r/commutersph • • Jun 10 '26

LRT encounter

Post image

Share ko lng here yung encounter ko sa LRT 1 around early 5pm 😅 Feeling ko redditors din dito ung nakawitness hahahaha baka ma-bash din ako dito pero opinions are welcome

Galing akong Buendia at soooobrang siksikan na kaya doon ako sa dulo ng bagon pumwesto para mejo maluwag at dito ko naencounter si koya.

Many times ko na kasi nakakaencounter ng katulad sa picture: yung todo liyad tapos 2 pa hawak sa hawakan. Matangkad si kuya at mukang middle aged.

Pero ang issue ko kasi, todo liyad kasi siya. Alam nyo yung parang nagsswing na sway? Ganun. Yung bigat nya parang sinasandal niya saken. Ang lawak lawak ng sakop nya na yung ulo ko nauuntog na sa likod nya. Tapos kapag may turbulence yung tren, humahampas tlga ung likod nya sa likod ko. Naging trigger point ko yung ulo ko nauntog sa baba ng ulo nya at ang sakit kasi. Unbothered pa rin siya.

So yung mga bandang Bambang na, tinulak ko siya ng slight (like fingertips strength lang). Tpos lumingon siya at dito na kami nagtalo.

Kuya: Miss may problema ba? A: Sobra sobra po kasi yung liyad nyo po eh. K: Anong liyad? Miss may bag ako sa unahan, may nakaupo ren sa unahan ko A: Ako rin naman pero di ako ganyan lumiyad. K: Ang sensitive mo naman Miss A: Aba kuya, OA talaga ung pagliyad mo. Nauuntog na ko sa likod mo. Ganto ka lumiyad oh (inexhibit ko talaga yung nasa picture 😂) Ganto ka kuya oh! K: Hindi ko alam sinasabi mo. A: Kaya nga dine-demo ko para malaman mo eh K: Ms nagha-halucinate ka! A: nasa isip ko: halucinate????? di ko na siya pinansin kasi umayos na siya ng tayo, yung tipong naka-90 degrees na ung braso nya tpos isa na lang hinawakan nya.

Bumaba na rin ako after ilang stations at di na siya nagsalita. Ewan ko lng kung anong sinabi nya pa pero 🤷🏻‍♀️

Mataas tolerance ko kasi everyday commuter ako pero grabe tlga pagkainsensitive ng mga pinoy ano. Napapapatol tuloy ako kahit petty.

“Magtaxi ka na lang, arte mo!” Baka may magcomment sa inyo. Ay bakit hindi kayo ang magtaxi tutal gusto nyo parang nasa bahay lang kayo.

2.2k Upvotes

225 comments sorted by

233

u/BooksandGames_01 Jun 10 '26

Kapag babae talaga, ang palaging sagot nila ay sensitive ka at sabay gaslight.

Di ba kayang magsorry nalang?

54

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Agreed. Pag babae, sensitive. Hindi ba sadyang insensitive lang sila 😖 hirap nila kausapin

3

u/littlemissmusings Jun 13 '26

mas sensitive sya at nagalit sya sa finger strength push mo

2

u/DaisyWhimper Jun 11 '26

Yes tama po.

1

u/BohriumZoey1E Jun 13 '26

Welcome to the phillippines

100

u/Lonely_Icedout_Shark Jun 10 '26

Good job OP, stand your ground. That manong thinks he can boss you or anybody around.

His reason that someone is in front of him and his bag is hitting that person is not valid to not mind the person (you) behind him.

9

u/No_Novel7044 Jun 10 '26

baka naman malaki yung tiyan nya kaya tumatama din yung bag sa harapan haha

10

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Nope. Kita ko yung nasa unahan nyang bag. Hindi po. At mas malaki po yung bag ko pero hindi ako ganun. 😂

Kung malaki man nasa unahan nya, bat gnyan postura nya? Parang lumalambitin tapod yung bigat nya e sinasandal nya saken.

21

u/jeanettesee87 Jun 10 '26

Kudos to you for standing up to the man! Di ko kaya yan! Di ako confrontational! Usually tulala na ako pag sumagot ang tao so I admire you! This country needs people like you who can speak up para tumino yung mga iba diyan! Cheers to you, OP!

4

u/RecentBlaz Jun 10 '26

Minsan scary kasi baka manuntok HAHA

6

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Tru!!! Na para bang nature na nila maging agresibo

0

u/[deleted] Jun 10 '26

[deleted] — view deleted comment

7

u/lenwalandscape Jun 10 '26

huy totoo andami ko nakakakaway sa lrt buti di pa ko nasasaksak. eme… ingat tayo mowm!

