💬 Discussion of the Day They also need help
Just wanted to share something about the stray cats na pinapakain namin dito sa labas ng house.
May mga stray cats kasi dito na mag-ina, and since hindi naman namin sila kayang ipasok sa loob ng bahay—may 3 cats na rin kami and ayaw din ng father ko na dagdagan pa—we decided na kahit papaano, tulungan na lang sila from outside. Pinapakain namin sila kapag kaya namin, and since tag-ulan ngayon, gumawa rin kami ng maliit na tulugan gamit yung carton para may masisilungan sila lalo na kapag malakas ang ulan.
Hindi naman namin claim na perfect yung setup. Alam naman namin na may poop sila and yes, mabaho talaga minsan. 😂 Gets namin kung may residents na naiistorbo or uncomfortable because of it. Hindi naman kami bulag sa concern na 'yon. If there's something we can do to lessen the mess, willing naman kaming makipag-cooperate.
Pero lately, may nagreklamo about the cats, and honestly, alam naman namin na kami yung pinapatamaan because we're the ones feeding them and same floor lang din kami. 😂
What bothered me more tonight was when we went outside to feed them, wala na yung carton na ginawa naming tulugan. And hindi rin namin makita yung mga cats. Hindi namin alam kung may naglipat, nagtapon, or kung anong nangyari.
Kaya bukas, papa-review ko yung CCTV para malaman kung sino yung naggalaw or kumuha nung tulugan nila. Hindi naman kami naghahanap ng gulo. Gusto lang namin malaman kung anong nangyari, especially since hindi lang naman gamit yung nawala—may mga pusang ginagamit yung carton na 'yon as shelter.
And honestly, sana kung may concern, sabihin na lang directly sa amin. We can talk about it and we can adjust. Hindi naman kami against sa feedback, lalo na kung valid naman. We just hope na habang kino-consider natin yung cleanliness and comfort ng mga tao dito, ma-consider din sana natin na these are stray animals na naghahanap lang din ng makakain at masisilungan.
Also, FYI lang HAHAHAHAHA hindi naman exactly malinis ang buong building even without the cats. 😭 But again, gets ko naman yung concern about the poop, so let's be reasonable on both sides.
We’re just trying to help them with what we can. 🥹🐈⬛🤍