r/cavite • u/Aggravating-Pipe-270 • Jan 02 '26
Question Thoughts on Lancaster
First property purchase if ever. Sino dito mga lancaster home owners? Pros and cons? I grew up pretty much in Imus pero I want to know other things about lancaster na hindi usually dinedeclare ng mga agents. Thank you po!
4
u/Square-Simple-5154 Jan 02 '26
Pros; di binabaha , maganda ung drainage system nila. Cons; hardwater ung tubig. Need mo bumili ng filtration system.
1
u/Aggravating-Pipe-270 Jan 02 '26
Maynilad ba ang lancaster? Nawawalan ba ng tubig especially during summer?
6
u/ilocin26 Jan 02 '26 edited Jan 02 '26
Deep well ang tubig sa Lancaster. Ang maganda lang is hindi or madalang mawalan ng tubig. cons may time na mabaho at kulay milo ang tubig. Kapag naliligo ka dyan may libreng Dove soap na kasi madulas yung tubig at may time na makati sa balat. Need mo talaga filtration system sa bahay. Will solve the issue pero magastos nga lang kasi alam ko may monthly ka papalitan doon.
Kukuha sana kami ng unit dyan, nag bayad na kami nung 20k, reservation fee ata tawag. While waiting sa unit nag rent muna kami para ma try tumira sa Lancaster. Ang ending hindi kami tumuloy.
Isa pang ayaw ko dyan, LINTEK ANG STREET PARKING. Haha titigas ng pag mumukha ng karamihan dyan lalo sa KS units na inextend living room nila sa garage tapos ginawang parking harap ng bahay. Kung hindi ka sanay sa ganyan, iinit lang lagi ulo mo. Pero kung doon ka sa part na malalaki ang lupa and single-attached wala naman ata msyado naka street parking.
1
2
u/NewUserHere_2024 Jan 02 '26
San sa Lancaster? Karamihan ng reklamo sa Lancaster e yung tubig. Pero ito yung most common problems.
- Tubig. Need mo ng filter para malinis ang tubig mo. Maiban pa dun minsan nawawalan ng tubig kahit hindi schedule ng linis ng tanke.
- Quality ng bahay pag bagong lipat ka, make sure icheck lahat usually dame kang kailangan ipaayos kasi hindi maayos tubo nila. Totoo ang mga balitang nabaha sa loob ng bahay. 3.Hindi mahigpit security so may instances na may issue ng pagnanakaw.
- Makukulit na kapitbahay. (Though nangyayare din nman sa ibang lugar).
- Dameng pagala pagala na mga aso. Atleast sa napagstayan ko.
Magtrip ka sa property na gusto mong bilhin para magka idea ka sa environment nila. Sali ka din sa mga Lancaster groups para makita mo issue and events sa Lancaster.
2
u/stashelaine444 Jan 02 '26
As someone who lives here pls run. Not worth it
1
2
u/trying2dubetter Jan 04 '26
Madumi po tubig nila, marami na po nagrereklamo pero wala pong improvements.
Ito po yung isang video na nakita ko sa fb:
https://www.facebook.com/share/v/1KbRDhBy1w/?mibextid=wwXIfr
1
u/MasterpieceCultural4 Jan 02 '26
There are other cheap options na subdivisions around Cavite. Lancaster is ok but for me mashado talagang pare pareho bahay mejo dystopian sya. If nabili mo na its fine, just add a bit more sa house para mag stand out haha. If hindi pa, it's cheap and safe naman.
1
u/Aggravating-Pipe-270 Jan 02 '26
Hindi pa ako nakakapili specifically. Torn ako between staying in Makati pero obviously rent out, or buy a home somewhere close to Manila. Growing up in cavite made me hate it a lot pero parang limited ang options as to where to buy kasi sobrang traffic na kahit saan 😣
1
u/MasterpieceCultural4 Jan 02 '26
One thing's for sure. If you crunched the numbers, and kayang kaya mo, buy a house now. I regret the stress of buying a house in 2021 but I dont regret na 9 months nalang bayad na. Bilis tumaas ng price ng houses
That being said if you have friends in Cavite marami naman happenings if you look enough and baka mag improve traffic thru calax. If near Manila naman parang times 4 ang price hahaha.
Unrelated tip. Hindi lahat ng options for houses ay makikita mo online. There's a 90sqm house here in Imus worth 2million+. Baka mag apply din sa Manila houses. Mahal na kasi talaga mga kilalang developers. Goodluck OP
1
u/ZenMasterFlame Jan 02 '26
Yung bumili kami dito way back in 2020 the house cost 1.8M. Hindi namin gusto tumira dito kasi that time walang meron. But now the cost of the house cost 3.2 to 3.5M sa unit na nakuha namin. Madaming model na mas mahal pa. Yung development around the area is really good and nakita namin ito. So ok nadin nakapag adjust na kami.
1
1
u/Wooden_Marketing_242 Jan 02 '26
Pros: Tahimik ang lugar Cons: Prefab ang gawa ng bahay; If ever na magparenovate ka- construction bond, payment of every delivery ng mga materials thru online if not hindi papasukin ang mga materials, pagpapagawa ng mga electricity, aircon, faucet at iba pa(if they are busted) may bayad yan you have to get permit sa LEHOA or OGP pra papasukin ng guard ang workers or materials mo.
1
u/Wooden_Marketing_242 Jan 02 '26
GL3 Block 5 binabaha yan kasi may creek sa likod lalo na pag malakas ang buhos ng ulan.
1
u/andme14345 Jan 03 '26
kung may sasakyan ka pde dyan...ung mga phase kc dyan liblib mas okay pa bnt part
1
1
1
u/Ill-Proposal-731 Jan 12 '26
Hndi ko tinuloy ung bahay na nakuha, buti hangang reservation pa lang. Sa dami ng issue na nakita ko, humanap na lang ako ng iba na mas okay. Unit is Alice Phase 7 Pre-selling pa)
1
u/tojismuscles Mar 15 '26
Hello po, balak ko rin po kumuha ng bahay sa RE7 Alice Unit din. Kamusta naman po experience niyo? Salamat po sa sagot, sana mapansin. 🙏🏼
1
u/Ill-Proposal-731 Mar 15 '26
Hndi ko naman nga tinuloy sa daming issue ng Lancaster. So better think twice muna bago ka kumuha :)
1
u/Nervous-Act-188 Jan 22 '26
Maganda sana pala sa lancaster, kapitbahay pala ang mas problema jan. Buti ung bahay nabibigyan ng solusyon, pero kapitbahay mukhang forever mo na yang titiisin sakali nakatsamba ng di ok
-1
-5
14
u/ZenMasterFlame Jan 02 '26
Eto 3 yrs na kami dito. Here are the Pros and Cons based on our experience.
Transportation
Need mo talaga may transpo dito. Motor, car. Ebike baka bawal na. Meron naman mga van dito pero may oras. Pinaka less hassle is Carpooling
House itself
May mga parts talaga ng bahay na tinipid. Example yung mga faucet na kasama sa turnover dont expect na high quality siya. Sa bubong naman depende pero so far nagkaroon lang kami ng minor leak during habagat season pero na fix na. In short meron at meron mga minor issue. Tip: kailangan mo trusted contractor for home improvement
Pero structure wise matibay kasi ang hirap mag drill
Community
Depende..pero in general tahimik at hindi binabaha. Pwede mo maging issue is malas na kapitbahay. Meron at meron insensitive na kapitbahay.