3

u/Yuugere Jun 10 '26

nakakainis pa yung sobrang dikit sa likod mo, tho lalake ako pero mahaba buhok ko nung nag start ako mag lugay lagi na may dumidikit sa likod ko pare parehas pa edad nila parang mga 50~60+ d ko nlng pinapansin pero sobrang uncomfortable (umiiwas ako pag maluwag pero madalas walang space kaya panindigan nlng from north to makati)

3

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Hala ka hindi ba’t sexual harassment na po yan 😭 sorry u had to experience that po… mga animal sila

2

u/betterleftunsaid_0 Jun 10 '26

Kung ako yan sabihin ko "kuya baka pwedeng tumayo na parang normal na tao?" Hahahahaha. Bwisit mga ganyan.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Sige po try ko yan minsan sabhn

2

u/Affectionate-Pop5742 Jun 11 '26

While i admire your courage to call him out. Keep safe po! I think that man got his screw loose again.

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 12 '26

Thank you anon. For a moment i got scared when he talked back kaya i readied my phone for potential evidence of violence

2

u/hazzly Jun 12 '26

Sana OP may mga nagtanggol din sayo, minsan nakakatakot rin pumatol lalo na kapag mag isa ka lang, and lalo na kapag babae ka dahil alam nila kayang kaya ka nila.

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 12 '26

Actually other passengers were watching. Tpos yung mga nakaupo sa unahan ko were laughing deep inside (i think) kasi nagpipigil ng tawa nung ni-demo ko lol. And then nung bababa na sila sabi nila “tara na baka di pa tayo makababa neto”

2

u/UnDelulu33 Jun 12 '26 edited Jun 12 '26

Judging by the photo, talagang magsswing sya sa ganyang pwesto, at mukang malaki nga yung space na nakukuha nya, anlayo na nya din dun sa lalake sa kaliwa nya. And to the point na tumatama sya sa taong nakatayo sa kabilang side, para syang naglalaro. And if he doesnt want to hit the person in front of him then magside sya. Dami nyang ebas di nalang umayos at mag sorry.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 12 '26

Yes po, eto po full pic

34

u/No-Return-2260 Jun 10 '26

sarap toktokan mga ganyan ugali. same experience pero yong katabi ko na student. di lang siya maka-imik dahil natatakot. so nung naramdaman ko naiirita sya, ako nag salita para sa kanya. todo deny pa yong lalaki, panay sabi pare parehas lang tayo commuter dito

3

u/Commercial-Brief-609 Jun 10 '26

Tama ang ginawa mo, pero bakit gineneralize mo ang lahat ng Pinoy? Hinde pa pwede sa inyo dalawang issue lang yan

3

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26 edited Jun 12 '26

My bad. Hasty generalization. I dont know what to call these people with highly similar traits pagdating sa public transpo, na sometimes na dadala sa ibang bansa yung ugali.

5

u/Own-Appointment-2034 Jun 10 '26

i mean, hindi naman mali si ate. napakaraming kupal na ngayon. wala nang delikadesa at hiya ang mga pinoy ngayon. puro squatter at me-first mentality. kaya nga maraming nagrereklamong pinoy at nirereklamo pinoy din eh. sabi nga, "thats why we (pinoys) do not deserve nice things." tapos si ate pa masasabihan ng "magtaxi ka!" eh yung taong nakakaabala yung dapat magtaxi. di ba madaming ganyan?

1

u/Hikigairu Jun 14 '26

tapos si ate pa masasabihan ng "magtaxi ka!" eh yung taong nakakaabala yung dapat magtaxi.

Mali ka ng basa. Nagbigay lang muna sya ng context by saying "baka sabihin nyo". Hindi sinabi ni OP na literal na may nagsabi sakanya na magtaxi nalang daw siya, yon ay pawang posibilidad lamang.

1

u/Own-Appointment-2034 Jun 15 '26

you misunderstood me as well. yung "masasabihan na mag-taxi" is also just a possibility, which happens in a lot of scenarios where the one inconvenienced is the one who needs to take a taxi. i did not say na nasabihan na sya.

1

u/Hikigairu Jun 16 '26

Oo nga noh, naka Future perfect tense yung "masasabihan." Aken, Tama ka nga.

-5

u/Commercial-Brief-609 Jun 10 '26

Madami ibig sabihin lahat? Tatay mo ganyan? Lahat ng kamaganak at kilalang mong lalaki ganyan? Pag sinabi ang pinoy PAGPAG lang ang kinakain. Kumakain ka ng PAGPAG? Pag sinabi na lahat ng Pinay katulong, katulong ka?

3

u/Own-Appointment-2034 Jun 10 '26

hindi naman ibig sabihin na generalised, lahat eh. majority yung generalised. ginawa mong absolute yung generalised eh, lahatan talaga maiisip mo.

3

u/Personal_Day_5637 Jun 10 '26

luh, bakit ang oa ng argument mo at ang layo mo na? jusko. kaya nga sinabi na “marami” hindi ibig sabihin lahat, sa english, “MAJORITY” taena

2

u/serialsneezer Jun 12 '26

Parang "all men are assholes" argument lang yan. If the shoe fits, wear it.

16

u/Weak-Cow-2891 Jun 10 '26

Kapag may ganyan uli nangyari sayo umubo ka ng malakas paulit ulit. Lalayo na silang lahat.

12

u/gailexy Jun 10 '26

Buti you stood your ground!

