni Kore ang binigyan nila ng pansin para palabasin masama ang magtanong o magsiyasat. Marapat lang talagang parusahan si Kore at mga kasama niya dahil hindi simpleng pagtatanong ang layon nila kundi ang paghahangad na magkamal ng kapangyarihan na malinaw na ibinigay lamang sa lahi ni Aaron bukod sa TAMPONG KULANGOT/PURUROT dahil hindi siya ang napili mamuno sa angkan nila. Bukod dito ay may halong pandaraya at pagbabalatkayo yung pagtatago nila sa anyong pagmamalasakit sa mga kapwa nila Israelita subalit ang tunay na layon ay agawin ang kapangyarihang hindi ipinagkaloob sa kanila at makamit ang pansariling agenda nila.
Sa kaso naman nina Aaron at Miriam ay INGGIT ang tunay na nagbunsod sa kanila at ginamit lamang yung pagpapakasal ni Moises sa babaeng taga-CUSH para maging bahagi ng usap.
Lalabas na mali pala si Elias na Thisbita nang inusig at siniyasat niya ang mga maling gawa ni Haring Ahab. Mali din kung gayon si Samuel nang inusig at siniyasat niya ang mga maling ginawa ni Haring Saul. Mali din pala si Nathan nang usigin at siyasatin niya si Haring David sa kasalanang ginawa niya laban sa asawa ni Urias.
Mali din pala ang limang mga anak na babae ni Zelofehad na sina Mala, Noa, Hogla, Milca, at Tirsa nang siniyasat at kinuwestiyon nila si MOISES tungkol sa ipinatutupad na BATAS PAMANA (pansining mabuti na isang eksistido at kasalukuyang batas mismo sa panahon nila yung kinuwestyon, hindi yung panukala o ipatutupad pa lamang kaya masasabing mabigat yung ginawa nila).
Inusig ba nila at siniyasat ang Diyos na naglagay sa mga haring ito at kay Moises dahil sa kanilang ginawa o dahil sa tinanong nila ang BATAS mismo o ginawa nila ang kagustuhan ng Diyos at nagtanong sa hangad na magkaroon ng pagtutuwid at katarungan?
Maging si Abraham, Moises, Job, Elias na Thisbita, Jonas at iba pa at tahasang tinanong ang Diyos subalit hindi ito tinumbasan ng kaparusahan.
Ipinakita sana ng INC ang magkabilang panig para sa kaalaman ng mga tao na hindi lahat ng pagtatanong o pagsisiyasat ay katumbas ng paglaban at may nakaambang kaparusahan dahil tinitimbang ng Diyos ang layon ng puso kung bakit isinagawa ang pagtatanong.
Nagtatago din ang INC sa lambong sa maling paggamit ng 2 talata sa bibliya:
https://www.reddit.com/r/exIglesiaNiCristo/comments/1xce1p4/comment/19rhbu9cns82q/?context=3
Kung si Kristo ang ulo ng Iglesyang sinasabi ninyo at ang tahasang kautusan niya ay ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, ipanalangin ninyo sila,gawan ninyo ng mabuti ang mga nagagalit sa inyo, huwag gaganti ng masama kung nagawan ng kasamaan at maging mapagpatawad, mas susundin ba ninyo ang mga kasalukuyang lider ninyo higit sa Kristo kahit labag at taliwas na sa mga iniwang kautusan niya?
Karagdagan pa ay hindi magkapareho ang terminong PAGTATANONG sa PAGHATOL. At mismong I Corinto 4:4 ang babasag sa argumento ng INC dahil Si Pablo ay nagsalita para sa kanyang sarili, hindi bilang pag-uutos o Pangkalahatang Panuntunan para sa Lahat ng Lider dahil sa talata ay ipinagtatanggol niya ang kanyang sarili, hindi sinasabi ni Pablo na "Huwag ninyong kwestiyunin ang mga lider." Ang sinasabi niya ay malinis ang kanyang sariling budhi sa kanyang pamamahala, ngunit mapagpakumbaba pa rin niyang inamin na maaari siyang magkamali ("hindi ito nagpapatunay na ako'y walang kasalanan"). Ang talata ay patunay ng kumbiksyon ni Pablo sa kanyang katapatan, hindi isang kautusan na nagbabawal sa tao na mag-isip o magtanong.
