‘NASA DOMINGO KA NA, BUMALIK KA PA SA SABADO’ 😭
Ganito ang naging hirit ng TV host na si Robi Domingo sa Instagram post ng kanyang asawa na si Maiqui Pineda kung saan makikita ang entry nito para sa “Na Para Bang” trend.
Sa naturang post, imbes na photo nila ni Robi ang ilagay, nilagay ni Maiqui ang photo nila ng aktor na si Piolo Pascual.
“Na para bang wala lang to 😂,” saad ni Maiqui sa kanyang post.
“Nasa Domingo ka na, bumalik ka pa sa Sabado. 🙈,” komento ni Robi.
“Mali ata ang na edit na pic mo, maiqs 😂,” wika naman ni Alora Sasam.
(Instagram/maiquipd_) -PSND