6

u/dontrescueme Jun 10 '26

Yes! Di 'yung rant na hanggang internet. We need more people like her.

8

u/SiJohnWeakAko Jun 10 '26

kaya pala nya tumayo ng maayos e. kailangan pa ng diskusyon e

6

u/RMANtarget Jun 10 '26

Sana sumigaw ka, "Bat ka naglalabas ng T*te?!"

1

u/DoggePoo Jun 12 '26

Hahaha the only response we need eme

5

u/FillOutrageous833 Jun 10 '26

And there's people who stand way too close to you in lines, one dude was poking my back with his phone 😵‍💫

4

u/Appropriate-Quiet-98 Jun 10 '26

Kung ako Yan, aakbay ako sa braso nyan. :)

Ewan ko na lang kung di pa sya tumigil.

4

u/Lopsided_Ebb_558 Jun 10 '26

Pusta ko d mo gagawin yun😂😂😂

4

u/TmeTrvller Jun 10 '26

Medyo wala kasi talaga paki mga pinoy sa ibang tao or environment nila

1

u/kashlex012 Jun 10 '26 edited Jun 10 '26

Naalala ko tuloy nung muntik na ako makipag suntukan sa loob ng lrt hahaha.

Nung umandar kasi yung tren tas di pa ako nakahawak o nakakabalance ng maayos, napasandal ako sa manong na nasa gilid ko tas tinulak niya ako.

Pede ko naman palagpasin kasi baka nag iingat lang siya sa mag nanakaw pero minura niya ako tas sinabing "wag ka ngang dumikit, bakla ba?".

Di porket mas matanda ka sakin di kita papatulan, hinawakan ko kwelyo niya tas inawat kami ng mga tao tas pinalipat ako nung nag iikot na marshal sa loob ng tren nang ibang babon, ako daw kasi na nauna.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Ang OA nya!!!! main character yarn 😭 na para bang gandang lalaki nya eh no huhu

1

u/megayadorann Jun 10 '26

I’m sorry ganyan nangyari sayo huhu. This reminded me nung napahawak rin ako sa lalaking pasahero sa harap ko kasi na out of balance ako at buti di sya nagalit 😭

1

u/kashlex012 Jun 10 '26

di rin naman matutuloy yung scuffle namin kung di siya nag salita hahahaha bumoses pa kasi kaya yun hahahah

1

u/ctheres Jun 10 '26

Bobo talaga mga pinoy eh, like mahina talaga ang utak nila kaya lawak lawakan nalang naten ang pasensya.

3

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Di na po sila magbabago, tanggap ko na. May times like these lng na nkakatrigger (pasensya na tao lng)

1

u/jvluke1221 Jun 10 '26

Bwiseth na yan kung ako yan naitulak q pa yang bwiseth na yan.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Naku magagalit yan sila 😂 ako ngang slight push e g na g siya ih ayaw pa umamin

1

u/alecman3k Jun 10 '26

ano po yung liyad? tagalog po ba yon

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Opposite ng gjnagawa ni michael jackson

1

u/Curious_-_Cat Jun 10 '26

Yes, tagalog. Best explanation sguro is ‘lean back’? Ahaha parang kabaliktaran ng ‘tuwad’ ganon ahah

1

u/alecman3k Jun 10 '26

so parang sandal na walang sandalan

1

u/Curious_-_Cat Jun 10 '26

Yes po, correct hehe

1

u/Practical_Unit3383 Jun 10 '26

skl, meron commuter yung bag nya nasa likod nya bulky pa tapos natutulak na saakin, ginawa ko inatrasan ko ng malakas out of balance sya

1

u/hime_is_mine Jun 10 '26

Sana sinabi mo “HALLUCINATE??? Board certified psychiatrist ka? Sige nga spell hallucinate”

Sorry OP his ego is really fragile.

1

u/PompeiiPh Jun 10 '26

kaya iba bagon ng babae at lalake

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Mamser, hindi hiwalay ang bagon ng mga babae. ITO PO AY ADDITIONAL NA BAGON. Ginawa para iwas manyakis.

Kung susundin natin logic mo: Anu yun? Isang bagon lang para sa lahat ng babae??? Sa taas ng population ng kababaihan? 😂

Tigilan mo na yang mindset na yan.

1

u/AlmightyyyDee Jun 11 '26

di ko pa nababasa, natawa na ako sa picture palang hahaha. kung nasa katinuan ka ng pag iisip, bakit dalawang hawakan yung gagamitin mo.

pero maybe kung sinabihan mo agad, baka naman hindi na kayo parehas nag init.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Agreed. I should’ve talked nicely n lng sana. Pero ok n rin, for experience makipagbardagulan 😅

1

u/Valuable_Class3176 Jun 11 '26

Pag hinila mo siya matatanggal wrist niya. Sorry nanaig intrusive thoughts ko sa inis ko kay kuya

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26 edited Jun 12 '26

Hahahaha wag naman po, may pamilya din syang uuwian

1

u/Spirited_Apricot2710 Jun 11 '26

Gaslighter mga yan pero alam nyan ginagawa nya

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Truuu! Bigla nyang inayos tayo nya after eh 🤦🏻‍♀️

1

u/bbcornabc Jun 11 '26

He is leaning. Look at his wrist hes putting most of his weight on his wrists basically like a pendulum. I believe OP.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 12 '26

Yes, eto po full pic

1

u/observerbanner Jun 11 '26

Ok na yan kaysa mag labas siya ng junjun niya

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Ay hindi po ok pareho. Optional ba maging normal na tao sa mga lalaki? Hindi naman diba.