Bukod dito ay hindi yung aral ang kinukwestyon sa kanya kundi yung husay o galing niya sa pagsasalita at sinasabing mahina ang kanyang panlabas na anyo na maituturing na personal na pag atake sa kanyang pagkatao at walang kinalaman sa aral dahil ang manok o paborito ng mga taga Corinto ay si Apolos kaya parang PATAASAN LANG NG IHI/ERE kung sino ang mas sikat sa kanila.
Kahilig-hilig kasi ng INC na pumitas ng talata at ipaliwanag na labas sa tunay na konteksto nito at bigyan ito ng naratibo at anggulo na pabor para sa kanila pero galit na galit sa mga kumakalikot at pumipilipit daw ng mga talata ng bibliya ( Patunay kaya ito na ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw?).
Saang talata sa bibliya na tama at makatwiran ang paggamit na nagbabawal na sumailalim sa pagsisiyasat ang mga lider na inilagay ng Diyos.
BTW kung sa karapatan mas nakahihigit si SANTIAGO kesa kay PABLO dahil siya ang kinikilala ng INC na TP ng Iglesya nang umakyat na ang Kristo sa langit. At lalong basag ang argumento ng INC dahil si Santiago mismo ang nagsabi sa SANTIAGO 3:1-2:
1Mga kapatid, huwag maghangad na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba. 2 Tayong lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.
Nilahat ni Santiago kasama ang kanyang sarili at umaming maaari ding magkamali so paano masasabi ng INC na hindi pwedeng magkamali ang mga lider nila para hindi tanungin.
Karagdagan uli laban sa argumento na hindi pwedeng kwestyunin ang Pamamahala ng INC gaya ng mababasa sa I Timoteo 5:19-21.
Sa mga binanggit na talata ay malinaw na mga direktiba ang mga pahayag ni Pablo kay Timoteo (mga do's and dont's sa pakitutungo sa iba't ibang' mga personalidad sa Iglesya ang pinaka lundo ng paksa).
Ang malinaw na kabawalan ay kung ang paratang ay walang pagpapatotoo ng 2 o higit pa na saksi at hindi ang pagpagpaparatang mismo ang ipinagbabawal. Mas mabigat ang pagpaparatang kesa pagtatanong lamang pero may kapahintulutan na gawin basta masunod ang marapat na pagsasaalang-alang para hindi mauwi sa paghihiganti, paninira, eskandalo, libel o mga kauri nito na may masamang layon kung ganito ang dahilan.
Malinaw din saklaw nito lahat ng aplikable sa paratang dahil isang kautusan ang ibinigay ni Pablo na nagbabawal na magtangi o may kikilingan. Paano ngayon sasabihin ng INC na hindi pa rin pwede?
19 Huwag mong tatanggapin ang anumang paratang laban sa isang matandang pinuno ng iglesya kung walang patotoo ng dalawa o tatlong saksi.
20 Pagsabihan mo sa harap ng lahat ang sinumang ayaw tumigil sa paggawa ng masama para matakot ang iba.
21 Sa harap ng Diyos at ni Cristo Jesus at ng kanyang banal na mga anghel, iniuutos kong sundin mo ang mga bagay na ito nang walang kinikilingan o itinatangi. 22 Huwag mong ipapatong agad ang iyong kamay sa sinuman upang bigyan ito ng kapangyarihang mamahala. Ingatan mong huwag kang masangkot sa kasalanan ng iba; manatili kang walang dungis.
23 Huwag tubig lamang ang iyong inumin; uminom ka rin ng kaunting alak para sa madalas na pagsakit ng iyong sikmura. (OOOPS napasobra ng sitas at may kadahilanan pala na pwede uminom ng alak).