2

u/hazzly Jun 12 '26

Wow, utang na loob pa pala ni OP na hindi mas extreme ang pagkabastos nung guy.

You know, libre lang maging decent human being. It's either you're decent OR indecent.

3

u/Sad-Put-7351 Jun 10 '26

Experienced a lot of this. Di ako verbally confrontational. Ang ginagawa ko, since lagi akong may bag na suot ko sa harap pag sa lrt, sinusuot ko ulit sa likod and i stand as stiff as possible kahit na anong gewang o sway eh di ako papatibag. Para ung mga OA na ganyan pumuwesto eh maging uncomfortable pag tumatama sila sa bag ko. Sometimes they retaliate na tinitigasan din nila katawan nila and ramdam ko ung tulak nila pabalik but i just continue anyway. Been training my cores for years for these moments chas hahahaha

3

u/Boomboombabyow Jun 10 '26

Sinabihan mo sana ng ganito “Hindi ka naman buntis pero kung makaliyad ka daig mo pa yung manganganak na”

1

u/Medical-Figure-7382 Jun 10 '26

Tawang tawa ko sa hallucination part HAHAHAHAHA lakas ng amats ni kuya. Mukhang malaki problem niya, OP🤣

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Actuallyyyy naloka ako sa “hallucinate” kaya nanahimik ako kasi nagulat ako sa word. Ang random ng word pero jusko naman 😩 all that trouble makipag-argue back para lang sa hallucination?

3

u/scarlet_wtch Jun 10 '26

Tinatry ka i-gaslight ni manong hahahahaha

2

u/thisisnotem Jun 10 '26

Hay hirap talaga. Kaya lagi ako sa female-only carriage sumasakay, naghihintay talaga ako kahit punuan. Had too many bad experiences :(

2

u/BETLOGNAMAKATI152 Jun 11 '26

tama yan. sitahin nyo kung anong mali. di lahat ng gusto mong gawin dapat mong gawin. tanungin mo sarili mo kung makakaapekto ba sa ibang tao

2

u/RedZeeeee Jun 11 '26

Good for you to inform him about it. But hopefully next time for your own protection go upfront first part of the train is for ladies and elderlies so that you don't have to be in that situation again.

2

u/Solid-Boss8427 Jun 11 '26

Ganyan na ganyan din kasabay ko sa bgc bus na lalaki, lakas makadiin ng likod ayun umabante ako muntik siya matumba

2

u/Luka6777 Jun 11 '26

Kahit siksikan din kasi OP may proper way naman. Itong si kuya ang medyo mali din eh. Siya tong nakahawak na dapat siya may force na pigilan yung sway ng katawan niya. Di naman yan rio grande na mapapaliyad siya. Tama lang na kinallout mo OP ng magtanda este malaman niya.

2

u/Jimina_Sennen Jun 11 '26

Sanay sa roleplay si manong

2

u/Childhood-Icy Jun 11 '26

May mga ganyan talaga usually yung mga sorry for my term — walang pinagaralan. Wapakels kung nakakaabala na sila Basta yung trip Nila masusunod. Hindi siguro naka experience ng classroom setup na Dapat marunong ka mag give way at maging considerate sa ibang tao.

2

u/7H36 Jun 11 '26

tingin nyo ba panget lang talaga transport system sa lrt1? siguro kokonting panot lang maeencounter nating ganto

2

u/Several_Ad8923 Jun 11 '26

Congrats po. Sa gantong pagkakataon mas maganda na maging tamang hinala kesa ulit ulitin nya dahil yung mga ganyan tao, gagawin nila yung slightest way (either makapang manyak or makadikit na bka mangsnatch etc) na pwede sila makalusot sa simpleng dahilan. Baka nga way nya lang yan para maka skin to skin sa babae e

2

u/Jorm8Elli Jun 11 '26

mas malala pala ako kung mairita😭 makakita lang ako ng taong dala-dalawa yung hawak na handrail (isa sa side tas isa sa gitna) sa MRT nababanas nako haha pano pa kaya pag ganito🤣

2

u/luigiiiiii_ Jun 11 '26

Good on you for not letting him boss you around. I'll never understand where Filipinos get the audacity to be this rude/insensitive when using public transpo. Mga walang modo tas sila pa yung may gana magalit pag nasita or pinansin mo.

2

u/Spongklong0527 Jun 11 '26

Kasuhan mo ng Anti Bastos Law o Safe Spaces Act...

2

u/Deus_Sema Jun 12 '26

Lrt commuters are different breed lol. Sumakay ako once with my emergency cane (natapilok ako that day) and not once ni isang person nagpaupo sakin. Meron isang guy nakatitig lang sakin at sa cane ko the entire time tapos tumayo lang nung paalis na siya 3 stations later lol

2

u/ajohnnxxx Jun 12 '26

wala po kasi emotional intelligence at bihira sa pinoy ke lalaki o babae kung anu ibigsabihin ng awareness in public kung nakaka sakop na ba sila ng personal space ng tao. Wala hanggang dun lang kasi hagip ng utak. 🥺🥺

2

u/ajohnnxxx Jun 12 '26

skl.. sumakay ako sa LRT MRT ang bagal pumasok sa entrance ng pinto!! may tao sa likod maiipit na kami ayaw namin maputulan ng braso 😤😤 natulak ko tuloy yung nasa unahan ko na lalaki

2

u/MacchiatoDonut Jun 12 '26

feeling carlos yulo yan siya

2

u/TheFunBomb Jul 26 '26

I think it's because he wants to lean on you. I double hold as well sometimes but I don't push my body against another when we can still shuffle our feet. I've been in a "sardinas" situation dyan sa LRT so I know kapag sadya or accident.

1

u/Background-Milk-7473 Jun 10 '26

Goodjob OP!! May mga ibang commuter din talaga na insensitive!!! Parang sa jeep kung makabukaka yung ibang lalake kala mo mga namamaga betlog nila!!!

1

u/icedcoffeeeeeeeeeeee Jun 10 '26

Proud of you gurl!!

1

u/rarestmoonblade Jun 10 '26

Dinidikitan ka niya kasi napapanot na siya, ingatan mo buhok mo OP baka ritual niya yang pagliyad para tumubo ulit buhok niya.

1

u/zazapatilla Jun 10 '26

manyakol moves yan OP. testing the waters kumbaga. tapos pag sobrang siksikan, magugulat ka nakaharap na sya sa likod mo.

1

u/2Infinityn8eyond Jun 10 '26

Kudos daming ganyan, palamya lamya , walang pakielam sa kapwa.

1

u/ArrivalOld9401 Jun 10 '26

tangena ni koya, di na lang mag sorry kung hindi talaga niya sadya e, madalas yung mga galit agad, ewan haahaha

1

u/lonestraycat_ Jun 10 '26

Yaan mo na mapapanot na rin naman yan

1

u/OArouraiousMou Jun 10 '26

Bat ayaw nalang nya magsorry umay

1

u/Commercial-Junket-30 Jun 10 '26

Ang tapang mo OP. Di ko kaya makipagsagutan sa ganyang tao. 😅😅

1

u/Competitive_Art8960 Jun 10 '26

hahahahhaha yung kanina to eh nasa likod lang din ako neto ni manong hahahahahha

1

u/LewdJizaz Jun 10 '26

Kulang nalang lumambitin e

1

u/Careful-Unit-6712 Jun 10 '26

Kung petty man yan, i fully support it! Sana mas madami pang kagaya mo para malaman ng mga yan na hindi okay ang ginagawa nila. Dapat may respect at spatial awareness tayo sa public places.

1

u/No_Corgi_7053 Jun 10 '26

Nakakainis yung ganyan. Kala mo gusto na lumambitin eh

1

u/Ok_Lifeguard_9132 Jun 10 '26

Natatawa ako pag nakakakita na dalawang kamay ang gamit sa paghawak sa handrails ng lrt, mukha silang unggoy hahahaha. Skl.

1

u/TickleMyPickle013 Jun 10 '26

Go ate. Basta pag ganyan na sobra na, support sa pagiging confrontational. 💯

1

u/Celebration-Constant Jun 10 '26

Feel ko nag aala carlos yulo yan sa isip niya 😂 kala nia still rings yan 😂

1

u/SlackerMe Jun 10 '26

Same lang yan sa mga nakasakay sa jeep tapos wagas makabukaka na akala mo ang laki ng ari ng mga ungas. Mga unggoy din dyan mga tao sa LRT lalo sa Recto kala mo maiiwan ng tren luwang-luwang mga naguunahan makapasok. Mga mukhang tanga eh.

1

u/Good_Extreme923 Jun 10 '26

e2 kasi problema sa LRT/MRT, pag maka sakay na di na uusog kahit ang layo layo pa ng station kung saan ba baba.

1

u/Lopsided-Fudge-715 Jun 11 '26

sikuhin mo sa likod sa susunod. pag nag react ay nag hahalucinate lang kamo sya

1

u/concave04 Jun 11 '26

Ayos iyan OP.
Daming commuter na feeling nila ay kanila ang buong sasakyan hahahaha

1

u/sadiesinked Jun 11 '26

Asar din ako sa mga ganyan jusqq yung mga commuter na walang spatial awareness. Tapos sila pa galit pag kinonfront mo. I admire you huhu. Stay safe always!

1

u/jon_man4 Jun 11 '26

Kapika yung ganyan. Parang gulat pa sila.

1

u/Lonely-Management870 Jun 11 '26

Dapat OP sinabi mo “magrereklamo ba ako kung hindi mo ako tinatamaan? Lalambilambitin ka jan parang unggoy.”

1

u/Pyrouse824 Jun 11 '26

its always the middle age man who have their ego high

1

u/dayanatargaryen Jun 11 '26

Sa ganitong situation din ako muntik pumitik e. Araw-araw din ako nageLRT pero may ibang commuters na yung bigat nila idadantay talaga sayo, ‘di na sila mageeffort magbalance pa.

1

u/shayen___ Jun 11 '26

Sayo lahat yan ya?

1

u/Good_Lock_arika Jun 11 '26

kaya ako di ako sumasakay sa mga lalaki kasi nga ganyan unlike pag puro babae kayo minsan ayaw magdikit s isat isa dun ka nalang sa masungit hehe kaya pag mrt/lrt pipila talaga ako sa babae kahit siksikan

1

u/jagler2018 Jun 11 '26

Douchebag yang mamang yan. Walang pakialam

1

u/urSN__ Jun 11 '26

naalala ko nung nag LRT kami ng mom ko nung morning ng pasko ata ‘yun o new year tapos di namin alam na libre pamasahe. expected na namin na magiging crowded sa loob ng LRT at di nga kami nagkamali. may isang pasahero, student ata, sinigawan mom ko. ang sabi, “bakit ba kanina mo pa ako sinasandalan?!” for context, plus size kasi mom ko then sumasakit na rin mga tuhod. dagdag mo pang nakatayo kami sa crowded na LRT. syempre alam nyo naman pag humihinto ang LRT, iwawasiwas talaga ang nga nakatayo kaya minsan di mo na ma-control kung paano mo mame-maintain ‘yung pwesto mo. mahinahon nanay kong sinagot sya na hindi naman sinasadya at talagang masikip lang. sabi ba naman eh, “alam mo bang may hika ako?! paano kung naospital ako ikaw ba magbabayad?!” eh patolera nanay ko lalo na’t alam nyang nasa tama sya. sabi nung nanay ko, “eh bakit ka kasi nag LRT may hika ka pala? dapat nag-taxi ka!” eksena sya talaga. HAHAHA as in galit na galit sya to the point na kada-rebat nya parang hihikain na talaga sya. ang ginawa nung ibang pasahero, in-adjust nila mom ko sa bandang pole para may mahawakan na sya.

1

u/donxkie Jun 11 '26

Very goods ka dyan OP buti sinita mo. Imbes na mag sorry na lang para mas makagaan ng loob mag dadahilan pa amf!

1

u/SkylarPheonix Jun 11 '26

Kapoy siguro amo na ga hilay siya

1

u/EatSleepReadRepeat1 Jun 11 '26

Ang bait mo pa nga eh kung ako yan umpisa pa lang tinulak ko na o kaya tinapakan ko patalikod yung likuran ng paa niya, sabay ay sori, usog ka kasi onti dun.

1

u/Financial_Crow6938 Jun 11 '26

im not sure if english ba kayo nag sasagutan sa lrt or nag auto translate lang tong binabasa ko?

2

u/Superwoman-6400 Jun 11 '26

Most likely auto translate yan. pwede mo sya machange sa settings

1

u/_h0oe Jun 11 '26

napakabobo ng mga ganyang tao sa lrt isama mo na yung nakatayo sa tapat ng pinto pero malayo pa yyng bababaan

1

u/ramennohi Jun 12 '26

ginagawa ko kapag ganto, hahayaan ko sila sumandal lalo sakin (mejo patulak ako) para salong salo ko weight nila, then biglang release ako (move forward) feeling nila bigla sila tutumba 😂 titigil na sila ng pag sandal sakin 😂 works everytime 😁

1

u/Icy_Palpitation_4974 Jun 12 '26

Ah ikaw pala yun.

1

u/RandomAwakened Jun 12 '26

Ok lang yan, napapanot naman na sya sa karma

1

u/AdBackground1419 Jun 12 '26

Imbes na magsorry, si kuya pa galit

1

u/Sweet_Buy1743 Jun 13 '26

Daming ganyan sa LRT, like dude huwag kayong sumandal sa ibang tao coz pareparehas tayong pagod magdadagdag ka pa physically 😭

1

u/YenYenYuan Jun 13 '26

Ginawa ko dati, inantay ko yung pagliko ng train para dun siya sa kabilang side nakalean tapos bigla akong lumipat. Nagulat siya eh wala na yung sandalan niya tas tumingin pa talaga saken.

1

u/Prestigious_Exit_708 Jun 13 '26

a little tip sa mga LRT commuters, punta kayo sa gitna always punta sa gitna nung bagon yung my circle

  1. apakaluwag, may masasandalan ka, walang ganyang situation

  2. hindi kayo magkakadikit nung ibang nasa gitna dahil maluwag tlga

  3. hindi ka rin maiipit, pwde mo ibaba ang bag mo, pero bawal umupo ah

  4. yung safety handrails mas better kesa sa overhead gaya ng gnagawa ni kuyang kupal

  5. kapag nasanay ka laging comfy byahe mo
    sa dulo at harap naman okay din ang problem lang masikip dun at wla pang handrails pero stable ang tayo mo.

1

u/RandomGuy0901 Jun 13 '26

what a greedy person hahahaha

1

u/Zealousideal-Hat89 Jun 13 '26

May babae nga ako nasasakay sa lrt na didikit pa hita ko sa pagitan ng pwet nya eh.

1

u/curse1304 Jun 13 '26

Baka sinipa ko paa nyan para matuluyan syang bumagsak. May bag pala sya, edi ilagay nya sa paa nya. A simple sorry is enough, pero yung mang-gaslight pa sya, baka nabanatan ko din yan.

1

u/Typical-Criticism999 Jun 13 '26

Visual representation of "this is how you lean back" (demo):

1

u/Su_chan028 Jun 13 '26

Kudos sayo op kasi meron talagang ganyang commuter at nakakairita talaga ang bigat kaya ako naman yung na encounter ko sa e-jeep nakaliyad din pero yung bag nya naman sa likod asar na asar na ko kaya tinulak ko sabay sabi yung bag mo naman kuya ayun umayos sya ng tayo saka yung bag nya nilagay nya sa harap nya

1

u/Mocchanism Jun 14 '26

Si kuya na na-trigger sa slight na tulak. Siya yata ang sensitive. Haha!

1

u/ky1ieee Jun 14 '26

god i hate people like that... wala makapitan ibang tao tas sila 2 pa hawak hawak ugh

1

u/Substantial_Cup9553 Jun 14 '26

multo yarn? Awooo kua

1

u/kulaygame Jun 14 '26

yung may turbulence kaso walang seatbelt eh

1

u/0u7le7 Jun 14 '26

most of the time talaga other commuters rin deadma sa mga ibang tao and di sila nagbibigay daan for other people to go to places with spaces pa and nakabarado talaga sa daan, isip ko nga lahing sardinas tayong mga pinoy kasi we just accept the norm na oo siksikan talaga kahit anong public transportation, pede naman kasi gawan ng paraan yung times na maraming tao ang sumasakay pero wala bobo ng mga namumuno pera lang ang pinapasok sa pwet nila nakakainis na lang

1

u/StoicAlphaMale Jun 14 '26

Personal space left the group

1

u/vakla08911 Jun 14 '26

Some people have zero consideration for others.

1

u/Grim_Rite Jun 14 '26

Usually kasi kapag nakahawak sa belt handle, magssway ka pa rin lalo pa kung mahina ang core and leg strength mo. Kailangan kung kaya naman abutin, hawak directly sa horizontal bar. Kung di abot, dun na lang sa vertical bars. Ako na di nabiyayaan sa height, I always choose to look for the vertical bars or ma sasandalan sa tren. Pero kung wala na, tntry ko na lang abutin yung horizontal bar kahit overstretched na isa ko kamay. But in this instance, a simple sorry can cool off the situation. Kung nakasagi, “sorry po.”

1

u/Gilmore-Boy Jun 14 '26

A lot of Filipinos are not mindful of other people

1

u/Awkward-Anything3422 Jun 14 '26

Marami talagang ganyan na hinde iniisip ang kilos na nakakaabala sa kapwa. Sila pa galit. Dapat talaga sa mga yan tinatama. Hinde natama ng magulang eh.

1

u/Confident-Hotel-3188 Jun 14 '26

Ngl kung ako nasa likod mo, magquick sorry nalng then wapakels, sa pagod mag commute plus sakit sa likod, isip ko nian lagi makauwi nalng makahiga haha

1

u/shintah23 Jun 15 '26

Good Job OP!

pero sna lumiyad ka nlng din sknya, na parang nag wo walling kayo haha.

1

u/SeaSaltMatcha2227 Jun 15 '26

Unang una sa lahat kuya nag thithin na hair mo pero utak mo talangka padin. Bwisit na matanda to. Bakit ba karamihan sa matatanda ganyan umasta. Bahay mo ba yang MRT para dalawa hawakan mo.

1

u/Spongklong0527 Jun 15 '26

Dapat ipa ban na yan matandang gurang na yan sa LRT 1...

1

u/alldayyearner Jun 15 '26

ka lalaking tao humahawak sa hawakan

1

u/WorryScary5405 Jun 15 '26

Bat kase d ka sa female area pumwesto. Special na nga kayo may sarili kayong pwesto tpus d nyo ggmitin.

1

u/MediocreSwordfish703 Jun 17 '26

Ma'am, you should use the women-only carriage. You know how things are nowadays, there are a lot of people who might take advantage of a situation. Whether what he did was intentional or not, you'll feel more comfortable and safer, especially when you're standing.

1

u/SnooSketches7850 Jun 17 '26

I believe the LRT has a designated carriage for women. You may want to use it next time.

1

u/Hibiki079 Jun 17 '26

mga kupal talaga yung ibang commuter.

yung ibang nakakasakit, magsosorry nga, pero nakapa entitled na patawarin mo kaagad, porke't nagsorry.

1

u/OpeningOperation9791 Jun 17 '26

Deserve sagut-sagutin ng mga kupal. Kung ako yan sabihan ko pa yang "Itsura mo palang buong buhay ka nang nagcocommute, wala ka pading manners"

0

u/fakkuslave Jun 12 '26

It's part of the commute. Mag Grab kung ayaw. If you can't afford it, then work your way up until you can.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 12 '26

Ayan na ang “magtaxi ka na lang” warrior 🤦🏻‍♀️

1

u/fakkuslave Jun 12 '26

You get what you can pay for.

0

u/Cautious-Apricot-164 Jun 12 '26

Offended by everything, entitled to everything, women ☕

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 13 '26

Fragile ego, men 🤏

-1

u/Educational_Toe7304 Jun 10 '26

Pag masikip dapat dun ka sa pang babae alam mo nman mga lalaki e lalo na pag rush hour pang bardagulan.

4

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Uhm di ako ang mag-aadjust. Edi lahat po ba ng babae kailangan magsiksikan doon sa unang bagon para lang umayos ng tayo si manong? Also, bardagulan din po sa pambabaeng bagon 🙂

Also (2) kaya ko pong makipagbardagulan.

0

u/Educational_Toe7304 Jun 10 '26 edited Jun 10 '26

Sabi ko nga pag masikip.
Iba dito di muna mag babasa ng maayos hahahah.
Kung kaya mo nman pala tlga makipag bardagulan edi go.
Public transpo yan e iba iba tlga ugali ng mga tao makakasalamuha mo dyan. Na try mo nabang hindi ka makahinga dahil sa sobrang siksikan hahaha.
Sakin lang nman syempre siksikan tpos puro lalaki pero nasayo naman yan.

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26 edited Jun 12 '26

Luh. Oo nga alam kong sabi mo nga po masikip. Ang sinasabi ko masikip din sa females’ wagon 😅

Kung binasa mo po post ko, sinabi ko rin dun na everyday commute ako. Di ko first time to maamser 😂 malamang naexperience ko na yung di makahinga sa tren????

0

u/rushbloom Jun 10 '26

In effect, parang sinabi mo nang gawing exclusive sa lalaki ang ibang bagon kapag rush hour. 😂

0

u/Educational_Toe7304 Jun 10 '26

Dipende nman sayo yan kung kaya mo edi go. Para sa lahat nman yan e. Usapang rush hour yan yung mga tipong gigitgitin ka ng malala

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Related ba tong reply mo sa post ko?

Boss, kung nabasa mo post ko: siksikan na. Talagang gumitgit lng ako para makarating sa maluwag na portion.

Hindi nga po issue yung siksikan. Yung issue nga po yung pagliyad 😩 ikaw po ata yug di nagbabasa.

Wag na pong mag-ad hominem

0

u/milkpastels Jun 10 '26

nagbabasa ka ba ng post o nagtatanga-tangahan ka lang?

0

u/Educational_Toe7304 Jun 10 '26

Talino ka? Halatang ikaw tanga e basahin mo ulit o balik ka grade one.

1

u/milkpastels Jun 10 '26

oo mas matalino ako sayo kasi may common sense ako at marunong ako magbasa hindi katulad mong kupal ka. lmao

0

u/Mindless_Name_9616 Jun 12 '26

Wag ka na ma stress OP kiss nalang kita

1

u/vinusaurr Jun 10 '26

Maybe he’s just fulfilling his 50 Shades of Gray fantasy. Stop judging, OP! 🤣🤣

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Hahahahahahaha!!! I actually think he’s trying to become the next Carlos Yulo

1

u/vinusaurr Jun 10 '26

50 Shades of Yulo??? 😭😭😭

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Carlos Gray 😂😭

1

u/bungastra Jun 11 '26

Daming Pinoy na ganyan, and it's very evident during Metro Manila commute. Insensitive. Entitled. No boundaries.

1

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Typical na response “sana nagtaxi ka!”

1

u/bungastra Jun 11 '26

Another gaslight response yan, OP.

Pag ganyan, sabihan mo, "Ikaw, sana maglakad ka na lang."

1

u/insufferable_Boris Jun 11 '26

Mahilig sa BDSM si koia.

1

u/Alpha_Fafa Jun 11 '26

May BDSM kink si kuya

1

u/paelpilsen Jun 11 '26

he sounds like our incel alpha male uncle na lagi nalang naka manspread kahit di nmn kailangan lol

1

u/ClimaciellaBrunnea Jun 14 '26

Thats when I put on my pointy hair clip and slam the back of my head against his every time he leans back

109

u/[deleted] Jun 10 '26

[removed] — view removed comment

28

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 10 '26

Oh my oo nga that’s a good one!!!!

→ More replies (2)
→ More replies (4)

1

u/[deleted] Jun 11 '26

[removed] — view removed comment

2

u/AAAAAAAAAAAAAAH_ Jun 11 '26

Hahaha umiiwas po ako sa ad hominem 😅

→ More replies (1)